CHAPTER ONE

56.7K 1.1K 4
                                    


ISANG owner-type jeep ang tumatakbo sa kahabaan ng kalyeng iyon. Mag-aalas-dos na ng hapon at di-gaanong matao sa daan.

''Napakamalas namang lakad ito!" ang driver ng jeep.

"Sino ba ang mag-aakalang natiklo si Tandang Lolita," sagot ng kasarna nito. "Wala...babalik tayo ng Maynila nang walang dala."

Hindi gaanong mabilis ang takbo ng jeep at nagulat pa ang driver nang biglang rnagsalita ang kasama nito.

"Hinto, pare! Iatras mo, dali! Iatras mo! Habang nililingon ang pinagdaanan nila.

Natanaw din ng driver ang dahilan kung bakit pilit siyang pinaaatras. Isang babae ang lilinga-linga sa kalye.

"Baka sumabit tayo riyan, pare," paalala ng driver.

"Akong bahala..."

Huminto ang jeep may tatlong dipa sa unahan. Bumaba ang lalaki at nilapitan ang palinga-lingang babae. Bagama't morena ay maganda at batang­ bata.

"Saan ang punta mo, miss?" nakangising tanong ng lalaki.

Sandaling nabigla ang babae. Hindi inaasahan ang tanong. Bukod pa sa hindi niya agad napansin ang paglapit ng lalaki.

"Suplada, pare. Hindi ka pinansin!" sigaw ng driver na nakalingon sa kanila.

Inulit ng lalaki ang tanong. "Saan ka pupunta, hija?"

"H-hindi ko alam..." ang namutawi sa bibig ng babae sa kabiglaanan.

Humagalpak ng tawa ang dalawang lalaki. Nagpalinga-linga ang nasa harap ng babae. Walang tao sa daan maliban sa tindera ng sigarilyo sa kanto na nakayupyop pa sa upuan nasa wari ay natutulog.

Hinawakan nito ang babae sa braso nang mahigpit. Halos bumaon ang magaspang nitong kamay sa braso ng babae. Inakay itong pasakay sa jeep. Pilit hinahatak ng babae ang braso niya subalit mahigpit ang kapit nito sa kanya. Halos patulak siya nitong isinakay. Napagitnaan ng dalawang lalaki ang babae.

"Huwag kang magkakamaling gumawa ng ingay kung ayaw mong sumabog iyang maganda mong mukha!" Itinaas nito ang bulsa ng jacket. Natanaw ng babae ang dulo ng baril. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Hindi siya dapat mag-panic pero ano ang gagawin niya? Masakit na ang ulo ay nahihilo pa siya.

"Ang suwerte nga naman," ngumisi ang driver sabay sulyap sa babae.

"Ang akala ko ay babalik tayong zero sa Maynila," sagot naman ng nasa kanan.

Nakadama ng panganib ang babae. Unti-unting bumabangon ang kaba sa dibdib niya.

''Napakaganda mo, Inday. Sariwang-sariwa!"

Hinimas nito ang pisngi ng babae. Gustong manayo ng balahibo niya at diring-diri siya sa lalaki. Amoy tabako ang mabahong hininga nito.

Pinagsikapan niyang ngumiti. Nagulat ang lalaki. "Pare, maamo! Mukhang inosente pero tipong sanay!"

"Sanay ka ba, day?" ang driver na hinawakan siya sa hita. Kinilabutan ang babae. Gustong manigas pero pinilit mag-relaks.

"Bakit hindi ka pumalag? Bakit kaydali mong sumama sa amin?" naghihinalang tanong ng isa pa.

Muli ay ngumiti ang babae. Pinatatag ang hoses. "K-kung pumalag ako, iiwanan mo ako sa kalye?" Humagalpak ng tawa ang driver. "May katwiran.Iiwanan mo nga naman ba siya?"

"S-saan ang punta natin?" lakas-loob niyang tanong.

"Sa Maynila. Bakit, may reklamo?"

"M-mabuti. Gusto kong... makarating doon," sagot ng babae.

Ngumisi ang driver. "Hindi tayo mahihirapan sa isang ito. Mukhang stowaway."

"At anong inaasahan mong mangyayari sa iyo sa Maynila?" tanong ng nasa kanan niya na inakbayan siya. Para siyang hihimatayin sa takot pero kailangan niyang maging matalino sa pagkakataong ito.

Tiningnan niya nang deretso ang lalaki at pilit pinapupungay ang mga mata. "K-kahit anong paraang pag...pagkakaperahan..." binigyang-diin niya ang "kahit anong paraan."

Noon lang nag-relaks at muling tumawa ang nasa kanan niya. "Narinig mo? Narinig mo?'' wika nito sa kasamang driver. "Pagdating natin ng Maynila, Inday, magkakapera ka. Tinitiyak ko sa iyo, maging mabait ka lang," pinisil ang baba niya at bigla siyang hinalikan sa labi.

Muntik na siyang mapatili. Gusto niyang sipain at kalmutin ang lalaki pero hindi niya gagawin... hindi niya gagawin kung gusto niyang makaalpas mula sa dalawang ito.

SA PIER ipinarada ng lalaki ang jeep. Bumaba ang driver. "Kukuha lang ako ng ticket natin," wika nito sa kasama. "Puwede na ang mumurahing cabin."

"Itong jeep?" pahabol ng lalaki sa palakad na kasama.

"Tulad ng dati, may kukuha niyan. Iiwanan ko ang susi sa tindera ng sigarilyo."

Nang mawala sa paningin nila ang driver ay nagpalinga-linga ang babae. "W-wala bang CR? Kanina pa ako naaano..."

Naghihinalang tiningnan siya ng lalaki. "Kung balak mong tumakas ay kalimutan mol"At muling itinaas ang bulsa ng jacket na kinapapalooban ng baril.

"Hindi ko iniisip iyon. Kung gusto mo samahan mo pa ako sa loob."

"Sa barko na. Tiisin mo!"

Nagpa-panic na siya sa loob niya. Paano niya matatakasan ang lalaking ito? Pag nasa barko na sila ay imposible nang tumakas dahil tiyak na ikukulong siya sa cabin ng mga ito. Kailangang ngayon siya gumawa ng paraan habang wala ang isa nitong kasama.

Isang malaking van ang pumarada sa tabi ng jeep. Sa may bandang kanan. Napalingon ang lalaki na biglang umalma dahil sa distansiya ng van at ng jeep. Halos mahigit isang dangkal lamang ang pagitan ng dalawang sasakyan. Sumenyas ang lalaki sa driver ng van na dumistansiya subalit hindi ito nagbigay-pansin.

"Aba't ang tarantadong ito kung makaparada!" sabi nitong yumuko upang silipin ang espasyo sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Nakasilip ng pagkakataon ang babae at mabilis na nagpasya. Sa driver's seat dumaan at mabilis na bumaba. Nakakailang hakbang na siya palayo nang mag-angat ng ulo ang lalaki.

"Hoy! Aba't..." mabilis na akmang bababa ito sa dinaanan niya na nahirapan nang kaunti dahil sa may katabaan. Malaking bagay para sa babae ang pagkaabala ng lalaki at nakadistansiya siya nang kaunti.

Mabilis na tumakbo at lumilingon paminsan­-minsan. Nakita niya nang kapain ng lalaki ang bulsa ng jacket nito. Binilisan niya ang takbo at sumama sa ibang mga tao. Natatanaw niya ang ulo ng lalaki. Sa may dulo ng pantalan ay wala nang tao. Kailangan niyang gumawa ng paraan. At bahala na...

With This Ring (COMPLETED)Where stories live. Discover now