Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART THREE)

Start from the beginning
                                    

 

“Mahal ko si Belle…. H-hindi ko kaya. I can’t…I can’t choose you over her. I’m sorry.”

Niyakap niya ako. Yun lang ang na-isagot niya sa akin.

~~~

“Glorie, can we talk?”

Namumugto pa din ang mga mata ko nang makauwi ako sa bahay. Iniwas ko ang mga mata ko kay Mommy para hindi niya mahalata na kakagaling ako sa iyak.

Hindi pa nila alam na buntis ako. Pinatapon ko lang lahat nang may mangga o may amoy mangga sa bahay para hindi ako maduwal sa harapan nila nang wala sa oras. Ayoko munang ipaalam. Maghahanap pa ako ng tamang tyempo. Miski ang relasyon naming dalawa ni Nico ay wala pa din silang kaalam alam.

“Yes mommie why?”

Nakaupo siya sa isa sa mga sala namin sa bahay. Hindi ko inaasahan na maaga siyang nakauwi ngayon akala ko nasa business meeting siya kaya ang lakas ng loob ko dumeretso dito sa bahay kaysa magpahupa nang pag-iyak kila Hanna.

 “What’s the meaning of this?”

May itinapon siya sa may lamesa at agad namang nanlumo ang puso ko nang makita ko ang isang pregnancy test na may dalawang mapupulang linya na para bang nangungutya pa sa akin.

“Saan mo nakuha ‘to? Have you gone to my room?”

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa may lamesa at hinablot ito at itinago sa may back pocket ko. Sht. Kumuha na naman kasi ako nito kaninang umaga pagkagising. Gusto ko lang makasigurado ulit. Pero…ang alam ko naitapon ko na ito kanina ah?

“Manang cora, gave that to me earlier. Don’t change the subject Glorienne. Tell me, who is the father?”

Malamig at nakakapanindig balahibo niya sa aking sinabi. Tiningnan ko si mommy, halatang pigil na pigil ang galit niya. Fck! Anong gagawin niya sa akin? Papalayasin niya ba ako? Sobra ang kabang nararamdaman ko. Parang mapupunit na ang dibdib ko sa lakas nang pagtibok nang puso ko sa loob.

Hindi ako makasagot dahil masyado akong natatakot at nahihilo. Gusto kong tumakbo na sa kwarto ko at magtago.

“Answer me! Sino ang ama?!”

Tumulo na naman ang luha ko sa malakas at galit na boses ni mommy. Tumayo na siya at lumapit sa akin kaya napa-atras ako. Umiiling ako para itanggi ang mga sinasabi niya.

“I’m sorry mom, si Nico po, sorry po,”

Huminto ang lahat ng may magsalita sa gilid namin. Biglang lumipad ang palad ni mommy at tinakpan ang kanyang nakauwang na bibig.Pag lingon ko nalaglag ang panga ko nang makita ko si Belle pala ang nagsalita. Umiiyak din siya at namumutla na nakatingin sa aming dalawa ni mommy. Natulala ako sa kanya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now