51st Hooked

88.4K 2.4K 845
                                    

Vote. Comment. Be A Fan.
H O O K E D
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Julianne Rae Figueroa. Happy reading!
---------------

Bait-baitan

Pagkagising ko, para akong dinaganan ng isang bulldozer dahil sa sobrang sakit ng buo kong katawan. My eyes shut harshly when I felt the searing pain between me. I am still throbbing down there at pakiramdam ko ay nahati ang buo kong katawan. Idagdag pa ang pamimintig ng ulo ko kaya rin ako nagising. Iyong nangyari ata kagabi ang nag-alis ng kalasingan ko.

Idinilat kong muli ang aking mga mata at nilingon sa gilid ang lalakeng sobrang himbing ng tulog dahil sa pagod. Parang ang amo niya ngayon kumpara kagabi na kulang nalang ay kakainin narin ako ng buhay. Pakiramdam ko kagabi ay kaya niya akong durugin kung gugustuhin niya lang dahil sa payat kong pangangatawan.

Madaling araw pa at kailangan kong umuwi! Ni hindi ko nga alam kung saan ako dinala nitong si South. Wala akong ediya lalo na't sobrang lasing ko noong oras na iyon.

Dahan dahan kong inangat ang mabigat niyang braso na nakayakap sa aking beywang saka ako bumaba ng kama. Kamuntik pa akong masubsob nang hindi ko naibalanse ng maayos ang mga tuhod kong bumibigay narin. Ngumiwi ako sa sakit at tiningnan ang imahe ni South na hindi naman nagigising. Tumayo akong muli at iginala ang tingin sa dim na paligid. Nakita ko pa ang nagkalat kong damit at pinulot iyon. Nasira agad ang aking ekspresyon nang mapagtantong punit iyon at ganoon rin ang undies ko. Bakit ba ang hilig niyang punitin ang mga damit ko?

Noong makita ko ang isang walk-in closet ay nagtungo ako roon. Nilingon ko sandali si South na gumalaw at tumagilid saka niyakap iyong unan pero hindi naman gumigising kaya kinuha ko ang tsansang iyon para tuluyang makapasok.

Kinalabit ko sa gilid ang ilaw saka iyon isinarang muli para hindi tumakas ang sinag noon. Nakita ko agad ang aking imahe sa malaking salamin rito, walang saplot ni isa at naiwan ang bakas ng pagiging marahas niya kagabi. Laglag panga akong tiningnan ang sarili kong napuno ng marka na hindi ko mabilang at para akong naligo noon. Medyo namumula ang bawat gilid ng aking balakang dahil sa mariing pagkakahawak niya. Pinilig ko nalang ang aking ulo at nagconcentrate sa tunay na pakay.

Nagsimula akong gumala. Nakaayos ng mabuti ang mga sapatos niya kaya doon ako nagtungo sa isang sliding door kung saan may nakahanger na mga damit. Halo halo iyon at mukhang hindi lang mga damit niya ang naroon kundi pati narin iyong mga damit na pambabae at napakapamilyar pa sa akin. Ito iyong mga binili niya sa auction! Ibig sabihin ay nandito?

Pinaghahawi ko iyon isa isa at ganoon nalang ang pagtatataka ko lalo na ang paninindig ng balahibo sa aking katawan nang may makita pa akong mga pamilyar na damit. Naging mabilis ang paghawi ko sa iilan at nakumpirmang halos nandito nga lahat ang mga designs ko roon sa iba't ibang bansa. P-Pero paano niya ito nabili eh hindi naman ito available sa Pilipinas? Mabibili mo ito sa mismong fashion show ko lalo na't doon ko rin ginagawa ang pagbebenta. A-Ano 'to South? H'wag mong sabihing naroon ka ng mga panahong iyon?

Hindi ko alam kung ba't nanunubig ang aking mga mata kakatingin sa mga damit na sa pagkakaalam ko ay may pinakamahal na na presyo at ito palagi ang nasosold-out. Sa pagkakaalam ko, puro mga modelo ang bumibili noon! At isa pa... napakaimposible naman ata na sa bawat fashion show ko ay naroon siya? Pero napakaimposible ring nabili niya ito rito sa Pilipinas.

Kahit anong pagtagpi-tagpi ko noong sitwasyon ay palagi akong nahuhulog sa isang konklusyon. Sinusundan niya ako palagi sa bawat fashion show ko sa iba't ibang bansa at binibili iyong mga design kong may pinakamahal na presyo.

Ilang sigundo akong natanga roon. Nanlalabo pa ang aking paningin kakaisip ng pwedeng dahilan para umalis na sa lugar na ito. Kagabi, wala akong maalalang paliwanag niya tungkol kay Frances. Basta basta niya nalang akong ikinama sa bahay na ito dahil lang pinagbibintangan ko siyang ikinama niya ang babae niya. Pag naiisip ko iyong litrato nilang dalawa ni Frances, nabubura agad ang kagustuhan kong manatili nalang sa kanyang tabi.

H O O K E D (NGS #1)Where stories live. Discover now