Chapter 6: The Black Eye

1.9K 118 39
                                    



"Kamahalan, hindi po natuloy ang plano nating nakawin ang lahat ng damo sa kaharian. Hinarang po tayong muli ng mga diwata."

"Ano?! Namumuro na talaga sa akin iyang mga diwatang iyan!"

"Ano na pong gagawin natin, Kamahalan? Wala na po tayong makakain."

"Ihanda mo ang ating mga hukbo. Susugod tayo sa mga diwatang iyan!"

"Masusunod po... Reyna Santana."

Nang masigurong handa na ang kanyang mga tauhan ay nagsimula nang tumungo sina Santana sa kinaroroonan ng mga diwata, ang Lireo. Alam niyang doon niya matatagpuan ang apat na Sanggre na siyang nangangalaga sa buong kaharian. Plano niyang makipag-negotiate sa mga ito.

Si Santana ang Reyna ng mga Tikbalang. Nagsimula lamang siyang mamuno nang mamatay ang kanyang ama. Noong una ay naging madali lamang ang kanyang pamamalakad ngunit nang tamaan ng isang salot ang kanilang teritoryo ay naging sunud-sunod na ang kanyang problema. Bukod sa maraming tikbalang ang nagkasakit, namatay din ang kanilang pananim. Causing a great famine in their kingdom.

Aiming to help his people, inutusan niya ang kanyang mga mandirigma na mag-ani sa ibang palayang makikita sa kaharian. Dahil damo lang naman ang pinaka-kailangan nila, hindi naisip ni Santana na mamasamain ito ng mga diwata. Nabigla na lamang siya na madalas na silang harangan ng mga Sanggre at pinagbibintanagan pang magnanakaw. Kung iisipin ay nakakatulong pa nga sila sa mga pagsasaka dahil inaalis nila ang mga pesteng damo ngunit hindi iyon nakikita ng mga diwata.

Muli na namang naalala ni Santana ang masasakit na salita na ibinato sa kanya ng mga Sanggre. Dahil dito ay nagpuyos ang galit sa kanyang puso. Tila nawawala na sa kanyang isipan ang mapayapang pakikipag-usap.


"Kamahalaan, may nakita kaming Sanggre sa may batis." humahangos na balita ng isang tikbalang kay Santana. Nagdulot iyon upang mapatigil sa pag-iisip at paglalakad ang huli.

"Asan? Ituro mo sakin kung asan ang sanggreng iyon." puno ng awtoridad na utos ni Santana bago sundan ang kanyang tauhan na dinadala siya patungo sa batis.

Muli naman silang napahinto ng makarinig sila ng magandang tinig. Malambot at malambing ang boses na iyon na hindi naiwasan ni Santana ang mapapikit. Saglit niyang ninamnam ang kagandahang kanyang naririnig.

Nang tuluyang tupukin ng curiosity ay nagsimulang maglakad ulit si Santana hanggang sa mapunta siya sa likod ng isang puno na kung saan tanaw ang batis. Doon niya nasilip ang pinanggagalingan ng magandang tinig.

"Sanggre Alena..."

Akmang makiki-silip din ang kanyang mga tauhan ngunit nang mapansin niyang umaahon na si Sanggre Alena ay pinigilan niya ang mga ito.

Kaloka din itong diwatang ito, ang ganda, ang sexy. Kurbang-kurba oh. Pak!

Saglit niyang pinanuod ang pagbibihis ng diwata na animo'y hindi siya nandidiri sa kahubaran nito. Hindi niya maitanggi na medyo nag-iinit siya.

"Kamahalan, ayos ka lang po ba? Bakit pawis na pawis po kayo?"

"O-oo. Oo, ayos lang ako. Medyo matigas lang."

"Alin po ang matigas, Kamahalan?"

"Yung puno, okay? Matigas yung puno."

Nang masigurong naka-bihis na ang Sanggre ay dahan-dahang nilapitan ito ni Santana. Na-alarma naman si Alena at naglabas ng sandata.

"Ikaw... ikaw ang nagnanakaw sa mga palayan!" akusa ni Alena.

Tila nairita naman dito si Santana. "Kaloka ka, gurl! Makikipag-chikahan pa naman sana ako sa'yo kaso jina-judge mo ko!"

The Possibilities of Us || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon