Dribol nayn :3

18.7K 473 76
                                    

Nang magising ako ay alam kong nasa ospital ako. May naririnig akong mga usapan pero hindi pa malinaw kaya nanatili pa din akong nakapikit.

"As what I said before. Heart attacks are silent killer,maaaring mukha kang normal at malusog,pero pwede itong umatake kahit kailan." sabi ng isang boses,siguro yun ang duktor. Ilang araw kaya akong walang malay? Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"Pwede ba syang ma operahan dok?" boses iyon ni Papa.

"If the patient considers it. Pero delikado ang heart transplant Mr&Ms.Soledad. Maaaring successful sa paglagay ng bagong puso,pero hindi tayo nakakasiguro na tatanggapin ng katawan nya iyon. At ang mas delikado ay atakihin sya habang inooperahan."

Nanigas ako sa narinig ko. Ganon na ba kadelikado ang kalagayan ko? Totoo bang mamatay na ako?

"Kasalanan ko ito eh." boses iyon ni Khymer. Gusto kong dumilat pero natatakot akong baka imahinasyon ko lamang ang narinig ko.

"Pwede bang iwanan nyo muna kami? As in kaming pamilya lang?" boses naman iyon ni Papa.

"If you still need anything. Tawagin nyo lang ako." boses nung duktor,nadinig ko ang madaming yabag na palabas na ng private room.

"Tinawagan ko na si Amelia,kailangan nya itong malaman." ani Mama,nagtaka ako. Sinong Amelia?

"Bakit? Magagalit si Tooya sa atin! Alam mo kung gaano nya kamahal si Meekz!" ang sagot ni Papa.

Naguguluhan ako,ano bang pinag uusapan nila? Bakit nadadamay pati si kuya Tooya.

"Pero pauwi na din si Tooya. Ang dami na nating itinatago kay Mickey,Pa. Lahat ng iyon ay kailangan na nyang malaman." sabi naman ni Mama.

Anong mga itinatago nila sa akin?

"Magagalit sa atin si Mickey,lalong titindi ang sakit nya. Magagalit sa atin si Tooya." sabi na naman ni Papa.

"Mahal ko ang anak natin,Pa. Pero binigo natin si Amelia,hindi natin sya nagabayan,hindi natin sya naprotektahan." nabasag ang boses ni Mama. Nanikip ang dibdbib ko dahil dun pero nanatili pa din akong nakapikit.

"Wala naman akong magagawa eh. Pinaalagaan lang naman sya sa atin." sagot ni Papa.

Pina alagaan? Anong ibig nilang sabihin?

Nadinig kong bumukas ang pinto. Doon ay nagkunwari ako na kakagising lamang. May pumasok na babae,maganda kahit may edad na,sopistikada.

Teka? Parang nakita ko na ang mukhang yan? Parang may kamukha sya?

"Amelia!!" sabay na bulalas nina Mama at Papa.

"Kamusta na si Mickey?" anito at tiningnan ako. Tumulo ang mga luha nya,I don't know,may kakaiba akong naramdaman,nagtayuan ang mga balahibo ko,bumilis ang tibok ng puso ko.

This can't be.

At bumuhos sa akin ang mga alaalang matagal ng nahimlay sa aking diwa.

"Mama? Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Mama habang kapit ko ang kamay nya. Nakabihis ako at may bagpack na dala.

"Patawarin mo ako anak. Sana balang araw ay maintindihan mo kung bakit ko ito ginawa." ani Mama at lumuhod sa harapan ko. Para sa isang anim na taong bata ay hindi ko pa lubos na maintindihan iyon.

"Bakit Mama? Bakit ka umiiyak? Iiyak din ako." naiiyak ko ng sabi. Naguguluhan na kasi ako eh.

"Patawad anak. Wala na akong ibang maisip. Kung hindi kita ilalayo ay mapapahamak ka. Patawarin mo ako." niyakap ako ni Mama kaya naiyak na ako ng tuluyan.

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu