Chapter 28

2 1 0
                                    

Really

Zed POV

Hindi ko talaga naiintidihan ang sarili ko. I admit I like her. I really do. Pero sana hindi kona pinaalam sa kanya. Dahil sobrang awkward naming dalawa. Pero buo na and desisyon ko, I will let her know it. I will show my feeling to her.

Kulang lang talaga sa filter itong bibig ko eh. Ilang beses kong kinompirma sa sarili ko kung gusto ko ba talaga siya, pero mahal ko talaga siya. Para bang nabuhay na ako sa mundong to na may nararamdaman talaga kay Larah. Pinigilan ko naman eh, kasi ayaw ko na masira ang pagkakaibigan namin. Pero bahala na, nasabi ko na eh.

Pagdating kay Larah umiiba ako. Parang hindi ako si Zed. Pero bahala na, alam na niya kaya paninindigan ko ito.



Larah POV

Nandito na kami ngayon sa gymnasium ang raming mga estudyante at sobrang rami rin ng outsiders.

Alas tres na ng hapon at magtatapos na rin itong pageant, mag-aawarding na lang para sa mga winners ng games and after nun may paint party. Wooot! Wooot!

Nakatayo lang kaming tatlo dito sa likuran. Nanunuod ng Q and A ng mga candidates.

"Siguro Lar, kung kasali ka dyan. Talagang ikaw na ang panalo." Sabi ni Jeyden na nasa tabi ko dahil napapagitnaan nila ako ni Zed.

"Ako? Sasali diyan? No way!" Sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso.

"Oo naman! Maganda ka tapos with brain pa! Sayang hindi mo kasi hilig yan." Sabi ni Jeyden tsaka bumalik sa panunuod.

"Bakit nga pala ganyan suot mo?" Biglang bulong ni Zed sa aking tenga.

"Ha? Kanina pa kaya ako nakasuot nito." Sagot ko naman. Nakasuot kasi ako ng shorts na high ways, tapos naka crop top na three fourths. 

"I know. Hindi bagay sayo ang pangit." Sabi niya tsaka bumalik sa panunuod sa stage.

Ano ba problema non? Hindi ko na lang siya pinansin. Ano bang mali sa suot ko? Ganda kaya.

Natapos na ang Q and A nang pageant habang nag cocompute ng total average nag announce sila ng winners sa mga games lalo na sa amazing race at sa quiz bee.

"Sino kaya mananalo sa pageant?" Tanong ni Jeyden sa amin.

"Sa akin yung number three. Galing nang sagot niya." Sagot ko kay Jeyden.

"Oo. Yung number three." Sagot naman ni Zed. Tinignan ko siya at nakita ko rin siyang nakatingin sa akin.

"Three? Hindi naman ah. Feeling ko number five yung last, maganda tapos ang ganda pa ng talent niya kanina." Sabi ni Jeyden.

"Hindi kaya. Hahahahaha! Sabihin mo type mo! Hahahahaha!" Sabi ni Zed kay Jeyden.

"Oo yan yung mga type ko eh. Eh ano naman saiyo? Ikaw pre ano type mo? Hahahahahaha! Ah alam kona, lalaki type mo no?" Pagtukso ni Jeyden kay Zed. "Hindi pa kasi kita narinig o nakita na may babaeng natitipuhan. Zed ha? Hahahahaha." Patuloy ni Jeyden sa pagtukso sa kanya.

"Sipain kaya kita diyan?" Sabi ni Zed kay Jeyden tapos tumingin siya sa akin at nag salita. "May natitipuhan na ako no."

What the hell?

Grabe ang mga moves ni Zed ha? Bakit parang kinikilig naman ako? Hahahahaha! No way!

"Sino?!" Tanong ni Jeyden sa kanya. At ako? Ito nakatingin lang sa kanila.

"Basta kaming dalawa lang ang nakakaalam nun." Sabi niya atsaka binalik ang tingin sa stage.

"Ang arte mo!" Sabi ni Jeyden sa kanya. "Eh ikaw Lar?" Nabigla ako ng tanungin ako ni Jeyden.

"Ha? Meron na rin." Pagkasabi ko nun tinignan ko rin si Zed at nahuli ko siya nakatingin rin sa akin. "Nag poprogress. Hahahahaha!" Sabi ko at humarap kay Jeyden.

"Seryoso?! Who is he?" Tanong ni Jeyden.

"Secret lang no!" Sagot ko sa kanya.

"Ang dadaya niyo talaga!" Sabi ni Jeyden at nag pout na parang bata.

Bumalik na ang tingin namin sa stage nung inannounce na ang winner sa amazing race at the best team of the year. Sobrang saya nang mga nanalo.

"But before we announce our Ms. and Mr. Acquaintance, let us give a special gift the persons behind this event." Sabi ng baklang emcee.

"Special?" Sabi ni Jeyden sa tabi ko.

"Ms. Diaz and Mr. Aquino, around of applause please. Please come up one stage." Sabi ng emcee.

"Huy! Kayong dalawa!" Sigaw ni Jeyden sa amin.

"Sisigaw talaga ha?!" Sagot ko sa kanya at hanawakan na ako ni Zed sa kamay at hinila papunta sa stage.

Umakyat kami sa stage at may certificate na binigay sa amin ang school. Ang lapad nang ngiti naming dalawa.

Pagkababa naming dalawa inannounce na kaagad ang Mr. and Ms. Acquaintance 2018. I am so happy na naging successful ang program na ito. At dahil successful, its time to enjoy! Party!

--

Black & WhiteKde žijí příběhy. Začni objevovat