"Sorry, natagalan."


"Let's go baka gabihin tayo." Nauna na siyang bumaba ng hagdan, ni hindi niya na ako tiningnan.


Sana nakalimutan niya na iyong kanina. Okay na iyong ako na lang ang magdusa at mailang basta wag na siya.


"Faster, doll."


He was calling me "doll". Walang malisya iyon dahil wholesome naman ang mga manika. It was like seeing me as a little girl. This time, gusto kong ipagpasalamat iyon kaysa magmaktol na isang paslit pa rin ako sa paningin niya hanggang ngayon.


Sa lawn ay naghihintay na ang dalawang SUV. Sa pangalawa kami sumakay ni Uncle Jackson. Magkatabi kami sa loob at sa unahan ay isang driver at ang bodyguard niyang si Tarek na as usual ay walang kangiti-ngiti.


Sa dami ng bodyguards dito sa mansiyon ay si Tarek lang hanggang ngayon ang kilala ko since siya ang palaging kasama ni Uncle Jackson. Hindi ko na napagkikita iyong batang bodyguard na nakasama namin sa chopper papunta ng Manila nong gabing umalis kami sa Davao.


Nasan na kaya ang isang iyon? That Calder guy. Dito rin kaya siya naka-assign?


Pero hindi ko siya nakikita tuwing nagmamasid ako sa paligid kapag nasa terrace ako. Sana makita ko ulit siya. Mukhang sa lahat kasi ay siya lang ang marunong ngumiti.


Baka naman hindi na siya bodyguard? Baka nagpalit na siya ng trabaho? Baka narealize niya na mas babagay siyang model kaysa bodyguard? Napahagikhik ako sa naisip ko.


Mabuti na lang at malapit lang ang mall kaya hindi ako masyadong napraning sa sasakyan habang bumabyahe kami. Tahimik lang din si Uncle Jackson. Sa mall ay tatlo lang kaming pumasok kasama si Tarek na nakasunod lang sa amin kahit saan kami pumunta.


"Do you have a list of what you're planning to buy?"


"Kaunti lang naman ang bibilhin ko kaya hindi na ako naglista." Nagpasalamat ako at kaswal lang ang pagkausap sa akin ni Uncle Jackson.


Sa entrada palang ng mall ay agaw-pansin na kami. Napakatangkad niya, napakaguwapo at kahit malabo ang mata, imposibleng hindi mapansin ang isang tulad niya. 


Siguro iyong iba ay nakikilala siya since palaging laman ng news at diyaryo si Vice at siya naman ay madalas sa mga magazines as one of the most sought-after bachelors in town.


Sa isang boutique lang kami ng damit nagpunta. Naawa na ako sa kanila ni Tarek na halatang out of place sa boutique ng damit ng mga babae. At naaawa ako kay Uncle Jackson na halos hindi na tantanan ng tingin ng mga naroon.


Bakit ba ako naaawa sa kanya? Parang wala lang naman sa kanya ang lahat ng atensyon. Parang sanay na siya o mas madaling sabihing wala siyang pakialam.


Kahit na, binilisan ko pa rin ang pagpili ng mga damit para makaalis na kami. Kung ano lang iyong nandon, iyon lang ang mga pinagpilian ko. Kaunting pares at ilang dress lang ang binili ko. Ni hindi ko na isinukat, tinantiya ko na lang kung kakasya sa katawan ko. Sa sapatos naman ay ganoon na lang din ang ginawa ko.

Obey HimWhere stories live. Discover now