Chapter 1

48 3 0
                                    

Leonekke's Point of View

Nagising ako sa malakas na announcement ng piloto galing sa speaker. Kung kanina ay pinilit kong isandal ang ulo sa head rest ng upuan bago tuluyang makatulog ulit, ngayon ay nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Tyler. 

Medyo nakakahiya sa part ko, ah. 

He's now awake and fidgeting on his phone. Agad kong inalis ang ulo ko sa kanyang balikat. 

"Sorry, 'di ko namalayan." Hindi buo ang sense ng sinabi ko ngunit alam kong alam niya kung ano iyon. Ngumiti ako ng maliit.

"It's fine." Tipid niyang sagot. Ni hindi siya tumingin sa banda ko. 

Abala ang lahat sa pag-aayos ng seatbelts para sa pag-land ng eroplano. OMG! Medyo excited na ako. 

After landing, Ma'am Carmy has told us to gather all our stuff as we are about to leave the plane. Nakailang sulyap ako sa aking seat dahil baka may maiwanan ako. 

Pinasok ko ang kamay sa aking bag upang kuhanin ang cellphone, titingnan ko lang ang oras. May relos akong suot ngunit medyo mabagal akong bumasa ng oras na may maraming kamay. Kumbaga, parang design lang siya. Ako lang naman ang nakakaalam. 

Medyo kinabahan ako ng hindi ko makapa ang aking cellphone. Hindi naman ako makahinto dahil maiiwan ako ng lahat kahit na medyo nagpa-panic na ako. My hand became aggressive while searching my bag, my heartbeat going faster. I felt my eyes widen and looked in my bag. I even searched all my pockets, even the pockets that are sewn shut on my pants. Shit! Did I just lost my phone?

Halos sambitin ko sa isip ko ang lahat ng dasal na alam ko, nagbabaka sakaling may hindi ako nai-check na bulsa ng bag. Muli ko itong chineck. 

May kumalabit sa akin ngunit hindi ko ito nilingon. "Oh?" Patuloy pa rin ako sa pagkapa sa bag ko. 

Lumitaw sa harapan ko ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Tyler ang nakalahad ng kamay, hawak ang cellphone ko. 

Halos magdiwang ako nang kuhanin ko ito sa kanya. "Oh, my god, thank you! Kinabahan ako super, I thought I lost it." Halos yakapin ko ang cellphone ko.

Tumango lang siya at tipid na ngumiti.

"I found it in between our seats." He said. "Be careful next time." He added and tapped my left shoulder before leaving. 

Kinabahan ako sobra! Akala ko ay nawala na talaga ang cellphone ko. Bigay ito ng aking lola kaya sobra nalang ang takot kong mawala ito. God! 

Lumapit ako kay Duchess at kinwento ang nangyari. 

"Gaga ka, mawawalan ka pa ng cellphone, e, kalalapag lang natin ng Japan!" Tumawa siya. 

Lumingon si Nadz at tinanong ang nangyari. Nang malaman niya ay ngumisi siya. 

"Shuta ka, beh. Bawal ang tanga sa ibang bansa!" Pabirong sambit ni Nadz. 

"Gago, akala ko nawala na talaga. Iiyak ako for real!" I dramatically stated. 

"Talagang umiyak ka, e ang mahal niyang cellphone na bigay sa 'yo ng lola mo!" Ani Krysta. 

Kahit pa sabihing kaya ko namang bumili ng bagong cellphone, iba pa rin ang cellphone kong ito dahil bigay lang ito sa akin. 

Mayaman ang pamilya ng halos lahat sa amin, ngunit sa aming magkakaibigan ay ako ang pinakatipid. My grandparents spoils me and my brother, kuya Theo, a lot. If I'd ask for money, they'd give me some immediately. Pero ako na rin ang nag-iingat sa paggastos ng pera. Retired business partners ang lolo at lola ko, at ngayon ay si kuya Theo ang nangangalaga sa business nila. Nakikita ko kung gaano kahirap ang naging trabaho ni kuya, kaya ganoon nalang rin ako magtipid. I spend money on my wants, but not every time. I usually just buy books, one at a time since it's a bit pricy. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Am I Falling?Where stories live. Discover now