Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART THREE)

Magsimula sa umpisa
                                    

“I never fcked any guy aside from you! I love you! Hindi ako isang kaladkaring babae!”

Nanginginig ako sa galit.  Hinimas himas niya ang pisngi na sinampal ko at hindi din siya makatingin sa akin. Maraming tao na ang huminto sa kanilang mga pag-uusap at mga ginagawa para lang panoorin kami. Ang lakas ng pigil kong paulanin lahat sila ng mura at mag eskandalo dito sa shop pero ayoko nang i-drag ang apelyido namin sa katangahan ko.

“Anong gusto mong gawin natin? Ipa –abort ‘to? Hindi mo talagang papanagutan?”

Tumitig siya sa akin na parang nakikiusap. Parang nakiki-usap siya na bawiin ko ang sinabi ko na buntis ako at siya ang ama. Yung mga tipo ng mata na nakiki-usap na sana wala na lang nangyari sa aming dalawa.

 

“Papanagutan ko ang bata. Pero, hindi ko kayang iwanan si Belle. Glorie, please understand ayokong masira kami ni Belle…”

Hindi ko na makontrol ang paghikbi ko. Lumapit siya sa akin para yakapin ako at pigilan ang pag-iyak ko pero itinulak ko siya. Masyado akong galit sa sarili ko. Ayokong iwan niya ako. Ayokong maiwan ulit.

Sawa na akong iniiwan. My real mom left me. My other friends, aside from Hanna, left me. I don’t want to experience that kind of loss again. Mababaliw ako kapag iwanan niya ako at manatili kay Belle. Hindi ko makakaya…

Tiningnan ko siya ng maigi, hindi ko akalain na baba ako sa lebel na ganito para sa kanya. “Please Nico…be with me…hindi ko kayang mawala ka…please…kung hindi ka lang naman sa akin mapupunta…ipapa…ipapa-abort ko na lang yung bata,”

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nang dahan dahan niyang kinuha ang braso ko at pinilit akong tumingin sa kanya.

“Please Glorie, wag mong gawin yan. Wag mong ipa-abort ang bata…Kung sigurado kang sa akin talaga yan, p-panagutan ko naman. Just…just give me time. Aayusin ko ‘to. Aayusin ko ang pagkakamali ko.”

Sht. Ano? Pagkakamali lang talaga ako sa kanya? Ganon? Ganon-ganon na lang iyon?!

“Kung hindi ka naman mapupunta sa akin edi wag na lang natin ‘to ituloy! Hindi ko kayang palakihin siya ng mag-isa Nico! Kailangan kita!”

Alam kong nagsisimula na akong mag eskandalo kahit na kanina ay iwas na iwas ako. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong magalit. Wala sa mga plano ko ‘to. I never planned to have a baby. All I want is him!

“Ako na. Ako na magpapalaki sa kanya. Wag mo lang ipa-abort. I will be responsible Glorie,”

 

Seryoso ang mukha niya at titig na titig siya sa mga mata ko. Lumunok ako at humugot nang lakas ng loob.

 

“Layuan mo na si Belle, please?” nanghihina ang boses ko. Alam ko ang isasagot niya pero hindi ko pa din magawang pigilan ang sarili kong itanong ito.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon