PROLOGO

62 2 0
                                    

Nakasimangot si selina habang naghihintay sa kubong iyon. Nakaupo siya sa may bungad ng pinto nito. Ang kubong iyon ay dating pahingahan ng mga magsasakang nakikisaka sa malawak na bukirin ng mga mendez. Pero nang magtayo ang mga magsasaka ng panibagong kubo na mas malaki at mas matibay sa may bandang damuhan, inabandona na ang kubong ito. Ngayon ito'y nagsisilbi na lamang tipanan nina selina, joshua at eloisa tuwing araw ng sabado at linggo. Dahil sa dalawang araw na iyon ay wala silang pasok sa paaralan.

Ngunit kapag bakasyon ,halos araw-araw silang nagkikita ritong tatlo at saka sila maglalaro. pero  ang totoo'y  hindi naman nila kailangang magkita rito ni joshua. Araw-araw naman silang nagkikita sa eskwelahan ni joshua at nagkakakuwentuhan. Ang bahay nila'y hindi rin nagkakalayo. Kaya lang naman sila nagkikita rito ay para kay eloisa.

Silang dalawa ni joshua at eloisa ay anak-pawis. Anak ng mahirap ,ika nga. Parehong sa lupa nagmula ang ibinubuhay sa kanila ng mga magulang, dahil parehong magsasaka ang kanilang ama. Dalawa lamang silang magkapatid, ang kanyang kuya anton at si selina. Samantalang si joshua ay mayroong dalawang nakakabatang kapatid na babae.

Si Eloisa naman ay nag-iisang ng mag-asawang Mendez. Senyor edmundo at senyora caridad ang tawag sa mga magulang nito ng mga tao rito sa ponteverde. Ang mga mendez ang pinakamayaman sa lugar na ito at kahit walang anumang posisyon sa gobyerno'y batas na sinusunod ng mga nakakarami ang salita ng isang Edmundo Mendez. At tulad ng ama't ina,si eloisa, sa gulang na walong taon ay ginagalang din ng mga ito rito.

Silang dalawa ni joshua ay sa pampublikong paaralan nag-aaral, samantalang ang kaibigan nilang si Eloisa ay sa bayan nag-aaral. Sa pribadong eskwelahan na pari't madre ang nangangasiwa. Kaya hindi nakapagtataka na kung kumilos ang Dalaga na mahinhin. Kung magsalita rin ito ay malumanay at laging pigil na pigil ang pagtawa. Animo ba'y santa na hindi makabasag pinggan.

Nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga si selina
Bakit kaya wala pa ang dalawang iyon? Sabi nya sa isip nya

Lalong napasimangot si selina ng matanaw na sabay na naglalakad sina Eloisa at Joshua patungo sa kinaroroonan nya. Maraming dalang bulaklak si Eloisa na halatang mga Bagong pitas.

"sabi ko na nga ba't magkasama na kayong dalawa, iniwan n'yo ako rito nang mag-isa at hinayaang tumunganga ng matagal." inis niyang sabi bago pa man nakalapit sa kanya  ang dalawang kaibigan.

"S-Selina nariyan ka na pala..." nahihiyang sambit ni Eloisa
"ano pa ba sa tingin mo? Mukha ba akong langaw lang na ngasasalita?"
Piksi nya
"selina, ano kaba naman?Ba't mo naman inaaway si Eloisa?" saway sa kanya ni joshua

Napakamot ng ulo si joshua
"E....ang tagal mo kasing dumating kaya nainip kami ni Eloisa. Naglakad-lakad muna kami at nalibang na mamitas ng mga bulaklak si Eloisa" katwiran ni joshua sa kanya .
"ganoon? Nainip kayo?E, bakit ako,hindi naiinip habang naghihintay sa inyo kanina samantalang nag-iisa lang ako at kayo'y dala-dalawa?!."

"huwag ka nang magalit , selina,o! Sorry na. Nang makita ko kasing maraming bulaklak do'n sa pinasyalan namin ni joshua ay naisip kita. Nabanggit mo saakin na pupunta kayo bukas ng tatay mo sa sementeryo, diba? Sa puntod ng nanay mo. Kaya namitas ako ng maraming bulaklak para maialay mo sa puntod ni aling Celia." mahabang wika ni Eloisa .
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang galit ni selina sa narinig.

"kaya kami natagalan ni joshua ay dahil sa mga bulaklak na 'yan. Pero magaganda naman, di ba? Hindi mo ba nagustuhan?"
"Aba, gustung-gusto! Salamat eloisa, ha?''
Nakatawa nyang sabi.

Mababaw naman talaga ang kasiyahan nya. Munting bagay ay nakakapagpasaya na sa kanya. Madali syang magalit pero agad ding humuhupa ang galit na nadarama. At mas lalong mas madali siya patawanin at pasayahin.
Ngumiti si eloisa sa kanya.iyong ngiting para na naman sa isang dalagang ubod ng yumi. Naisip tuloy ni selina na bagay kay eloisa ang maging isang madre.

"sa susunod, tayong tatlo na ang pupunta roon sa may bukana ng gubat upang mamitas ng bulaklak." ani ni eloisa
Sasagot sana si selina nang bigla....









------------>

Puputulin ko muna next ud nalang ang ibang prologo inaantok na talaga ako ehhh....

Goodnight guyzzzz

Zzzzzzzzzzzzzzzz😴😴😴😴😴😴😴

Dalawang mukha ng pag-ibigحيث تعيش القصص. اكتشف الآن