Chapter 13: Let's Start

1.3K 104 11
                                    




"Wow." malakas na bulalas ni Venus bago sumulpot mula sa isang sulok ng bakanteng warehouse na kanyang pinagtataguan. May kasabay pang palakpak ang kanyang ekspresyon. "Tumupad ka sa usapan. I guess, totoo ngang tapat kayong mga sundalo..."

"Ay put-! May lahi ka bang kabute? Hindi mo nga ako tinorture pero jusko, parang gusto mo naman akong atakihin sa puso!"

Natawa naman si Venus sa may pagka-OA na reaksyon ni Benji. Inaamin din niya sa kanyang sarili na bahagya din siyang na-cute-an sa huli.

"Sorry, soldier. Hindi ko naman alam na masyado kang magugulantang sa ganda ko."

"Wow, kapal ng foundation mo, gurl!"

Ilang segundo din ang tinagal bago tuluyang naka-recover si Benji sa kanyang gulat. Nang mahimasmasan ay muli niyang binalikan ang naging pambungad ni Venus.

"At kung sabihin ko ngang tapat kaming mga sundalo, maniniwala ka ba? Hindi ba't ikaw nga itong nagpupumilit sa akin na kasali din ang mga alagad ng batas sa negosyo ng nanay mo?"

Venus sensed na may pagka-bitter ang pagkakabitaw ni Benji ng kanyang mga sinabi. Dahil dito, siya ay napa-smirk.

"I can see that you still have your doubts, soldier. Pwes, let me tell you a story. For sure kilala mo si Nina Manigan..."

Napakunot ang noo ni Benji nang marinig ang binanggit na pangalan ni Venus. Kilala niya nga si Nina. Nakilala niya ito dati sa isang misyon at halos ituring na niya itong kapatid dahil para sa kanya ay parehas sila ng ugali. Madaldal at masayahin kasi si Nina na nagagawa niyang sakyan lahat ng trip ni Benji. Kahit madalas na asarin ni Benji ang malaki niyang bunganga ay hindi pa rin siya napipikon dito.

Ngunit nang mapunta sa isang mapanganib na misyon si Nina na siyang kumitil sa buong squad niya except sa kanya, nagbago ang dalaga. Naging matigas ito at cold. Hindi na pala-ngiti at lagi na lang tila galit. Dinamdam kasi nito ang nangyari. It became her mission to never commit the same mistakes again.

Subalit kamakailan ay nabalitaan ni Benji na nasangkot na naman si Nina sa isang mapanganib na BuyBust. Muli na namang naubos ang kasama nitong squad at siya na lamang ang natira. Nagkaroon pa nga raw ng barilan pagkaraan siyang makaligtas na siyang kumitil sa isang drug Lord at sa isa nilang detective. Ang huling narinig na lamang ni Benji ay nagretiro na si Nina at tinalikuran na ang pagiging sundalo.

"Akala mo ba talaga na mga drug addicts or drug pushers ang pumatay sa mga kasamahan niya? That buy bust was all staged. And you know by whom? The government itself."

"Imposible... may nagbigay lang tip sa kanila tapos-"

"Do you really think na basta basta na lang nakakakuha ng tips ang mga pulis? Oh come on, soldier. You know na hindi ganun kadali iyon, lalo na kung walang kapalit."

Pinili na lang ni Benji na itikom ang kanyang bibig dahil pakiramdam niya na kahit anong sabihin niya ay mayroong balik si Venus. Nakita naman ng huli ang struggle niya kaya lalo itong napa-ngiti.

"You see, para sa mga pulis, negosyo lang ang justice system natin. Paano sila kikita kung walang silang mahuhuli o mapapatay? Paano sila mapro-promote kung hindi sila kumokota?"

"Sinasabi mo ba na nagpapagamit sila sa mga drug lord para lang maipalabas na may nahuhuli sila at napapatay?"

"Exactly! There are snakes within your institution na nagbibigay ng tips sa mga drug lords tuwing may buybust. Para hindi sila ang puntiryahin, the drug lords will stage a scene where those policemen will be shown as heroes. Win-win. Nakahuli at nakapatay ang mga pulis, tuloy pa rin ang negosyo ng mga drug lords."

The Possibilities of Us || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon