CHAPTER 20(Edited)

Start from the beginning
                                    

"Ah,wala hija.Sige na at pumunta na kayo dun,baka hinahanap na kayo ng team.Welcome nga pala hija sa team,enjoy lang kayo dito."Nakangting sabi niya.Tumango naman kami at pumunta sa likod.

Pagkarating namin dun bumungad agad sa'min ang mga case ng beer,ihaw ihaw ganon basta anything pulutan.Taka ba kayo kung bakit alam ko yung mga ganyan?Well,narinig ko lang sa team kapag mga ganyan ang pinag uusapan nila.

Nag-iinuman na nga yung ibang players.

Si Daniel at Josh naman ang nag iihaw.

Sila Jake at James naman ay nag aayos ng dining table.

"Wala pa rin pala sila Cash."Biglang sabi ni Abby.

Napalingon naman ako sa kanya.

"Kanina nandito lang siya eh,pero biglang umalis.Nagmamadali siya."Sabi naman ni Nicole.

"Nagmamadali?"Takang tanong ko.

"Oo,nandito siya kanina pero sabi niya.may tumawag daw.Importanteng tao daw kaya aalis muna siya."Paliwanag ni Abby.

Nagtaka naman ako...dapat nandito na siya eh. Siguro binantayan niya na yung masamang damo niyang kaibigan.

Cash POV

Nandito kami sa bahay ni Edward,nagpapahinga ang loko.Mabuti na lang tumawag si Cassy at ligtas siya ngayon.

Sigh.Pinagtulungan na naman siguro ito nila Greg at yung bagong boss daw na si Trevor the G*go.

"Kaya mo naman siguro ang sarili mo na di ba?kailangan ko nang bumalik dun sa bahay nila Coach.Magpahinga ka muna dyan.Ako na bahalang magpaliwanag kung bakit wala ka.Siraulo ka kasi."Inis na sabi ko sa kanya.

Nasa kwarto niya na kami ngayon.TCH! demonyo nga siguro talaga ito.Ang dilim ng kwarto na halos akala mo bampira na,tapos ang init init pa.May aircon naman siya hindi na lang niya gamitin.

"Just leave me alone.Kaya ko na sarili ko,get out of my room."Sabi niya sa'kin at nagkumot sabay pikit.

Di ko na siya kinibo pa at lumabas na ko ng kwarto niya.

Pagbaba ko ay may nakita agad akong isang taga pagbantay ng bahay niya.Si Manang.

"Excuse me."Napalingon naman siya.

"Ayy,ser...bakit po yun?"Tanong ng maid.

"Pakibantayang mabuti si Edward.May tama po kasi ang katawan niya baka bigla pong magcollapse yan.Pakitawagan na lang po ako.Aalis na ako."Sabi ko.Tumango naman ito.

"Yes,ser.Ako na po ang bahala sa kanya."Sagot naman niya sa'kin.Tumango naman ako.

"Thank you,I'll go ahead."Sabi ko at lumabas na ng bahay ni Edward.Sumakay naman na ako sa kotse ko.

~Coach House~

Pumasok na ko sa bahay ni Coach.Napansin naman ako nila Ate Shiela.Siya yung asawa ni Coach.

"Oh,hijo.Saan ka ba nagpunta? bakit umalis ka bigla kanina?"Tanong ni Ate Shiela.

"May importanteng inasikaso lang po ako kanina."Sagot ko naman.

"Ah,ganun ba?sige na,pumunta ka na dun.Mukhang naglakasiyahan na yung mga kaibigan mo dun sa labas.Samahan mo na sila."Nakangiting sambit ni Ate Shiela.

"Ate Shiela,may dumating na bang babae dito? I mean si Cassy?nandito na ba siya?"Tanong ko.

"Ay,oo hijo.Nandito na siya,kani kanina lang siguro.Napakaganda nga namang babae."Nakangiting aniya.

"I see,sige po.Thank you."Sagot ko at pumunta na dun sa labas.

Tsh!Mga mokong talaga.

Nakita kong nagsasayawan yung tatlong mokong sa ibabaw ng lamesa habang si Jake ay hinubad ang damit at inikot ikot pa niya sa ere ang damit niya...G*go may mga babae dito!

Sila Lukas at Ivan naman ay nasa kabilang lamesa.Halos tulog na ata tong mga ito.Masasakit rin kasi ang katawan dahil sa bugbog kahapon.

Nagderederetso na ako papunta sa kanila di naman nila ako napansin kaya umupo na lang ako,agad na hinanap ng mga mata ko si Cassy. Where is she?napalingon naman ako kila Abby at Nicole na nakaupo at mukhang may mga tama na siguro dahil may mga hawak na silang beer.

"Abby."Tawag ko sa kanya nang makalapit ako.Napalingon naman siya sa'kin.

"Oh,si Cash pala ito!ang gwapo mo naman!"Sabi niya...Tsh! may tama na nga.

"Nasan si Cassy?nakita mo ba siya?"Tanong ko naman.

"Nasa may pool side siya,sabi niyaay gagawin lang daw siya eh.Ayaw niya rin namang magpasama sa'min kasi daw baka makaabala lang daw siya."Sabi ni Abby.

"I see,sige ituloy mo na yang ginagawa mo dyan.Mukhang enjoy ka na sa kalasingan."Sabi ko at tumayo.

"Seh!wierd mo,Cash!"Anang pa niya,di ko naman na siya kinibo pa.

Pumunta naman ako sa may pool side.Oo may pool side dito sa bahay sila coach,bigtime din to pero kuripot lang talaga.

Maya maya may napansin akong nakahiga sa pool bench,is that her?dahan dahan ko naman itong inaninag habang lumalapit ako,tss..siya nga.

Natutulog habang may hawak na beer.Di ko akalaing marunong ka palang uminom.

Umupo ako sa harapan niya.Ang ganda niya talaga kahit na natutulog.

"Hmmm..."Inaantok na tugon niya.Muntik niya pang mabitawan yung bote kaya agad ko ng kinuha yon.Maya maya bigla siyang napagulong kaya agad ko siyang sinalo.

"Argh...ang sakit ng ulo ko."Sabi niya habang nakahawak sa ulo niya at nakapikit pa rin.

"Are you alright,Cassy?"Napamulat ang mga mata niya sa tanong ko at inaninag niya muna ang mukha ko at nang makita niya ako halos magulat pa siya.

"C-Cash?!bakit ka nandito?"Gulat na tanong niya.

"Dahil nanalo yung team natin sa practice game at sini-celebrate natin?"Patanong na sagot ko sa kanya.

"No,hindi yun yung ibig kong sabihin...I mean,bakit nandito ka sa harapan ko.Di ba dun yung party sa kabilang side tsaka nakakahiyang nakita mo akong ganito."Sabi niya.

"Di ko akalaing marunong ka palang uminom."Sabi ko.Nabigla naman siya at umulo nang maayos at umiling iling pa.

"No,no...I don't drink kaya nga may tama na ako agad eh.N-nakisabay lang ako kila Abby.Out o place kasi ako kanina kaya sumabay na lang ako.Di ko akalaing magaling palang uminom ng beer si Abby."Sabi niya naman.Napangisi ako dahil pinipilit niyang magpaliwanag kahit medyo may tama na siya.

"Pero ayos ka lang ba?"Tanong ko ulit.Umiling naman siya.Pinilit niyang tumayo pero na out of balance siya kaya pinaupo ko ulit siya.

"N-nahihilo pa ako...ganito pala kapag nakainom.F-first time ko kasi.Ang init pala sa katawan.Inaantok pa nga ako."Sabi niya at pumikit habang nakayuko.Saglit ko lang siyang pinagmasdan at saka ko isinandal ang ulo niya sa balikat ko.Naramdaman ko namang nabigla siya pero di na siya gumalaw pa.

"Sumandal ka muna sa'kin.Ayaw kong nahihirapan ka.Matulog ka muna."Sabi ko...di naman na siya umimik.

Inilagay ko ang kamay ko sa likuran niya parang nakaakbay at sinandal na ang ulo niya sa dibdib ko.Ramdam ko namang gumalaw siya saglit pero nakatulog din siya.

Someone's POV

"Ouch,sakit namang makita ko silang ganyan.It hurts my feelings.Damn!"

Kilala niyo ako.Wag kayong mag alala.

Ayos lang talaga ako,promise.Kahit masakit na nakikita ko silang ganyan.

To Be Continue...

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now