Wedding Dress [KathNiel] *One Shot*

Magsimula sa umpisa
                                    

Kanina pa iyak ng iyak si Ryn. Kahit naman ko eh. Ginagamit ko ang lahat ng lakas ko para hindi tuluyang humagulgol sa airport.

"Akala ko ba ok lang sayo na umalis ako?" tanong ko sa kanya. Nung sinabi ko kasi na pinapabalik na ako ni Mama ng London, umoo lang siya. At least daw makakasama ko na pamilya ko.

"Tanga! Syempre ok lang kasi pamilya mo un. Pero.. hindi ko pala kaya. Wag ka na lang umalis please? Please?" iyak niya sabay yapak sakin ng mahigpit.

"Andito na to eh. Pero pinapangako ko babalikan kita Ryn. At pagbalik ko sisiguraduhin kong hindi na kita papakawalan." pagyakap ko din sa kanya ng madiin.

"All passengers of flight 789 to London, the gates are now open."

Eto na ung pinaka masakit na parte sa pag-alis. Ung kailangan mo parin umalis kahit na alam mong may maiiwan. May masasaktan.

Hinalikan ko ung ulo niya. Ibinaon ko pa ang mukha ko sa buhok niya memorizing her scent. Dahan-dahan ko siyang binitawan.

"Kailangan ko nang uma-lis." there is even a crack on my voice. Kapag hindi pa ako umalis ngayon baka umiyak pa ako sa harap niya.

Lalong lumakas ang pagiyak niya. Naguunahan ang mga luha lumabas sa mata niya. Pinunasan ko ung mga luha niya sa magkabilaang pisngi. And for the last time hinalikan ko siya sa noo. Yun kasi ang lagi kong ginagawa pag hinahatid ko siya.

Dahan-dahan ako tumalikod at naglakad papalyo.

Sa huling pagkakataon nilingon ko siya. Naandun siya. Umiiyak sa gitna ng airport.

"Bye Ryn."

---

"Please wear you seatbeat we are now about to land at Manila, Philippines. Enjoy your stay. Good day."

Sinuot ko ung seatbelt at inabangan ang pagland ng eroplano. Pagkahintong-pagkahinto nito ay kinuha ko ang maletang dala ko at mabilis na bumaba

"Good day sir, welcome to Manila." bati sakin nung nagbukas ng pintuan sa NAIA. Dire-diretso lang ako sa pagpasok.

Nang makalabas ako ng NAIA hinanap ko na kaagad ang taong gusto kong makita. Tumingin ako sa paligid, at hinanap siya.

"NIEL!" sigaw ng isang babae. Ang nagiisang babaeng minahal ko.

Lumingon ako at nakita ko siyang natayo di kalayuan sakin. Para siyang bata na tumakbo at niyakap ako.

"Waaaah. Andito ka na talaga. Waaaaah. Namiss kita alam mo bayun?" nagtatalon pa siya.

Natawa nalang ako at niyakap din siya ng mahigpit. Namiss ko to eh. Pero kailangan ko nang sabihin ang ipinunta ko dito.

Binitawan ko siya at tinignan sa mata. Inilusot ko narin ang kamay ko sa bulsa at kinuha ung singsing. "Ry-"

"Kathryn." paningit ng isang lalaki. Agad kaming napatingin sa kanya kaya binalik ko nakaagad ung singsing sa bulsa ko. Buti nalang hindi pa niya nakikita. Kundi napurnada pa.

Lumapit ang lalaki kay Kath at hinawakan siya sa bewang nito. Napatingin muna si Ryn sa lalaki at tumingin sakin ng malungkot. Teka? Ano bang nangyayari?

"Niel. Meet Enchong.. My fiance."

---

Unti-unti niya inistretch ung kamay niya at inilapit sa mukha ko. Agad naman akong napapikit. Nakakakilig lang! Pano ba kiligin lalaki? Shet nakakahiya.

Naramdaman kong hinawakan niya ang mga labi ko, may kung nong kuryente ang dumaan sa buong katawan ko. Anu yon?

Kaso agad niya din tinanggal ung kamay niya, minulat ko ung mata ko para makita kung anong nangyari, kaso pinikit ko din kagaad.

Pano kasi unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Nang sobrang lapit na napapikit nalang ako..

Kaso nang maglalapat na ang mga labi namin, may bola nang soccer ang lumanding sa pagitan namin.

"OOOUCH!" sigaw ni Ryn, umupo na siya mula sa pagkakahiga sabay himas ng pisngi niya. Ganun din ginawa ko.

Bigla nalang may tumigil na lalaki sa harap namin, "Sorry miss. Sorry talaga."

"Ge. Ok lang. Magingat nalang kayo sa susunod." sabi ni Kath sabay tingin dun sa lalaki.

"I'm Enchong and you are?"

"Kathryn."

---

Hawak ko ang singsing at paulit-ulit na iniikot ito sa kamay ko. Naadito ako ngayon sa simbahan. Sa simbahan kung saan ikakasal si Ryn. At hinihintay nalang namin na magsimula ang seremonyas.

Kahit gustong-gusto ko nang umalis dito. Hindi ko magawa. Nakapangako na ako sa bestfriend ko.

Biglang nagsimula ang tugtog at nagsipasukan ang kasama sa entourage.

Halos ang lahat ng tao napagasp nang pumasok si Ryn sa loob ng simbahan. Sobrang ganda niya sa suot niya. It was a wonderful wedding dress made perfectly for her.

Ang kaso lang hindi at siya masaya. Kasi kanina pa siya palinga-linga na parang may hinahanap. Dahan-dahan siyang naglalakad sa aisle. Nang nagkatama ang paningin namin parang tumigil ang oras. Parang nawala ang mga tao sa paligid namin. Parang kami nalang ang natira. Na para bang may chance na ako ung mahal niya..

Kaso all things come to an end. Naputol ang titigan namin nang makarating na siya sa altar kasama si Enchong.

"Do you Kathryn Garcia take Enchong Rodriguez as your lawfully wedded husdand, in sickness and in health, for richer or for poorer, as long as you both shall live?"

Muling tumingin sakin si Ryn, na parng sakin itinatnong ang sagot. Nagsimula ang bulung-bulungan nang matagalan siyang sumagot.

"I-i... I--"

_____________________________________________________________________________

Stow Note:

Kayo na bahala sa ending. Kung saan kayo dalin ng emosyon niyo. Icomment niyo nalang. HAHAHA.

INSIPRED BY TAEYANG'S WEDDING DESS 

Wedding Dress [KathNiel] *One Shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon