Chapter 1

140 8 16
                                    

Copyright © MiidnightMist, 2014

Pasukan na! At sobrang excited na ako kasi makikita ko na ulit mga kaibigan ko. Nasa 4th year High School na pala ako at excited na ako para sa college. Medyo kinakabahan lang ako ng kaunti kasi iba na magiging kaklase ko kapag college na kami, pero matagal pa naman iyon. Sa ngayon kailangan ko munang enjoyin ang last year ng pagiging high school student ko.

“Hey, Ali!” sabi ni Erica.

“Erica!” grabe namiss ko ng sobra itong si Erica. Buong vacation kasi hindi kami nagkita kasi nasa States sya.

“Ano’ng balita?”

“’Eto ganoon pa rin. Wala naman nagbago”

“Kain tayo sa labas after school para naman makapagchikahan tayo”

“Sure ba”

~Ring Ring Ring~

“Anon’g first subject mo?” tanong sa akin ni Erica habang naglalakad kami.

“English, sa room 14”

“Magkaklase pala tayo. Room 14 din ako eh”

“Hey girls” napahinto kaming dalawa ni Erica ng may biglang umakbay sa amin na isang lalaki.

“Bwisit ka naman Joshua. Palagi ka nalang naggugulat” sabi ni Erica sabay alis ng kamay ni Joshua sa balikat nito.

“Sorry naman. So… saan kayo sa English?” sabi ni Joshua.

“Room 14, ikaw?” tanong ko.

“Yun oh! Magkakasama pala tayo. Room 14 din ako eh” sabi nito sabay kindat.

“Kadiri ka talaga. Mas okay sana kung hindi na kita magiging kaklase eh"

“Sama naman”

“Huwag na nga kayo magbangayan d’yan. Halika na baka malate pa tayo sa klase” sabi ko sa dalawa. Nakakatuwa talaga itong si Erica at Joshua. Palagi nala’ng sila’ng nagaaway. Hehe, bagay sila.

----

“Class, we have a new student here and I want you all to welcome him” sabi ng teacher namin. Sino naman kaya yung bagong student? Sabi ‘him’ daw so ibig sabihin lalaki.

maya-maya ay may isang lalaki na ubod ng gwapo na pumasok sa room namin. Sya na ba? Sya na ba yung new student? OMG ang gwapo nya!

“Kya~ ang gwapo nang guy”

“Oo nga. Ligawan ko mamaya”

“No. Sa akin sya”

Mga sigawan at usapan ng mga babae ang naririnig ko sa background. Grabe talaga mga babae dito sa school na ito kapag nakakita ng gwapong lalaki.

“Please introduce yourself” sabi ng English teacher namin sa new student. Kaunting katahimikan ang bumalot sa buong classroom bago ito magsalita.

“Hehe. Hello clasmarurut. Aketch pala si Zachary Alvarez  pero tawagin nyo nalang aketch ng Zach” sabi nito habang tumatalon at nagpi-peace sign pa. Ano ito? Wala ako naintindihan sa sinabi nya.

“Aww, bekie ang kuya natin”

“Sayang. Gwapo pa naman kaso bakla pala”

“Heartbroken here”

Eh?! Bakla ang lalaki na ito? Kaya ba may mga ibang words sya na sinasabi na hindi ko maintindihan?

“I told you to speak properly not in that kind of laguage. Now, please sit next to…” sabi ng teacher namin habang nililibot ang mga mata nito para humanap ng bakanteng upuan. “Next to Aaliyah”

Sa tabi ko sya uupo?! Bwahaha, magkakaroon ako ng katabing gwapo. Sinusuwerte ka nga naman oh.

Nagumpisa na ito maglakad papunta sa bakanteng upuan na katabi ko.

“Hi. Ang ganders mo naman mujer, parang aketch” sabi nito sa akin pagkaupo .

(TRANSLATION: Ang ganda mo naman babae, parang ako)

“Huh? Ano’ng sabi mo? Wala ako’ng naintindihan eh”

“Washington D.C.”

(TRANSLATION: wala)

“Huh?”

Hindi na ito nagsalita at nagumpisa nang ilabas ang mga gamit nito. Ano ba ang sinabi nya? Nacu-curious tuloy ako.

“Ali, sayang iyang katabi mo. Gwapo pa naman kaso bakla” bulong sa akin ni Erica.

“Tss. Mas gwapo pa ako dyan noh” sabi naman ni Joseph.

“Anetch judtong chinichika ninyo dyan?” sabi ni Zach habangnakatinging sa amin.

(TRANSLATION: Ano iyong tsinitsismis ninyo dyan?)

“Huh?” sabay naming tanong ni Erica.

“Class Dismiss” sabi ng teacher namin. Lahat ay nagsitayuan na at pati na rin si Zach.

Tumingin ako kay Zach habang naglalakad ito palabas ng classroom. Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kakaiba dito. Ano nangyayari? Bakit parang ang bilis yata ng tibok ng puso ko. Ang ginawa ko lang naman buong araw ay umupo. Hindi naman ako tumakbo ng sobrang layo.

Pero bakit nang makita ko si Zach ay bigla nalang bumilis ito? 

--

A/N: Ang bilis naman yata mainlove itong si Aaliya. Ang tanong, naiinlove na nga ba sya? Wait lang natin until kong i-update ang next chapter :)

Sorry sa beki language guys kung hindi sya maganda, wala kasi talaga akong idea tungkol sa mga beki languages kaya medyo hindi maganda ang pagkakawrite ko. Nano-nosebleed na nga ako eh xD.

Mahal ko sya, Pero Bakla sya (ON-HOLD)Where stories live. Discover now