"Good morning!" Pumasok si Callum sa kusina. Nakasuot lamang siya ng sando at pajama at mukhang kagigising lang niya.

"Pasensya ka na nakialam na ako dito sa kusina mo. Naisipan ko kasing ipag luto kayo ng makakain tyka di ba maaga ang pasok mo? Hintayin mo na tong niluluto ko bago ka maligo. Matatapos na din naman 'to eh." Sabi ko habang hinahalo ang sopas na niluluto ko. Naisipan ko lang silang ipagluto. Hindi kasi talaga ako sanay na walang ginagawa tyka maaga talaga ako nagigising pag umaga.

"Sure."

Matapos maluto ng sopas ay inilagay ko na ito sa mangkok at hinain kay Callum.

"Hinay hinay lang ah. Mainit pa yan." Paalala ko. Hinintay ko ang reaksiyon niya nang isubo niya ang pagkaing niluto ko. Ngumiti siya.

"Hmm. Namiss ko 'tong sopas mo ah." Aniya na dahilan para mapangiti din ako. Nuon kasi sa condo niya palagi ko siyang pinag lulutuan ng sopas na naging paborito na niya kinalaunan.

Naalala ko nanaman tuloy ang dati. Hindi ko maiwasang manghinayang. Ang dami kong sinayang na panahon.. Ang dami kong sinayang na dapat masasayang araw. Kung sana ipinag laban ko lang siya, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Siguro masaya na kami ngayon ni Callum.. Siguro kami yung kinasal. Agad akong tumalikod nang pakiramdam ko namamasa na ang mga mata ko. Ayokong makita niya na nasasaktan at nag sisisi ako. Kasalanan ko naman kasi talaga eh. Bakit kasi hindi ako nakinig sa kanya? Bakit hindi ako kumapit?

"Kath?"

Huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Bakit?" Nakangiti ko nang sabi nang lumingon ako sa kanya.

"Are you okay?" Takang tanong niya.

"Oo naman. Gusto mo pa ng sopas?" Pilit ang ngiti na sabi ko.

"Yes please." Nakangiti niya ding sabi. Ikinuha ko ulit siya ng sopas at naupo sa tabi niya. Pinanuod ko lang siyang kumain habang kaupo sa tabi niya. Ewan ko ba. Gumagaan ang loob ko kapag pinapanuod ko siyang kumakain ng pagkaing niluto ko.

"Siya nga pala Callum, may nahanap na akong trabaho. Tinulungan ako ng kaibigan ko."

"Trabaho?" Kumunot ang nuo ni Callum.

"Bakit kailangan mo pang mag trabaho. Hindi naman kita sinisingil sa pag tira mo dito."

"Hindi naman yun yon eh. Siyempre gusto ko din kumita ng sarili kong pera."

"Para saan pa?"

"Syempre para sa sarili ko tyka para mabilan ko din ng regalo sina Katherine na galing sa sarili kong bulsa."

"Okay." Tanging sagot niya lang at tyka ipinag patuloy muli ang pagkain.

Pagkatapos kumain ni Callum ay umakyat na siya sa kwarto niya para maligo dahil may pasok pa siya. Sumunod ako sa kanya sa kwarto niya dahil duon din natulog ang dalawang bata. Ewan ko ba sa dalawang ito. Gustong gusto laging tatabi sa daddy nila. Gusto nga din nila duon ako natutulog kaya sinasamahan ko na lang sila tuwing gabi hanggang sa makatulog sila at lumilipat na din ako sa kwartong ibinigay sa akin ni Callum.

Napangiti ako nang maabutan ko ang dalawang tulog na tulog pa. Nakaunan pa si Katherine sa braso ng kuya niya. Naisipan ko na lang ihanda ang susuotin ni Callum kesa naman tumanga na lang ako. Nakielam na ako sa kabinet niya. Napansin kong medyo magulo na ang damitan niya kaya tiniklop ko na din ang mga ito habang naliligo siya. Matapos siyang maligo ay inabot ko sa kanya ang mga damit na hinanda ko para suotin niya. Kumunot ang nuo niya nuong una pero napangiti din siya.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now