“Bakit mahal mo ba?”

Natigilan ako sa tinanong ni Lola. Ibubuka ko sana ang bibig ko pero wala akong maisip na isagot sa kanya. Ngumiti nalang ako sa kanya ng bahagya dahil sa kawalang-sagot ko sa tinanong niya.

“Tignan mo na di ka mapakagsalita, ibig sabihin hindi mo naman mahal. Matanda na ako, Meg. Huwag mo akong lokohin. Kilala ko ang hilatsa ng pagkatao mo na manang-mana sa iyong nanay. In-denial kayo pareho ng nanay mo. Hay, apo, kahit anong sabihin mo, halatang halata naman ako na meron ka pang nararamdaman amor kay Tim. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Kahit ako, Meg, halatang halata ko. Gusto mo siya, gusto ka niya bakit kailangan pigilan? Magmumukha lang kayong kaawa-awa, mga pobre. Mas masakit ‘pag ganyan,” sabi ni Lola sabay taas sa akin ng kanyang tattoo na kilay.

“Lola, hindi ko alam kung anong pinag-usapan niyo ni Tim sa madalas niyang pagpunta dito ng wala ako, kung anong pambobola ang ginawa niya sa inyo pero ako, Lola, hindi niya na ako madadala ng mga ganoon.”

“Hindi siya nambola at hindi niya ako binola Meg. Sinabi niya lahat sa akin, tungkol sa inyo, kay Helena, kung bakit at paano siya nakipaghiwalay sayo, kung gaano siya ka-estupido’na ginawa niya iyon sayo, kung gaano ka niya gustong makita ulit,” salita ni Lola matapos ay nangalumbaba siya sa harap ko at halatang-halata na inoobserbahan ako.

“Kung ginusto niya akong makita ulit at kung totoo lahat ng iyan Lola sana pinuntahan niya ako kung nasaan ako, hindi yon liligawan niya ang Lola ko,” nakangiti kong sabi sa kanya at umaasa akong tumigil na ang pag-uusap namin tungkol kay Tim.

“Hahaha! At kung ako ay bata Meg at walang asawa, wala ng Tim na hahabol sayo ngayon, Meg. Alam mo naman na walang sinabi ang ganda mo sa angkin kong kagandahan ng kabataan ko.”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Lola.

“Lola talaga…” sabi ko ng pailing-iling.

“Alam mo kung bakit di niya ginawa na sundan ka? Kasi sinunod niya lang naman ang payo ko sa kanya. Maghintay siya. Maghintay siya sa tamang panahon. At alam kong tamang panahon na to, Meg. Hindi na masakit sa inyo ang mga nangyari at kung meron mang babalik hindi na yon sakit Meg. Hindi na ang sakit. Kung nasasaktan ka man ngayon ang dahilan doon ay ang hindi mo pag-amin sa nararamdaman mo. Mahirap itago ang totoong nararamdaman, apo. Hindi utot kasi ang kalalabasan niyan kundi sakit sa puso.” ngiting ngiting sabi ni Lola sa akin

“Sana nga po ganoon kadali.”

“Madali lang kung hindi mo na paasahin at papakawalan mo ang isang lalakeng hindi dapat para sayo at tatanggapin ang nararapat sa puso mo.”

Nararapat sa puso ko?

Hindi ko alam bakit nga nangyayari ang lahat kung tapos na dapat kami. Hindi ko rin alam bakit nga ba ginawa ni Tim lahat ng yon na lalong nagpagulo ng magulo ko ng isip. Pangalawang pagkakataon ba ulit ito? Pangalawang pagkakataon para hayaan saktan niya ulit ako. Pangalawang pagkakataon na wala ulit kasiguraduhan at para lang akong tumuntong sa isang gegewang-gewang na tulay na alam kong mahuhulog ulit ako at masasaktan? Kaya ko ba ulit isugal ang puso ko sa kanya kahit na alam ko kung gaano ka-risky?

Old and UnwantedWhere stories live. Discover now