"Ang tagal na naming mag kakabigan stacy...may tiwala ako sakanila...dahil never silang may ginawang masama saakin" sagot ko

"Iba ang mga situation nayun sa ngayon Irene...sa mga situation ngayon..may mga namamatay na, kaya kung ako sayo..gawin mo ang sinabi ko sayo" sabi nya ulet

"Pero kailangan ko ng tulong nila sa mga nangyayari" -me

"Alam ko...pwede karin naman magpatulong sakanila...mag ingat ka ngalang dahil pag may nalaman kana...wag mo muna sakanila ipaalam dahil delikado na" seryoso nya ulet na sinasabi...bakit parang pagka kaharap ko si Stacy parang iba ang feeling? Pero hindi ko maipaliwanag...ang weird pag sya ang kaharap ko

"Stacy...may alam kaba sa mga nangyayari ngayon?"

Tsk bakit ko naman naisipan na tanungin yun?! Hindi ko sadyang sabihin! Kung ano ano na tong nasasabi ng bibig ko!

"Wala...bakit mo naman naisip yun?" Tanong nya

"W-wala lang" sagot ko. Magsasalita pa sana ako kaso biglang nag bukas ang pinto

"Ate Stacy...pinapatawag ka po ni Mr. Gonzales...punta ka daw po sa office nya" sabi ng student na pumasok sa office

"Sige pupunta nako...Irene bumalik kana din sa room nyo" sabi ni Stacy at lumabas sa office, ganun nadin ako

~~~~~~~~~ classroom....

"Rene!! Saan ka nangaling?!" Tanong saakin ni Daniela

"May kinausap lang ako" sagot ko

"Sino naman kinausap mo?" Tanong saakin ni Vanessa

"Wala...basta" sagot ko

"Suuus! Ikaw Irene ah...anong tintago mo samin???" Tanong ulet ni Vanessa

"Nothing...its nothing" sabi ko sakanya

"Ash oh! Sky oh! May tinatago si Irene!!" Sumbong ni Vanessa kila Ash na parang bata

"Oh bakit?" Tanong ni Sky

"San ka galing rene??" Tanong sakin ni Ash

"AYIIIEEEEE!!" sabay na sigaw ni Nico At Vanessa "ahahaha sabay tayo!" Sabay ulet nilang sinabi

"Someones curious!!!" Pang aasar ni ayana

"Wala namang masama magtanong ah?" Sabi ni Ash

"Correct!!" Sabi ni Sky "pero irene...saan kanga nangaling??"

"Bastaaa...wag nyo ng alamin" sabi ko at umupo sa upuan ko

MIKA'S POV

"Bastaaa...wag nyo ng alamin" sabi ni Irene...hmmm somethings fishy

Saan nga pumunta si Irene? Bakit ayaw nyang ipaalam? Hmm

"Psst Annie!" Tawag ko kay Annie na busy mag cellphone

"Oh? What?" Tanong nya

"Narinig mo ba yung pinag usapan nila Irene?" Pabulong kong sinabi

"Hindi...at bakit naman ako makikinig sa usapan nila? Eh hindi naman ako kasali dun" sabi nya at nagpatuloy mag cellphone

"Tsk...si irene kanina daw may pinuntahan...tapos ayaw nyang sabihin kung saan...hindi kay-" hindi kona natuloy ang sinabi ko kasi nagsalita sya

"Ya know..last time i check hindi ka chismosa" sabi nya saakin habang hindi padin inaalis ang tingin sa cellphone nya

"Tsk na curious ako! Sino ba namang hindi mag tataka?! Kanina rin ang tagal nyang hindi bumalik sa room eh...saan naman siguro sya pumunta ha?" Tanong ko

"Aba malay ko...bakit ako tinatanong mo? Ako ba si Irene? Ako sya?" Sarcastic nyang sinabi

"Ayos mo ding kausap eh nuh?" Sabi ko

"I know" sabi nya at ngumiti

"Tss...aalamin ko kung saan nga sya pumupunta" sabi ko at tinignan si Irene "aalamin ko talaga"

"Sino kausap mo?" -annie

"Tsk...sarili ko!" Sabi ko

"Baliw..anyways kung balak mong sundan si Irene sa pupuntahan nya..mag mumuka kang stalker" sabi ni Annie sakin

"Bahala kanga dyan!"

STACY'S POV

"Stacy...alam mo naman diba ang mga nangyayari na ngayon?" Tanong saakin ni Mr. Gonzales

"Opo" sagot ko

"I want u to keep an eye of all of the students..especially sa M-13...dahil sakanila nanggagaling" sabi nya

"Ok po"

"Ok u may go" umalis na ako sa office at dumiretso sa room nila Irene para icheck kung ano ang ginagawa nila

Pagkapunta ko dun ay...ok naman..wala naman nag aaway or ano...pero nasaan si Irene?

Bumalik na ako sa office ko..at nakita ko si Irene na nasa tapat ng office ko "oh irene bakit?" Tanong ko sakanya at pumasok kami sa loob

"Uhm hinintay kita eh...may sasabihin lang sana ako" sabi nya

"Ano yun?" Tanong ko

"Pwede moba akong matulungan?...sa mga nangyayari ngayon...gusto kong malaman kung sino ang mga gumagawa nun..kaya pwede ba akong magpatulong sayo?" Tanong nya...kulet din netong bata na to eh

"Bakit ako?...tsaka diba nasabihan na kita..wag ka lang nag titiwala sa kung sino sino" sabi ko sakanya

"Pero may tiwala ako sayo" sabi nya

"Irene...hindi ka nakakasigurado dyan sa mga sinasabi mo..hindi mo pa ako kilala kaya hindi ka makakasigurado kung mapagkakatiwalaan nga ako"

"Edi hayaan mokong kilalanin ka" ang kulet nya pala talaga

"Kulet mo din eh noh?...irene hindi ko alam kung matutulungan din kita dyan sa mga balak mo...pero sundin mo naman tong sinasabi ko sayo...wag kang nag titiwala sa kung sino sino. Pwede kang magpatulong sa mga kaibigan mo pero wag mo rin ipapaalam sakanila ang mga iba mong nalalaman" sabi ko sakanya

"Sige...pero tutulungan moko? Ewan koba kung bakit pero...parang mas gusto pa kitang kilalanin Stacy" sabi nya sakin

"Hindi ako sigurado kung matutulungan kita Irene"

"Oo sige...mauna na ako..yun lanh naman ang gusto kong sabihin" sabi nya at lumabas na sa Office

Tsk...paano ba to? Tutulungan ko sya? O hindi? Ayokong mapahamak

Ayokong madamay...pero paano sila? Hahayaan ko nalang na mamatay silang lahat kung hindi ko sila matulungan?

Hindi..hindi...siguro naman may magliligtas din sakanila hindi ba?

Tsk...naguguluhan ako!!

Hays...bahala na..pag lumala na to...siguro..

Tutulungan kona sila

Kaso..

Ang kinakatakutan ko lang talaga ay baka...madamay ako

____________________

Class M-13 (ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ) Where stories live. Discover now