EOM 6

661 33 0
                                    

Eyes on me
By: GreenCoated

One month.

Isang buwan na ang nakakalipas at paulit-ulit lang ang takbo ng buhay nila.

Si Hans na hanggang ngayon ay nililigawan pa rin si Tracy.

Si Rein na laging pinagti-tripan si Hans, pero hindi na ganoon kadalas. Kasi ngayon ginagawa na ni Hans lahat ng utos ni Rein sa kaniya. Ang maging isang alipin.

Isang buwan na rin at mas nagiging maayos na ang kanilang pagsasama. Kahit papaano, okay na rin sila Rein at Hans. Hindi na kasing lala noong una nilang pagsasama. Mga konting parinigan at konting asaran na lamang. Pero hindi sa lahat ng oras ganoon, katulad na lang ngayon.

"Hoy Hans! Ibalik mo 'yang pagkain ko o ibabato ko itong sapatos ko sa'yo?"

"Pakagat lang naman ako, isang beses lang."

"Ayaw! Bumili ka ng pagkain mo, nakakadiri ka talaga!"

Nasa rooftop sila ngayon. Lunch time kaya napagdesisyunan nilang kumain dito sa taas, ginawa na rin nila itong tambayan. Tawanan ang ginagawa nila Tracy at Desiree. Samantalang naghahabulan naman sila Hans at Rein. Sanay na rin sila sa mga asaran na nagaganap sa dalawa. Ayaw kasing magpatalo ng isa sa kanila.

"Isang kagat lang talaga. Ang damot mo kaya ang taba taba mo haha!"

"Waah! Ang kapal mo. Ibalik mo 'yan sabi e!"

Mas showy na rin ang ugali ni Hans hindi katulad noong dati, pero kapag sa mga kaibigan niya lang nakaharap. Madalas no reaction pa rin kapag hindi niya kakilala ang kausap.

"Huli ka!" Nahawakan niya sa laylayan ng uniform si Hans, pero sa hindi sinasadya ay natapilok siya. Na-out of balance tuloy siya. Pero mabilis na sinalo ni Hans si Rein, kaya parehas tuloy silang natumba. Nasa ibabaw ni Hans si Rein at gulat na gulat. Nakita niya ang paglapad ng ngiti nito at biglang tumayo.

"Huli ka!" Sabay wagayway nyia sa sandwich na hawak niya. Nag-make face pa siya sa harap ni Hans. Hindi mapaliwanag ni Hans ang nararamdaman niya nang makita si Rein ng nakangiti. Ang gaan sa pakiramdam ng pagkakangiti nito.

Isang mabilis na pagkabog sa dibdib ang naramdaman ni Hans nang makita si Rein na kinakain ang kaniyang sandwich habang nakangiti.

"Ayieee!" Tukso ng kanilang kaibigan. Napailing nalang si Hans habang tumatayo.

Nakita niya sila Rein, Tracy at Desiree na masayang nag-uusap palayo sa kaniya. Tinignan niya si Rein.

"Iba ka talaga, ibang-iba." Nakangiti nitong sabi.

Itutuloy...

Eyes on meWhere stories live. Discover now