"Good day Ma'am! What your order po?" The cashier asked me.

" Hi isang Chicken with rice and fries, isang zinger at isang sundae po."

I heard someone chuckle behind me, lumingon ako agad at nakita yung lalaki kanina na nasa likod ko at seryosong nakatingin sa harap.

I swear I heard someone chuckle and I am sure it was him!

I just ignored it and payed my bill to the cashier.

I now went to an empty two seater table and ate my food there, nakita ko yung lalaking kinukuha na ang order niya na mukhang take out and went outside the store with his assistant or maybe driver?

Nalungkot ako ng slight. Duh! Ang gwapo kasi! Sayang hindi kakain dito edi sana mas natitigan ko! Minsan lang may mapadpad na ganoong kagwapo dito!

After eating, naglakad lakad muna ako sa mall para magpababa ng kinain at umuwi na.

Mag aalas-otso na ng makauwi ako. I quickly changed my clothes and laid down my bed. I grabbed my phone and I saw a text from one of the company na inaaplayan ko. I have an interview tomorrow morning at 10AM, hindi ako natuwa, alam ko naman kasing ganoon din ang mangyayari. Sasabihan ako ulit na tatawagan nalang nila ako pero hindi naman.

But still, I will go and grab the chance. Malay mo naman kasi pumasa.

The next morning, kabadong kabado ako dahil sa banta ng LandLady namin dito. Ang sabi niya kasi kapag hindi pa ako nakabayad ay kakaladkarin na niya ang mga gamit ko palabas!

Maaga ako nagising, 7AM palang ay gising na ako dahil pinapakiramdam ko kung pupunta ba yung Land Lady dito. Ng sumapit ang 9AM at wala naman akong nakitang bakas niya sa lugar, ay napagpasyahan ko ng umalis at tumungo sa Kompanya para sa aking interview. Magdadasal na lang ako na hindi totohanin ng Land Lady ang banta niya.

Sumakay ako ng jeep, buti nalang talaga hindi gaanong kalayo ang Kompanya sa tinutuluyan ko.

Pag dating ko sa gusali ay napanganga nalang ako sa mangha. Ang taas pala nito!
Naluluha ako sa taas! Talaga nga naman oh!

Pinakita ko sa Guard yung text sa akin ng Kumpanya at binigyan niya ako ng visitor pass. Pag pasok ko sa loob ay mas napanganga ako. Napaka elegante!

The walls were color white with some fetish designs on it. The lobby was huge! Napaka daming tao ang naglalakad pero nagmumuka silang konti dahil sa laki! Ano kayang itsura ng taas? Mas malaki siguro. Napaisip ako.

I went straight to the receptionist and told her about the interview.

" Oh Good Day Ma'am! The interview floor is on the 8th floor. I will ask someone to accompany you there."

I smiled at her and waited for the one who will accompany me. Nang ipinakilala na ito sa akin ay sinundan ko na siya sa elevator at umakyat sa 8th floor.

" Goodluck Ma'am" she told me

I smiled at her and told my thank you.

Nang makatapak ako sa 8th floor napanganga ulit ako. Ang ganda din! Ang yaman siguro ng may-ari dito, grabe ang laki kasi ng building! Main building kaya to? Napaisip ako.

Tinuro ng babae sa akin ang pinto for the interview and nakita kong may tatlong babae din ang nakaupo sa gilid, waiting for their turn din siguro.

Nang nagpaalam na ang babae ay umupo ako sa silyang tinuro niya at hinihintay ang tawag sa aking pangalan.

Nang sa wakas at ako naman ang tawagin ay kinakabahan akong tumayo at pinagpag ang skirt na aking suot.

Pag pihit ko ng pintuan ay may babae na naghihintay sa akin sa pinto at itinuro ang upuan sa gilid. Napansin ko din ang isang lalaking nakatalikdo at may kausap sa telepono.

Pinaupo lang ako ng babae at nginitian. Ang laki ng office! Tangina! May malaki ding glass window at kitang kita mo ang siyudad dito! Napakaganda ng view! Kung ganito ba naman ang view na makikita mo araw araw feeling ko hindi ako maiistress!

Teka lang, eto ba ang CEO dito? CEO ba ang magiinterview sa amin? Ang gara naman! Recruiting specialist lang naman ang inaplayan ko ah.

Nang sa wakas at natapos na ang lalaki sa pakikipagusap sa kaniyang telepono ay humarap ito sa amin!

Shocks! This was the guy in KFC kahapon! Kung sinuswerte ka nga naman oh! Destiny ba to? Eto na ba magiging jowa ko?

Napatawa ako sa aking isip. Masaya din talaga mangarap paminsan minsan!

He was looking at me in a blank and serious face. He put both his elbows into his table and clasps his both hands together.

May inabot naman yung babae sa aking gilid na folder na tingin ko ay aking resume.

He scanned it immediately and then looked at me again with his blank expression.

"What's your name?" He asked me still looking very bored.

"A-ah my name is Aviana Dela Cruz." Shit kinakabahan ako!

"Age? Birthday? Tell me about yourself." His expression remained the same.

" I am 19 years old. Uhm actually I have some experience in recruiting candidates and I am very good at it. I am also very hard working and rest assured that I will be one of your reliable employees here.". I smiled warmly.

"Recruiting? You are aware of the position you are applying here right?" He asked me

" Yes sir! I am applying as a recruiting specialist."

"Oh no you're not. You are applying as my secretary. Aren't you aware?" His body is now resting in his chair comfortably.

"What? I am applying as a recruiting specialist not as a secretary" What the hell! Kaya naman pala CEO agad ang naginterview sa akin! Alam kong recruiting specialist ang inaplayan ko hindi secretary!

"Well unfortunately our recruiting specialist opening is now currently closed. Am I right Samatha?" He then looked to the girl beside me.

"H-huh? Sir? It is still currently opened po."

"It is now closed. I said it now Samantha right? I saw him looking at Samantha very deep, like he is trying to tell her something.

Nakakainis naman!

" U-uh well yes sir it's closed now."

He then looked at me again, now I can see a playful smirk in his lips.

" So are you still interested in applying? He asked.

I gulped. " U-uh but sir! I don't think I am qualified. I only graduated High School."

Nakakainis talaga! Alam ko open pa rin ang position nung recruiting specialist! Hindi ako tanga!

" You don't need to worry, you're hired" He told me and stood up from his chair.

Gulat na gulat akong tumingala sakaniya.

"P-po?"

"Don't make me repeat what I said. You can start tomorrow. Be here at 8AM sharp."

Ngumiti lang sakin si Samantha na halatang gulat na gulat din!

What is happening? Agad agad? Hindi nga ako qualified! What is in him?

The Second Time Around.Место, где живут истории. Откройте их для себя