Walang mapag lagyan ang tuwa ko sa mga oras na ito. Sobrang sarap mangarap ulit.


Tumingin ako kay Callum at ngumiti. Nag pasalamat din ako sa kanya dahil ipinakilala niya pa din ako sa anak namin kahit na napakalaki ng kasalanan ko sa kanilang dalawa.


"Nanay ibig sabihin ba dito ka na din titira kasama namin nila daddy? Magiging isang pamilya na ba tayo?" Masayang sabi ni Nicholas. Natigilan ako bigla sa sinabi niyang iyon. Ayokong paasahin ang bata pero ayoko din namang biguin siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya lumingon ako kay Callum upang humingi ng tulong. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasagutin ang tanong na yun ni Nicholas.


"Pwedeng pwede naman tumira dito ang nanay mo, Nicholas. Yun ay kung gusto niya. Hindi naman natin pwedeng pilitin ang isang tao kung ayaw nito." Ani Callum na nakangising nakatingin sa direksyon ko. Wala na akong nagawa kundi umoo na lang sa gusto ni Nicholas dahil ang magaling niyang ama hindi man lamang ako tinulungang lumusot.


Ayoko lang naman kasing tumira dito dahil baka kung ano pang kumalat na balita tungkol sa aming dalawa. Baka magulo ko pa ulit yung relasyon nilang dalawa ni Pauline. Ayoko na mang gulo pa ulit. Sobra na yung dalawang beses akong nag kasala sa kanya. Ayoko na maulit iyon. Kaya lang kasi ang mahalaga ngayon ay ang kaligayahan ng dalawa naming anak kaya hindi ko alam kung paano tatangging tumira dito.


"Osige na. Basta magiging mabait ka sa kapatid mo at susunod ka kay dadady mo." Sabi ko. Sunod sunod namang tumango si Nicholas.


"Ipapayos ko na ang magiging kwarto mo pati na din ni Nicholas." Sabi ni Callum.


Hindi naman yata siya excited masyado at gusto na agad niyang ipaayos ang magiging kwarto namin.


"Pwede po same room na lang tayong lahat?" Request pa ng anak ko.


"Nicholas! Hindi na pwede yun. Pumayag na nga si nanay dito tumira di ba?"


"Sige na nga." Lumabi pa ito.


"Don't worry, pupunta ko sa kwarto mo bago ka matulog." Ani Callum sa anak.


"Okay!" Masigla nang sabi ni Nicholas.


"Tara na at kumain na tayo bago pa lumamig ang mga pagkain." Aya ko. Pinaupo ko muna si Katherine sa isang silya dahil pinag sandok ko sila.


Ang sarap pala ng ganito. Ang sarap palang pag silbihan ang mag aama ko. Dati pangarap ko lang ito eh pero ngayon mukhang araw araw ko nang gagawin ito sa mag aama ko. Ang sarap sa pakiramdam. Gagawin ko ang lahat para sa kanila. Pag sisilbihan ko sila buong buhay ko. Wala na akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang pag silbihan sila at alagaan ng husto. Wala na akong balak mag boyfriend ulit, sapat na sa akin yung ganitong buhay. Malapit sa mag aama ko. Wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang pang habang buhay na ganito.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now