Entry 6: What Makes a Man

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang pagmamahal naman ay hindi lang nakabatay sa pagbibigay mo ng satisfaction sa pangangailangan ng lalake eh. It is based upon the feelings and affection na dapat niyong pagsaluhan in the mean time.

Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo.

Huh! Akala niya pipigilan ko siya?

No way!

Bakit ko naman gagawin 'yon 'di ba? Pinapakita lang niya na hindi siya worthy sa pagmamahal ko.

Pero bago ako tuluyang makalayo sa pwesto niya, bumalik ako para i-clarify ang ilang mga bagay sa kanya, "By the way, you didn't broke up with me, I broke with you. Get it?" tanong ko habang hawak-hawak ko ng mahigpit 'yong kwelyo niya.

Tumango naman siya sa tanong ko. "Good." Marahas ko siyang binitawan. Akala ko aangal pa siya eh. "And one more thing, magpakasal ka nalang kaya? Ang kati mo eh. Good luck nalang talaga sa susunod mong mabibiktima." At tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya.

Kasabay din no'n ang tuluyang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

I am deeply hurt right now. Pero hinding-hindi ko ipapakita sa kanya na nasasaktan ako. Hindi lang dapat ako ang nasasaktan ngayon, dapat siya rin.

Hay... May magmamahal pa kaya sa akin ng totoo? 'Yong tipong tanggap kung sino at ano ako? 'Yong magmamahal sa akin unconditionally?

Napailing nalang ako ng marahas sa sarili kong tanong. Asaness Klin!

Life is so unfair indeed.

Bakit ako pa ang laging nasasaktan eh wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin sila?

***

Dalawang Linggo na rin ang matuling lumilipas simula no'ng hiwalayan namin ni Dave. Ramdam ko parin 'yong sakit pero gano'n talaga eh, I need to go on with my life.

Masasabi kong naka-move on na ako. Hindi ko na siya iniiyakan tuwing gabi, hindi ko na siya nami-miss, at hindi ko na hinihiling na sana magkabalikan kami.

But who was I fooling?

Sarili ko lang naman ang niloloko ko eh.

I am not fully recovered. Kailangan ko pa siguro ng time. Hindi naman kasi gano'n kadaling mag-move on eh.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko. Kumpleto kami ngayon kasi may vacant si Camille. Civil Engineering kasi 'yong kurso niya samantalang kaming tatlo naman nina Jolina at Elle ay Geology.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong hindi na sila sumusunod sa akin.

"Bakit kayo tumigil? Hindi pa ba kayo nagugutom?" tanong ko sa kanila.

They are just looking at me intently. At hindi ko alam, pero bigla nalang akong kinabahan sa iniasta nila.

"Problema niyo?" tanong ko ulit.

"Alam mo Klin, ang plastic-plastic mo."Straight-faced na sabi sa akin ni Camille---ang pinaka-opinionated at pranka sa aming apat. Siya din ang best friend ko.

"Ako? Plastic?" sabay turo sa sarili ko. Mga loka sila ah. Ako pa talaga ang plastic? "Gutom lang 'yan Cams." At tinalikuran ko na sila pagkatapos no'n.

Kanina ko pa napapansin na parang ang init ng ulo nila sa akin eh. Hindi ko naman alam kung bakit. Pero sa totoo lang, naiinis na talaga ako sa kanila.

"Ganyan ka naman eh! Palagi mong tinatalikuran 'yang mga problema mo. At kahit kaming mga kaibigan mo, tinatalikuran mo narin. Magpakatotoo ka nga, Klin."

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon