Nagulat ako nang mapasuntok siya sa manibelang nasa harap niya. Napahagulgol na ako sa iyak nang makita kung gaano siya nasaktan sa mga sinabi ko. Pinaghalong sakit at galit ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakakalmahin.


"Bakit hindi mo sinabi agad Kath! Bakit ngayon lang?!" Puno nang pag sisising sabi niya. Niyakap ko siya habang umiiyak pa din. Ramdam kong sobra siyang nasaktan sa sinabi ko.


"I'm sorry. Naisip ko kasing kalimutan na lang ang lahat dahil hindi naman na maibabalik kung ano man ang nangyari nuon."


"Pero Kath dapat sinabi mo pa din. Para may nagawa man lang ako para maipag tanggol ka sa sarili kong ama. Wala man lang akong nagawa." Aniya na panay ang suntok sa manibela.


"Tama na Callum, please. Nakaraan na yun. Kalimutan na lang natin."


"Kalimutan? Kalimutan na lang Kath? Pagkatapos kang ituring na parang hayop ng sarili kong ama? Muntik mamatay ang anak ko dahil sa kanya tapos sasabihin mong kalimutan na lang? Hindi ko magagawa yun Kath! Lalo pat alam kong ako ang dahilan kung bakit dinanas mo yun! Kasalan ko itong lahat.. Kung nalaman ko lang agad Kath."


"Nakalimutan ko na yun, Callum."


"Kinamuhian kita ng matagal na panahon. Nagalit ako sayo dahil akala ko niloko mo lang ako. Kung ano anong masasakit na salita ang sinabi ko sayo. Paulit ulit kitang minaliit pagkatapos sasabihin mo sa aking nakalimutan mo na yun. Kath! Bakit ba ganyan ka? Bakit hindi mo magawang mag tanim ng galit? Bakit di mo magawang lumaban? Bakit palagi mo na lang pinag bibigyan yung mga taong umaapi sayo?! Bakit di mo subukang labanan sila!"


"Wala naman akong kakayahang lumaban Callum eh. Mahirap lang ako. Hindi ako tulad niyo na mayron ng lahat ng bagay. Tanggap ko na yun Callum."


"Kath! Magalit ka sa akin! Ayos lang! Mas matatanggap ko kung magagalit ka sa akin ngayon! Napaka walang kwentang tao ko! Hindi man lang kita nagawang protektahan, minaliit pa kita! Ang sama sama kong tao! Wala na akong mukhang maiharap sayo ngayon! Hiyang hiya ako sa mga nagawa ko sayo. I'm so sorry Kath. Hindi ko alam... Hindi ko alam." Aniya. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit upang pakalmahin.


"Wala kang kasalanan Callum. Hindi mo alam ang totoo kaya mo nagawa yun pero wala kang kasalanan. Minahal mo ako ng totoo at nag papasalamat ako sayo dun. Kalimutan na natin ang lahat. Mag simula tayo ulit. Please?"


Umiling iling siya at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.


"Saktan mo ko Kath please. Saktan mo ko! Hindi ko matatanggap yung nangyari sayo! Hindi ko kayang tanggapin yun Kath! Habang buhay ko yun dadalhin. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung may nangyaring masama sa inyo ni Nicholas. Hindi ko mapapatawad si Daddy at ang sarili ko."


"Callum, tumingin ka sa akin. Tumingin ka sa akin please Callum."

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now