CHAPTER 45-Delubyo-4

En başından başla
                                    

"Mabuti pa ikaw kasama ko at handa rin akong samahan sa Laban ko...pero ang taong inaasahan ko.. Iniwan lang ako." Nakaramdam ulit sya ng sakit ng maalala ang huling sandaling kasama niya si Jack.

Hindi agad nakapag salita si Zyn. Hiniwalay niya mula sa pagkakayakap si Xine. "Just remember this, I will not allow them to hurt you or even touch you."  Nangiti nalang si Xine akma ulit syang yayakap sa binata dahil pakiramdam nya matutumba sya pero mabilis syang pinigilan ni Zyn.

"I'm okay for a while hug, probably he next to kill me..." Natatawang sabi nito bago naunang maglakad. Nag tataka man pero sumunod nalang din sya rito.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa building 4 kung saan sila pansamantala nagliliban. Pinasok nila ang isang madilim na silid tanging ang maliit at dilaw na Ilaw lang ang maroon d'on.

"Eto, kailangan mong tandaan ang lahat ng pasikot sikot sa loob ng tore."

"Teka saan mo ito nakuha?"

"Doon sa admin office sa laboratoryo, mapa yan sa loob ng tore."

Pinag aralan ni Xine ang bawat lugar sa loob ng tore, nalaman nyang masyadong malawak at malaki ang loob nito base narin sa malaking mapang nasa harapan niya.

Ngunit parehas silang natigil sa kanilang ginagawa ng makarinig sila ng kaluskos hanggang sa nasundan na nang mabibilis na yapak. Agad syang lumapit Kay Zyn.

Hinawi nila ng kaunti ang kurtina at parehas sumilip d'on. Halos manlaki naman ang mata ni Xine ng makita ang mga Kaibigan na mabibilis tumatakbo. Akma niya Sana silang tatawagin pero mabilis itong nakalayo.

"Sundan natin sila!" Nagkukumahog syang lumabas at nag tatakbo Hindi alintana ang pagtawag sa kanya ni Zyn.

Pumunta sya sa likod ng building at nag palinga linga, Hindi nya maitago ang saya at pagkasabik ng makita muli ang Kanyang mga kaibigan. Mahina nyang tinawag ang mga pangalan nito pero walang ibang sum as a got kundi katahimikan.

Hindi sya maaring magkamali sa kanyang nakita dahil alam nyang mga kaibigan nya ang mga iyon ngunit pakiramdam nya nilalamon sya ng kahibangan.

Pinilit niyang h'wag umiyak at muling nag tawag sa pangalan ng mga kaibigan. Pero tila tumigil ang mundo niya ng pagkatalikod niya ay bumungad sa kanyang harapan ang galit na galit na mga aso.

Tatlo ang mga ito at naglalabasan ang malalaking pangil  habang tumutulo pa ang laway na tila gutom na gutom.

Ilang beses syang napalunok. Nangatog ang kanyang tuhod at tila matutumba sya dahil sa takot. Rinig na rinig niya ang mga ungot ng bawat isa na mas lalong nagpapadagdag ng kaba niya.

Napaatras siya nang mag tangkang lumapit ang mga ito. Paulit ulit syang umiling at sumenyas na huwag itong lumapit pero tila galit na galit ang mga ito.

King Of Hell UniversityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin