"Mickey! Mag usap tayo!" sigaw ni Khymer.

"Sige sundan mo sya at hindi ako mangingiming ibulgar iyon Khymer! Tototohanin ko din na kakasuhan ko ang baklang iyon!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko iyon. Parang may nag uudyok sa akin na bumalik at ilaban ang pagmamahal ko kay Khymer.

Susuko na ba ako agad?

Pumikit ako at huminga ng malalim. Ano bang dapat kong gawin?

Nakarinig ako ng mga yabag sa likuran ko. Pagtingin ko ay si Eirige pala.

"Hindi porket gusto ko ang nangyari sa atin ay hahayaan kong ganito. Tutulungan kitang magka ayos kayo ni Pinsan." aniya at hinawakan ako sa braso.

"Huwag na. Hindi mo ba nakita? Sa huli ay hindi pa din nya ako pinanindigan. Kalimutan mo na din na may nangyari sa atin."

"Lumaban ka. Huwag mong isuko si Pinsan. Maaaring hawak sya sa leeg ni Nova. Pero tutulungan kita. Hindi itutuloy ni Nova ang pagsampa ng kaso sayo pero dapat matuloy ang kasal nila,tutulong akong magka ayos kayo ni Pinsan."

Ikakasal sila? Hindi ko na alam ang dapat kong isipin at maramdaman. Sa sobrang patong patong na sakit,nakakamanhid pala.

"Wala na akong pakialam." sagot ko at tinalikuran si Eirige,lakad takbo na ang ginawa ko pababa sa hagdan. Nakasalubong ko sa front door sina Kheeth at Keyk pero hindi ko na sila pinansin,gusto ko na lang umalis sa lugar na ito.

Sumakay ako ng taxi,dalawang tao ang gusto kong puntahan. Si Brix para makausap ko sya at makita ko si baby Mykee,at si Kayt dahil alam kong mapapagaan nya ang loob ko.

Sa huli ay si Kayt ang napagdesisyunan kong puntahan.

Ito ang pangatlong beses ko na nagpunta dito. Pagdating dun ay sinabihan ako ng guard na nasa trabaho pa daw sila pero pinapasok pa din ako at sinalubong ng isa sa mga maids nila.

"Sir Meekz,pwede nyong hintayin si Sir Kayt sa living room o sa kwarto nya tulad ng dati. Pero mas mainam na sa kwarto na lang. Nandito kasi mga kapatid nya,yung babae mataray,yung lalaki naman ay suplado." bulong nito sa akin.

"Ganon ba? Dun na lang ako sa kwarto nya,kailangan ko lang talaga syang makausap." ani ko. Tumango ito at hinatid ako sa kwarto ni Kayt.

"May problema ba? Namamaga mga mata mo eh. Tawagan mo na lang si Sir Kayt na nandito ka." nag aalalang sabi nito.

"Okay lang ako. Salamat ah?" ani ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Kayt at pumasok na sa loob.

Napaka manly ng interior design,black and white. Nagpunta ako sa sofa at naupo. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinext si Kayt na nandito ako sa kwarto nya at naghihintay.

Hindi naman sya nagreply. Kaya tumayo muna ako dahil sumakit ang tyan ko. Pumasok ako sa CR na nandito din sa kwarto nya at nagsimula ng maglabas ng sama ng loob.

Pagkatapos maghugas at magsabon ay niflush ko na ang bowl. Lumabas ako sa cubicle at humarap sa salamin ng sink.

Namamaga ang mga mata ko. Ang hapdi na din nya.

Ang dami ng nangyari. Halos parang hindi ko na masundan. Iniisip ko si Khymer. Iniisip ko kung bakit kahit sa huli ay hindi nya ako pinanindigan? Hindi ba nya alam na sobrang sakit ng ginawa nya? Emosyonal at pisikal. At talagang sinabi pa nya na girlfriend nya si Nova,at ang pinaka masakit pa dun ay ikakasal pala sila.

Binuksan ko ang faucet at ihinilamos ko kaagad ang tubig. Marefresh man lang ang mukha ko pag humarap kay Kayt. Huminga ako ng malalim,kailangan matatag ako pag nagkwento na ako kay Kayt.

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now