Akala ko noon
sa aking paglayo,
ay hindi na masasaktan
itong aking puso.
Ngunit sadya palang
mahirap takasan
ang nakaraang hindi makakalimutan.
Madaling sabihin ang
kalimutan ka.
Pero kahit anong pilit
ay hindi magawa.
Hanggang kailan kaya ito
titiisin?
Upang mawala itong aking
damdamin.
At sa aking pagtingala
sa langit,
napupuno ng dalangin
itong isip.
Sana ay hindi na
muling maalala
ang lahat ng patungkol
sa ating dalawa.
Dahil kasabay ng
pagsikat ng araw,
ang pagwala ng mga
bituin na natatanaw.
At sa pagdating ng
bagong umaga,
mawawala rin itong
aking pagsinta.
