medyo napangiwi ako sa sakit nang ginawa kobg paghagod at sa tingin ko ay lalo lamang lumala dahil nag umpisa na itong mamaga ng kaunti.

at dito ko napansin na may mga gasgas din pala ako na natamo sa pagkaka bagsak ko kanina.

nagpalinga linga ako sa paligid umaasang may mapaghihingan ako ng tulong..

subalit nabigo ako wala ni isa mang bahay na malapit.
bukod sa hindi ko alam kung nasaan ako ay puro puno lang at ilog ang nakikita ko mukang naliligaw ako...


teka ilog? naitanong ko saaking sarili.


bigla kong naisip na maghugas muna ng sugat.

at medyo nauuhaw na din ako.

pagapang ako na lumapit sa ilog dahil hirap akong makatayo.

sa wakas nandito na ako.
sabi ko sa loob loob ko.

parang pagod na pagod na pagod ako kahit sa totoo lang ay ilang hakbang lamang ang agwat ko sa ilog.

nanalamin muna ako sa malinaw na tubig..

napaka dungis ko na pala...
habang naka tingin ako sa repleksyon ko sa tubig.


hinawi ko muna ang buhok ko at inipit sa aking tenga.


bago ko pinagdikit ang mga palad ko at sumakyod ng tubig para ihilamos sa sarili.


at saka ko nilinis ang aking mga sugat na ngayon ay medyo natutuyo na ang mga dugo na bahagyang umagos.

nang matapos na ako minasdan ko uli ang repleksyon ko sa tubig tinukod ko ang isa kong kamay sa isang bato at muli akong nag isip.


nagsisimula nanamang pumatak ang luha ko.


ngunit agad ko din itong pinigilan at sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong umuwi upang masabi ko kay inay at itay ang mga nangyari..

bahala na kung maniwala sila o hindi.

pero paano kaya ako uuwi e hindi ako makalakad?.
tanong ko sa sarili ko.

at marahan kong inilinga lingga ang ulo ko sa paligid naghahanap ng magagamit upang maka tayo at medyo makalakad.

may napansin akong isang sanga ng kahoy na medyo mahaba.. sa palagay ko ay kakayanin ang bigat ko at magiging soporta ko.


ibinaling ko ang aking katawan para gapangin ang sanga ng puno
ngunit biglang dumulas ang kamay ko sa pagkakatukod sa bato hindi ko napansin na may lumot pala at naging dahilan ng pagkakatumba ko at humampas ang ulo ko sa batuhan.

ramdam ko ang pag agos ng mainit na likido mula sa aking ulo marahan ko itong hinawakan at tinignan at iniangat ko ang aking palad nagitla ako dahil napakadami nitong dugo..


biglang may humawak sa balikat ko at agad akong lumingon.

unti unting umikot ang paligid ko at nanlabo ang aking paningin....

**********

doray's POV

anu ba naman yang batang yan gabi na hindi pa din umuuwi..

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon