Part 83

165 2 2
                                        


Persia's POV

" Uwaa! Kashi naman eh! Napaka.( singhot) ... Napakaunfair naman nang (singhot) nang tadhana!! Huwaaaa!!!"

Halos mabasag ang eardrums ko dahil sa sigaw ni Miki. Nandito kasi kami sa isang fast foodchain at kumakain. Kasama namin ang anak nitong si Laura na abalang naglalaro sa playhouse sa loob fastfood.

" Ano bang magagawa natin? That's it. Hindi mo rin naman kasi nasabi ang totoo kay Brylle eh," sabi ko sabay abot sa kanya nang isang rolyong tissue.

" Malay ko bang darating kami sa puntong ganito! Magtatatlong taon na simula noon at hanggang ngayon hindi man lang niya nahahahalatang hawig na hawig niya si Laura," dagdag pa ni Miki.

" Eh kasi nga hindi niya alam na may nangyari sa inyo di ba? That was all your plan,"sabi ko.

"So nirape ko siya?! Gusto mo bang sabihin na rapist ako?!" sigaw pa ni Miki at napalingon sa amin iyong mga tao sa loob nang kainan.

" Pasensiya na po,"pagpapaumanhin ko sabay ngiti sa mga taong nakatingin sa amin.

" Hindi naman sa ganoon Miki pero kasi.. kasi kahit naman mahalata niyang kahawig niya iyang anak mo, syempre iisipin niyang impossibleng anak niya iyan lalo na at hindi niya alam na.... na...alam mo na,"sabi ko.

" Oo nga pero can you imagine... isang buwan lang na nakilala niya gusto na niyang ipakilala sa buong angkan nila?! Like hello, hindi ba napakaunfair non sa akin na halos magkandarapa sa kanya simula pa noong mga bata kami?! And oo nga, muntik na nga kaming ipakasal kung hindi lang choosy yang unggoy na iyan edi sana isa na akong happy wife with a kid ngayon!!!!" sigaw pa niya at umiyak uli.

" Hindi kita matutulongan diyan ka---," hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang huminto sa pag-iyak si Miki at hunawakan ako sa kamay. Nakatingin siya sa akin nang deritso at alam ko nang may ipapagawa siya sa akin.

"Sabihin mo naman kay Zach na tanungin o alamin kung sino ang babaeng tinutukoy ni Brylle. Magkaibigan sila kung kaya pwede ring tumulong ang boyfriend mo ,"sabi ni Miki at nagpuppy eyes sa akin.

"O-oo na. Pero hindi ko boyfriend si Zach," panglilinaw ko.

" So anong tawag mo doon sa nangyari sa inyo sa condo niya?!" sabi ni Miki.

" Ano ka ba, dinala lang niya ako doon," sagot ko naman.

"Dinala? Sigurado ka bang walang maiinit na nangyari doon?!" pang-aasar ni Miki.

" W-wala nga," sagot ko naman.

" By the way, paano naman si Charlotte?Akala ko ba ikakasal sila ni Zach?"tanong ni Miki.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at inis na inis siya kay Charlotte.

" Naku pag nakita ko iyang babaeng iyan baka isang hibla na lang nang buhok niya ang ititira ko sa ulo niya!Nakakagigil!" sigaw uli ni Miki. Hindi ba talaga napapagod ang bunganga ni Miki sa kakasigaw.

Nagkwentuhan pa kami ni Miki hanggang sa may tumawag sa kanya at naiwan akong mag-isa sa table. Nilingon ko si Laura na abala sa pakikipaglaro sa mga bata sa loob nang mapansin kong itinulak siya noong isang batang lalaki dahilan para sumobsub ang mukha niya sa sahig.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo papalapit sa umiiyak na Laura. Tumingin ako sa deriksiyon ni Miki at mukhang nakita rin niya ang nangyari dahilan para tumakbo ito nang mabilis at nilapitan si Laura.

"Anong ginawa mo sa anak kong bubwit ka hah?!" sigaw ni Miki.

" She's so ugly!I don't want to play with her!" sigaw noong batang lalaki kay Miki.

" Pangit?! Tinawag mong pangit ang anak ko?! Pwes ikaw nga itong pangit! Tingnan mo iyang ulo mo mas malaki pa diyan sa katawan mo!"sigaw ni Miki sa bata.

" No! You are ugly! You look like a witch!!" sagot naman noong bata.

" Yes I am a witch! So get out of my sight before I'll turn you into an ugly monster!" sagot ni Miki at literal na napafacepalm ako dahil nakatingin sa amin ang mga tao sa loob nang kainan.

Patakbong umalis iyong batang lalaki at pinatahan naman ni Miki ang anak.

I don't know kung bakit hindi nakikita ni Brylle ang ganitong side ni Miki. Ni hindi man lang niya pinagtuoanan nang pansin si Miki at talagang mukhang sinabi niya sa sarili niyang hinding hindi talaga siya magkakagusto kay Miki.

Dahil sa kahihiyan ay minabuti nalang naming umalis roon at tumungo sa amusement park. Nagpakasaya lang kami buong araw nina Miki. At dahil gumagabi na ay nagpaalam silang uuwi na sila. After naming magpaalam sa isa't isa ay naghintay ako nang taxi.

Bakit naman kaya hindi man lang nagtext o tumawag si Zach ngayong araw?

Minabuti kong tawagan siya kaso unavailable at out of reach daw. Bakit naman kaya nakapatay ang cellphone niya?

Nang makasakay na ako nang taxi ay sinabi ko ang address sa driver.

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko sina mama na tahimik na nakaupo sa sofa. Nagulat pa nga sila nang makita ako.

" P-persia...," mahinang tawag ni mama sa akin.

Lumingon ako sa direksiyong tinitingnan niya at nakita ko ang pamilyan na babaeng nakaupo sa harapan nina mama.

" Hi Persia!" Kumaway pa ito sa akin at saka tumayo para ibeso ako.

" A-anong ginagawa no rito sa pamamahay ko?" tanong ko.

" Kakamustahin lang sana kita," sagot niya.

"But tutal ay nandito ka na, gusto kong sabihin sa iyo nang nanay mo kung ano ang napag-usapan namin," nakangitong sabi ni Charlotte.

" P-persia... nag-offer kasi ang kaibigan mong siya na ang magbabayad sa utang nang papa mo sa bangko....," sagot ni mama na hindi man lang magawang tumingin sa akin.

" So ngayon... gusto mo akong hamunin gamit ang pera mo... alam ko kung ano ang motibo mo Charlotte. If tungkol ito kay Zach, ipinaubaya mo siya sa akin noon pa. Bakit ba pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa kanya?!"

" It's not about Zach. It'a all about business," sagot ni Charlotte.

" Baka nga hindi mo pa alam na kalahating milyon ang utang nang papa mo sa kompanya namin. That means baon ang pamilya mo nang utang. And nag-offer lang naman ako na kung ipapaubaya si Zach sa akin. Kakalimutan ko ang utang niyo at ako na rin ang sasagot sa utang niyo sa bangko," sabi ni Charlotte.

" Mali nga siguro ang pagkakakilala ko sa iyo. I thought na parehas lang tayong iniitindi si Zach but masyado kang makasarili... If you want to see Zach happy, lubayan mo na siya," sagot ko naman.

"Happy? Bakit kaya mo bang ibigay kay Zach iyon? Iba rin pala ang sinasahod nang isang simpleng guro," nakangiting sagot niya.

" Well hindi ako katulad mo Charlotte. Kaya kong makuntento sa kung anong mayroon ako and besides I'm not begging him to be with me unlike you," nakangiti ko ring sagot.

Nagtaas siya nang kilay sa akin.

"Iba ka rin pala Persia Caramel. But let's see, siguradong sa kulungan ang bagsak nang tatay mo kapag hindi niya nabayaran ang kalahating milyon," sabi ni Charlotte at saka naglakad paalis sa bahay.

Napaupo ako at napahawak sa ulo. Hindi ba ako lulubayan nang babaeng iyon?!

The NotebookWhere stories live. Discover now