Chapter 1

8 0 0
                                        

Kylie's POV.

Hi, Ako nga pala si Kylie Chievonne Cruz pero pwede niyo akong tawaging "ky". Simple lang kami, Si Mama housewife tapos si Papa naman engineer, dalawa lang kami ni Ate na ngayon ay isa ng professional na chef habang ako naman 1st year college palang. Aalis kami ngayon nila mama at papa para mamasyal, di naka sama si ate kasi kailangan ng cook sa hotel na pinagtatrabahuan niya, "ky, ano bayan antagal mo namang kumilos aalis pa tayo ng papa mo."  Dali-dali akong naligo at nagbihis, bumaba na ako ng makita ko sila mama na nakaupo sa sofa na hinihintay ako "alam mo bang kanina pa kami tapos ng papa mo kumilos? Ky naman anak malaki ka na, matuto ka namang mag-manage ng oras mo." Sabi sakin ni mama, Oo, sobrang bagal ko kumilos pero nagagawa ko naman yung nga dapat ko gawin noh di naman ako tamad!! "Pumasok na kayo sa loob ng kotse at ilolock ko na tong pintuan." ani ni papa. Dala-dala ko ang mabibigat na basket na naglalaman ng mga pagkain namin, hayst di lang nakaligo ng maaga parusa kaagad. Habang papunta ako sa kotse ay sumigaw ako at naghingi ng tulong "mamaaa! tulungan niyo po ako dito, tatlong basket ba naman ipabuhat sakinn!" sabi ko, di ako pinansin ni mama at sinabing "bahala ka sa buhay mo! di ka nga bumaba para tulungan kami ng papa mo mag-ayos ng pagkain tas aangal ka pa, buhatin mo lahat  yan!" ani ni mama. Malapit na ako sa kotse ng maramdaman ko ang tumatagaktak kong pawis at tila'y napapansin ko na pagewang-gewang yung nga hawak ko ng bigla nalang...



booogshhhhh! tumapon lahat ng pagkain na nakalagay sa basket, pinulot ko lahat ng nahulog ng biglang may lumapit sakin "miss, ok ka lang? nasaktan ka ba? miss sa susunod magpatulong ka ha para safe ka." napalingon ako sa likuran ko ng makita ko ang isang lalake, pogi, matangkad, moreno, makapal kilay, kissable lips, at mabait (kahit ngayon ko lang nakilala hehe marupok eh). Agad-agad kung pinulot lahat ng iyon "miss, ako nga pala si tyler dun pala ako nakatira (sabay turo sa malaking bahay) 
Kung gusto mo ng tulong puntahan mo lang ako" sabi niya,grabe ang pogi niyaa talaga as in so kailangan ko magpabebe para kunwari choosy HHHAAAHAHAH "I'm not interested, diko sinabing magpakilala ka, diko rin sinabing ituro niyo yung bahay niyo. BTW salamat pala sa pagtulong sakin naabala pa tuloy kita." sabi ko. Nawala yung tingin ko kay Tyler nung sumigaw si mama "HOY KY ANONG NANGYAYARI  DYAN?"
sabi ni mama, diko na alam sasabihin ko "ah wala ito ma, papunta nako dyan" sabi ko kay mama. Dali-dali na akong umalis at nagpaalam kay tyler at agad ng pumasok sa kotse.


Tyler's POV.
Ang ganda ni ky, maganda, mahaba buhok, matangos ilong, makinis at maputi ang balat at higit sa lahat MASUNGIT. Ako na nga tong nagmalasakit ako pa tong masama pero sa bagay maganda siya kaya pagbibigyan ko nalang siya hehe sana makilala ko pa siya, may nafefeel talaga akong maganda sa kanya eh pero hayaan mo na nga yon, mag-jojogging muna ako para lalong gumwapo. Pagkatapos ng limang minuto ay pumasok nako sa loob ng bahay, nakakapagod jusko tinawag ko na si Yaya Nelly para paghandaan ako ng makakain ko, simula bata palang ako si Yaya Nelly na yung nag-aalaga sakin nung namatay si papa dahil sa aksidente. Si Yaya Nelly na din yung naging takbuhan ko sa lahat ng bagay mapa-maliit man na problema man o malaki. "Tyler, kain na ipinagluto kita ng paborito mong adobo."  agad-agad akong pumunta sa lamesa para kumain, inalok ko narin si Yaya Nelly para kumain, si mommy naman ay busy sa companya niya na ipinapagawa niya sa may bakanteng lote sa pangalawang kanto.










Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 22, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Did I loved you?Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora