Naalala ko pa ang mga panahong ako'y bata pa
Masaya at walang problemang dinadala
Puro laro at likot lang ang aking ginagawa
At ganon rin ang sermon ng aking ina
Masaya pa palang maalala ang lahat
Masaya palang mabuhay ng ika'y bata pa
Ngunit....
Pitong taon ng akin itong maranasan
Sakit na aking dinamdam
Lahat ng saya ay biglang naglaho
At napalitan ng pagbabago
Sa buhay at sa aking ginagawa
Lahat ng bagay nakasentro sa kanila
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman
Saya ba o ito'y kalungkutan
Tumuntong ako ng sekondarya na may dinadalang kakaiba
Akala ko'y ako'y tutulungan nila
Tutulungan nilang magbagong muli
At kalimutan ang aking iniisip
Ngunit sila rin ang may gawa
Kung bakit humantong ako sa ganito
Ang anxiety ko ay lumaki ng lumaki
Lagi syang andyan kapag ako'y api
Lahat ng hindi ko ginagawa noon
Ngayo'y aking ginagawa na
Mama,Papa, at mga kapatid
Patawad sa aking ginawa
Hindi ko sinasadyang kayo'y aking saktan o pagsalitaan
Patawad dahil minsa'y gusto ko na lang makulong sa aking kulungan
Ang aking kwartong iniiyakan
Nung una akala ko ito'y hiya lamang
Ngunit ng aking malaman ang katotohanan
Ako'y kinabahan ng tuluyan
Mangyayari ba iyon sa akin?
Mababaliw rin ba ako tulad ng iba?
Pakiwari ko'y dalawa ang kasagutan dyan
Oo o Hindi
Dahil alam kong ako'y may pag-asa pa
Ngunit may pag-asa nga ba?
Hindi ako makapagsalita
Hindi makapagpartesipasyon sa iba
Hindi nakikihalubilo sa kanila
Kaya ako'y walang maraming kaibigan na tulad nila
Feeling ko lahat ay nakatingin sa akin
Feeling ko kakamuhian nila ako
Feeling ko ijujudged na naman nila ang pagkatao ko
Kaya mas mabuti na lang lumayo
Kesa maramdaman ang mga ito
Kahit minsa'y masakit para sa akin
Ang sila'y hindi pansinin
Patawad aking mga kaeskwela
Kung ganito akong tao
Hindi ko sinasadyang hindi gawin ang obligasyon ko
Ako'y takot lamang
Na baka ako'y inyong pagtawanan na naman
Sa mga bagay na aking ginagawa
Patawad mga mahal kong guro
Kung may estudyante kayong ganito
Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko
Para tumaas lang ang mga grades ko
Ngunit sadyang hanggang dito na lang ako
Sa mababang grades na gawa ninyo
Hindi ko lang talaga mawari ang nararamdaman ko
Gusto kong makihalubilo
Gusto kong sumaya
Gusto kong magkaroon ng kaibigan
At gusto kong gawin ang lahat nung ako'y bata pa
Ngunit...patawad
Isa na lamang akong walang silbing bata
Na hindi nararapat makapagtapos ng sekondarya
Dahil hindi ko worth it ang bagay na ito
Patawad
Aking Ina patawad
Ina sana ako'y iyong maintindihan
Yakap mo at suporta ang aking kailangan
Sana'y huwag mo akong sigawan
Ng mga bagay na lalong nagpapalaki sa aking karamdaman
Dahil ito ang nagiging dahilan ng aking kalungkutan
At humahantong sa gawaing hindi ko na alam
Ina ako'y may S.A.D
Social Anxiety Disorder
Sana ako'y matulungan mo
Para pangarap ko sa inyo'y magawa ko
Ng walang takot makisalamuha sa iba
Ina,hindi po ako nahihiya
Hindi lamang paninira ang masakit
Kundi ang hindi ninyo pagsuporta sa akin
Iba ang hiya sa takot
Ina,takot na takot na ako
Gusto ko ng makawala sa sakit ko
Hindi ko na kayang mabuhay ng tahimik
Gusto kong maging tulad mo..
Ina,,,,tulong
YOU ARE READING
Social Anxiety Poetry
PoetrySabi nila 'wake up and forget it'pero paano ko ito makakalimutan? Hindi ninyo alam ang nararamdaman ko Masakit sobrang sakit Makulong sa sakit na ito
