“Good morning, beautiful.” Sagot nito at nginitian siya. Hanggang ngayon ay nanlalambot pa rin ang binti niya saa ngiti nito sa kanya.

“I took the liberty to explore your kitchen.” Sabi niya.

“Sure. I’ll make us some coffee.” Sagot nito at binuksan ang cupboard para gumawa ng kape. “We’re forgetting something.” Sabi ulit nito.

“Forgetting?” Kunot noong tanong niya.

“Yes. This.” Sagot nito at niyuko siya para lapatan siya ng halik sa labi.

Pareho silang nakangiti nang maghiwalay sila.

-

Kumakain silang dalawa nang mag excuse ito dahil nag ring ang cellphone nito. Nakatingin naman siya rito at hinintay niya itong bumalik.

“Hey Dad, what’s up?” Sagot nito. Tumalikod naman ito sa kanya at pumasok sa kwarto pero rinig pa rin niya ito. Napansin niyang hinawakan nito ang isa sa mga laruan na naka display at pinaglibangan iyon.

“Yes, hindi ko nakakalimutan. Yes, I’ll be there first thing on Wednesday to pick you up.”

Sumulyap ito sa kanya at nagyuko naman siya dahil parang nahiya naman siyang pinapanuod niya ito.

“How’s B? Nag enjoy ba kayo sa bakasyon niyo?” Tanong nito. “Great. Yes, I miss you, guys.” Sabi nito at ibinaba na ang cellphone at bumalik na sa kanya.

“Your dad?”

“Yes. Ipinapaalalang sunduin ko siya sa airport sa Wednesday.”

“Ah, how old is he?” Tanong niya ulit.

“He’s 64, but he looks young for his age.”

Gusto niyang itanong kung kailan siya nito ipapakilala sa pamilya nito pero nag alangan naman siya. Baka isipin nito na masyado siyang nagmamadali. Siya man mismo ay hindi pa rin naman ito naiipakilala sa pamilya niya.

Pero hindi naman siya kinabahan, alam niyang darating din silang dalawa ni Caleb sa puntong iyon. Sa ngayon ay i-eenjoy lamang muna nila ang company ng isa’t isa. Wala namang nagmamadali.

-

Nagpasa si Caleb sa kanya na mag grocery at hindi man niya sabihin ay na excite siyang nagpasama ito saa kanya. Feeling niya ay mas lalo pa silang naging intimate.

Napapailing siya dahil ni walang listahan si Caleb. Basta na lamang ito kumukuha ng items. Ni hindi nito tinitingnan ang expiration date ng mga iyon.

“Cale, please check the expiration date of the items you are getting. Baka mamaya ay malapit na pala ang expiry date ng mga ‘yan. Tsaka you’re getting a lot. Akala ko ba kukuha ka lang ng kailangan mo?”

“Huh? Pero kailangan ko ang mga iyan.” Sagot nito.

“Hanggang kailan? Para namang hindi ka na ulit lalabas ng bahay sa dami n’yan.”

“It’s okay, para kapag nasa bahay ka rin ay hindi na natin kailangan lumabas kapag nagugutom tayo.”

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Talaga nga namang ang lalaking ito, hindi na niya alam.

-

Ilang araw silang halos sunud sunod na nagkikita ni Caleb pero mas madalas naman silang pumupunta sa bahay niya. Hindi naman siya nag rereklamo dahil di hamak na mas pabor naman sa kanya iyon.

Pero hindi muna ito nagpapalipas ng gabi roon at hindi naman siya nag rereklamo. Mukha kasing habang tumatagal ay mas dumarami rin ang customers ng bar nito at magandang balita iyon.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon