Mga Kabataan, Bakit 'Yan Ang Pinag-aaralan N'yo?

154 12 0
                                    

Ipagpapatuloy ko ang paglalakbay na 'to sa alam ko nang kasalukuyan.

Hindi na ko magtataka, hindi na ko magtatanong pa.

Wala rin lang namang ibang makakasagot nito kundi kayong mga mambabasa.

Saan na nga ba ko naparoon?

Hindi ko alam kung may dulo ba ang paglalakbay na 'to.

Wala man lang kung ano na kaya akong harangan para matigil na ang paglalakbay ko.

Wala, walang ibang nakakapagpatigil sa paglalakad-lakad ko kundi ang mga hindi kapani-paniwalang bagay na nasasaksihan ko bawat kanto.

Tulad na lamang nitong paaralan na aking nadaanan.

Ang mga mag-aaral parang mga walang pinag-aaralan.

"Bawal ang may kulay ang buhok." Malinaw na nakapaskil sa harap ng eskwelahan.

Pero ang ibang mga estudyante sadyang kay titigas ng ulo.

Ha'yan at may babaeng buhok ay pula.

Si binatilyo naman'y nakakulay abo pa.

Papasok ng paaralan pero sa gwardya muna dadaan.

"Bawal yan!" Pagsita ng gwardya sa babaeng may buhok na pula.

Ngunit umirap ang babae at dali-daling pumasok sa loob, 'di inalintana ang gwardyang sumita.

Maya-maya pa'y sinundan 'to ng pagpasok n'ung binatilyong may buhok na abo.

"Hoy! Hoy!" Pagpigil ng gwardya sa kan'yang pagpasok.

"Palitan mo muna 'yang kulay ng buhok mo." Bilin nito.

Pero parang wala lang sa binatilyo ang tinangan nito, "Kuya guard naman, kakapakulay ko lang e. Bukas na. May klase pa ko. Sige na."

Nakiusap s'ya sa gwardya na para bang magkaibigan o magkaedad lang sila.

Ni hindi man lang makapagbigay galang.

"Po" at "Opo" tuluyan na bang tinalikuran?

Hayan pa't nakalagay, "No ID, No Entry" at "No proper uniform, No Entry"

Pero sadyang nakakalusot ang mga mag-aaral na walang disiplina.

Ano ba kasi ang kanilang mga pinag-aaralan?

Hindi ba sila natuturuan ng tama ng kani-kanilang mga pangalawang magulang?

Nasaan ba ang mga guro? Ano po ba pinag-aaralan ng mga estudyante ninyo?

Sa isang silya sa harapan ng eskwelahan kung saan maaaring magtagal ang mga mag-aaral,

Doon ko nakita ang limang kalalakihan.

Mga nakauniporme pampaaralan.

Pero dito sa labas mga nagkukumpulan.

Sinubukan kong lumapit at sumilip.

Hayun at hindi ko inaasahang nag-aaral pala sila at pinagsasaluhan ang isang libro sa lamesa.

"Anong posisyon yan?"

"Gago 'di mo ba alam yan? Rear entry!"

"Uy blow job shit!"

"Ito pa, ito pa!" Turo ng isang lalaki sa larawan mula sa libro na may babaeng nakapatong sa lalaki sa saliwang posisyon.

"69!"

At sabay-sabay silang nagtawanan.

"Mga iho, 'yan ba ang inyong mga pinag-aaralan?" Medyo inis kong naitanong sa kanila.

Hindi ko Alam kung Bakit ko 'to IsinulatWhere stories live. Discover now