BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kahit mabuhok pa yang kili-kili mo, basta kili-kili mo yan, gusto ko parin yan," sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako mandidiri sa sinasabi mo." 

"Hahaha!" natawa na naman ako.

"Nahihiya na nga ako nagtatawa ka pa, ayoko na nga." Hihiga na sana s'ya patalikod sa akin pero hinigit ko s'ya muli paharap.

Isiningit ko sa tenga n'ya yung buhok n'yang kumalat sa mukha n'ya tapos hinalikan ko s'ya sa noo, "Diba sabi ko sayo mahal kita? Ibig sabihin nun, hindi lang ikaw ang mahal ko kung hindi ang lahat-lahat tungkol sa'yo. Lahat-lahat... bawat isang parte." Matapos kong sabihin yan, agad nang nag relax yung katawan n'ya.

"Oi gagong lalaki!" maangas na sigaw n'ya.

"Bakit?" mas maangas na tugon ko.

"Mahal din kita. Mahal na mahal," sabi n'ya, may kasama pang ngiti.

At matapos n'yang sabihin yun, imposibleng hindi ko s'ya halikan.

*HANGGANG DITO NA MUNA ANG FLASHBACK KASI...

"Kailangan talaga detalyado? Itutuloy mo talaga hanggang bed scene?" tanong ni Tommy na may di maipintang reaksyon sa mukha. Tss, virgin pa nga pala to, bata kasi ang pinatulan eh, di pa tuloy nakaka score, tsk.

"Mukhang di na uso sayo ang piracy," hirit ni Third.

"Haha, piracy, pag naaalala ko yun, natatawa parin ako. Dvd! Dvd!" sabat naman ni Steve kaya nagtawa na dun sila Tommy.

"Wag nga kayong maingay! Nagyayabang ako dito eh! Panira kayo!" sigaw ko, natigil ang mga gago.

Huminga ako ng malalim at pinakalma na muli ang sarili ko tapos, "Para sa kapakanan ng nag-iisang virgin dito..." tiningnan ko si Tommy, sinamaan n'ya ako ng tingin habang si Third at Steve naman medyo natawa.

"Hindi ko na idedetalye yung bed scene... sasabihin ko na lang yung tunay na rason kung bakit ako ang may alaga kay Law ngayon..."

*ITUTULOY KO NA ULIT YUNG FLASHBACK (KASO ISISKIP KO NA YUNG DETALYE NG BED SCENE NAMIN NI NAMI SORRY NA LANG, SISIHIN N'YO ANG PAGIGING VIRGIN NI TOMMY =__=)

So andun na ako... ang init na nung eksena sa kama... ipapasok ko na lang yung dapat ipasok... kaso...

*Uha *Uha *Uha~ ~

Natigil kami pareho ni Nami nang tumunog yung mini walkie talkie na nasa may bed side table. Mukhang nag-iiyak si Law ngayon sa kabilang kwarto. 

Kaya ayun, biglang nagbihis na muli si Nami at nagtatakbo papunta sa kwarto ni Law. Naiwan tuloy akong bitin bwisit. Pero pinakalma ko na lang ang sarili ko at matyaga na lang naghintay sa pagbalik ni Nami. Ang gwapong lalaki kasi, marunong maghintay :P

Ang laki ng ngiti ko pagbalik ni Nami sa kwarto, kaso agad na nawala yun noong...

"Bryle bukas na lang, pagod na ako," sinabi yan ni Nami paghiga n'ya sa tabi ko. S'yempre naasar ako kasi naghintay ako ng matagal para sa wala!

"Pagod ka? Pagod rin naman ako ah! Kung tutuusin nga mas pagod ako kaysa sayo! Maghapon akong nasa opisina, eh ikaw, nandito ka lang sa bahay kasama si Law!"

Agad s'yang napabangon at napatingin sa akin dahil sa isinigaw ko, "Nandito lang ako sa bahay? Lang? Nilalang mo ang pag-aalaga ko kay Law? Eh kung tutuusin mas mahirap pa yung ginagawa ko kaysa sayo! Nakaupo ka lang maghapon sa opisina, nagrereklamo ka pa!"

"Mahirap kayang maupo maghapon no! Mas mahirap nang di hamak yung ginagawa ko!" sigaw ko. Tss, bakit ba nauwi kami sa sigawan bigla?

"Itry mo munang lumagay sa sitwasyon ko bago mo sabihan ng "lang" yung ginagawa ko! For sure di ka makakatagal ng isang araw sa pag-aalaga kay Law!"

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon