Kabanata 7

155 4 0
                                    

Napatingin ako sa langit at napansing magdidilim na nang magumpisang magligpit sina Aling Belen sa kanaling tindahan at nagyayayang umuwi na daw kami. Kaya heto ako ngayon nakatitig sa dalawang palapagang bahay na nasa harap ko. Dala dala ko padin ang tampipi ni Florencina na nagdadahilan ng pangangalay ng braso ko.

Kakababa lang namin sa kalesang naghatid saamin na kasalukuyan ay inaabutan ng bayad ni Mang Delfin.

Naramdaman ko ang pagpantay ni Aling Belen saakin sabay imik. "Ito ang aming tahanan iha, sa taas ang iyong magiging silid kasama ang iba pang nangu-ngupahan diyan at kami nama'y naninirahan sa ibaba, medyo mahina na ang aming tuhod at nahihirapan na kami sa hagdanan kaya kami ng asawa kong si Delfin at ang anak naming si Rosa ang nakatira sa ibaba." paliwanag ni Aling Belen habang pinagmamasdan namin ang bahay nila.

Dikit dikit ang bahay dito, para bang isang community ito, gawa sa bato ang pangibabang bahagi ng bahay, habang ang taas namang bahagi ay kahoy. Maliwanag ang kapaligiran dahil sa mga lamparang nakasindi kaya mas naanig ko ng mabuti ang kabuoan nito,  Hindi ito gaano kalaki pero ganon padin masaya ako dahil may natutuluyan ako ngayong gabi at hindi palaboy-laboy sa daan at pinagpipiestahan ng mga lamok.

"Halika na nang maipakilala kita sakanila." Yaya ni Aling Belen saakin kaya nagpatangay nalang ako sakanya.

Habang papalapit kami sa bukana ng bahay nakarinig ako ng yabag galing sa bintana, mula doon biglang dumungaw ang isang babae. May katamtamang kayumanging balat at may maliliit na pares ng mata, may hawak siyang lampara sa isa niyang kamay kaya naman hindi ako nahirapan makita ang mukha niya.

"Ina! Ita'y!" Excited nitong sigaw galing sa loob. Nadinig ko ang mga kalabog pababa ata sa hagdanan. Ilang minuto pa at pinagbuksan kami nito ng pinto bago nagmano kina Aling Belen at Mang Delfin. Nagtataka naman ang mukha nito nang ibaling ang paningin saakin na nasa likuran ng mag-asawa.

"Ina, Ama may kasama pala kayo..Sino siya?" Tanong nito, habang sinururi ako.

"Siya ang bago ninyong makakasama dito sa bahay." Bumaling naman ang tingin ng ale saakin sabay balik sa kaharap na babae.

"Katarina, ito pala ang aming anak na si Rosa" pagpapakilala ni Mang Delfin sa dalaga. Naputol ang pagtingin-tingin ko sa paligid at tinignan siya. Maikli ang buhok ni Rosa, may katamtamang kayumangi balat, maliliit ang kanyang mukha at mata na sa tingin ko nakuha niya pareho sa magulang niya, balingkinitan ang pangangatawan pero tansya ko'y mas matangkad ako sakanya ng kaunti lang.

"Kinagagalak kitang makilala Katarina." Malaki ang ngiti nitong pahayag. Napansin ko sa likod niya ang kadarating na tatlong babae na mukang magkakasing edad din. Sila ata yung mga makakasama ko daw dito. Medyo naiilang naman ako dahil sa mga titig nila. Kinilatis kase nila ako mula ulo hangang paa,

"Siya nga pala iha, sila pala ang ibang makakasama mo dito sa bahay" Pagpapakilala ni Aling Belen sa tatlong dalaga sa likod ni Rosa. Ngumiti naman ang tatlo saakin.

"Iwan na muna namin kayo para naman makilala ninyo ang isat isa" Iniwan na nga kami nila Aling Belen at Mang Delfin, kaya kami nalang lima ang natira.

"Halika pasok ka muna, Katarina." Mahinhing paanyaya ni Rosa.

"Ah salamat!" Mas niluwagan nito ang pinto para saakin.

"Katarina, siya nga pala si Adora" sabay turo ni Rosa sa babaeng may mahabang buhok, malaking mata, at may magandang ngiti.

"Si Belinda." turo niya ulit sa babaeng tinawag niyang belinda na may maliit nunal sa mukha at maalon na buhok, siya din pala ang pinaka maliit sakanilang tatlo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Century Away From YouWhere stories live. Discover now