Chapter 16

226 9 16
                                    

Subalit tila nabingi si leonora sa narinig.....

at bumugso ang kanyang galit at lalong lumakas ang hangin sa paligid.

" pasensya??" pasigaw na sabi ni leonora

"nanghihingi ka ng pasensya dahil lasing ka kaya mo nagawa yun" nang uusig na wika ni leonora.

at bigla nyang ibinato ang lalaki sa pamamagitan ng hangin at tumama ito sa isang puno at tumuhog sa isang sangga na naputol.

sakto sa bandang puso ng lalaki ang pinagtusukan at tumagos pa sa harapan at kasamang lumabas ang puso nito na nakatusok sa kahoy kaya agad na namatay ang lalaki na kanina ay nagtangkang mang gahasa sa kanya.

nahintakutan si leonora sa nakita...

at hindi sya makapaniwala sa nagawa.

biglang naisip ni leonora kung sya ba ang may gawa nun ...

at sa ganung pag iisip ay humupa ang hangin at nawala ang apoy na tumupok sa katawan ng dalawang lalaki.

muling pinag masdan ni leonora ang paligid at nahintakutan sya sa nasaksihan...

leonora's POV.

ako ba ang may gawa ng lahat ng ito?

pano ko nagawa ang lahat ng ito...

huhuhu...isa akong halimaw

nakapatay ako ng mga inosenteng tao.huhuhu.

at tuluy tuloy na ang aking pagluha.

bakit ganito.?.......

bakit?........

bakit...????.......


ano ba ang meron ako?.....

ilan pa ba ang papatayin kong inosenteng tao?......

pasigaw kong tanong sa sarili ko habang tumutulo ang luha ko.


patuloy lamang na umaagos ang aking mga luha na parang may sariling isip at walang katapusan parang ilog na patuloy lang sa pag agos..

at bigla akong tumakbo paalis sa lugar..

wala akong paki alam kung ano ang dinadaanan ko.

hindi ko alam kung saan ako pupunta..

basta gusto ko lang na maka alis sa lugar na kung saan nangyari ang pinaka matinding bangungot sa buhay ko na ako mismo ang may gawa..

napaka sama kong tao o kung tao nga ba ako...

pero isa lang ang nasisiguro ko
may mali sakin..

maling mali ........

sa lalim ng pag iisip ko at pagtakbo ay hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko hilam na hilam na ang mga mata ko sa luha na walang patid sa pag agos.

hindi ko napansin na may naka harang na bato sa daanan at natisod ako at natumba sa lupa.

tatayo sana ulit ngunit hindi ko maigalaw ang paa ko ..

kumikirot ito nang tignan ko ay wala namang sugat ngunit nag uumpisa na itong mag pasa.

marahan kong hinimas ang bandang sakong ko upang maibsan ng konti ang nararamdaman dahil dito nang gagaling ang sakit at kirot.

HIWAGA NG DILIM (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon