Episode 19: Behind the Mask

Start from the beginning
                                    

" Alam ko naman yun eh. Sinabi na ni Agnes sakin yun--na ex niya yung si Victor"

"Ex? Eh pero ano yung nakita namin? Baket magkayakap sila kagabi?"

"Hindi ko alam. Pero sigurado akong wala na silang relasyon."

"Sa tingin ko ay mali ka, Boss" Napalingon ako kay Elsa nung magsalita ito.

"Nung pumasok kasi ako sa kwarto niya kanina, narinig ko siyang tawag ng tawag sa pangalang Victor habang natutulog. Sa tingin ko ay mahal parin ni Agnes yung Victor na'yun" Dagdag ni Elsa na ikinatigil ko ng ilang segundo.

Nung mag sink in lahat ng sinabi niya sa'kin, napangiti nalang ako ng mapait .

"Kung ganun, sa huli, ako pala yung nagmukhang kontrabida dito." Yumuko ako sakanila."Patawad, nadamay ko pa kayo sa katangahan ko" Agad akong tumayo sa pagkakaupo. "Magpapahangin lang ako "

Si Agnes..akala ko wala na sila nung Victor. Pero...

Sigurado akong hindi ako mapapatawad ni Agnes sa nagawa ko.


******

[ Ish's PoV ]


Nung makaalis si Boss dito sa sala, tinignan ko agad si Benz.
"Hoy Benz, anong ginawa mo kay Boss?" Tanong ko sakanya. Agad naman itong parang nataranta.

"Ha? Wala naman akong sinabi ah."

"Eh ikaw kaya ang nag umpisa nung topic na'yun. Lagot ka."

"H-ha? Eh..w-wala naman akong ginawang masama eh, Sinabi ko lang naman yung sinabi ni Hitler samin. Totoo naman talaga yun eh. Diba Kael? " Sabi niya sabay tingin kay Kael pero di siya nito pinansin. Ang seryoso ng mukha ni Kael ngayon. "Uy Kael, naririnig mo ba ako? Ipagtanggol mo naman ako. *pout*"

Babatukan ko na naman sana si Benz dahil nag pout na naman ang loko nang biglang tumayo si Kael sa pagkakaupo. "Pupunta lang ako saglit sa Mansyon ng Fuego." Sabi ni Kael sa mababang tono.

"Ang akala ko ba kasapi kana namin?!" Sigaw ni Hugo. Tinignan naman siya Kael.

"Naging kagrupo ko si Primo dati, Hugo. Tatanungin ko lang kung ano ang tunay na nangyari." Sabi niya at di na niya hinintay pa ang sasabihin ni Hugo at umalis na siya sa mansyon.

"Mag iingat ka, Kael." Sabi ni Elsa pero di na nagawang sumagot ni Kael dahil nakalabas na ito.

"Gago yun ah!" Inis na sabi Hugo. Pagdating talaga kay Kael, nag iinit ang dugo ni Hugo. Ewan ko ba.

"Hayaan mo na, dati siyang myembro ng Fuego kaya sigurado akong naapektuhan yun ng husto sa balitang wala na ang isa sa Walong Diablo." Awat ko. Tumahimik naman si Hugo.

Mukhang problematic ang dalawang teenager sa grupo ngayon ah.

At tungkol pala kay Boss..

"Elsa, puntahan mo si Boss, mukhang kailangan niya ng makakausap ngayon"

"Sige" Tatayo na sana si Elsa pero..

"Ako na ang kakausap"

Nanlaki lahat ng mga mata namin nung bigla yung sabihin ni Hell. Seryoso siya? Ang alam ko galit siya kay Boss eh.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now