Chapter 3: First encounter

14 1 0
                                    

"Ummm. Natatakpan kasi yung muka mo ng buhok mo. Naiirita kasi ako pag ganon sorry" Literal na nagulat ako ng magsalita sya. Nakalimutan ko na nga ang ginawa nya eh.

"Ay nukaba, keri lang." Napakunot noo sya na hindi ko alam kung bakit.

"Keri?" Seriously? Bakit parang galing ibang planeta itong si Sean.

"Keri. Keribels? Parang okay lang???" Tumango tango sya na parang sobrang laki ng bagong kaalaman na nalaman nya.

"Wala ka bang alam sa mundo?" Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko kasi namalayan na baka nakaka-offend ang sinabi ko.

Tumawa sya ng mahina.

"Meron naman. Medyo di lang updated" natawa na lang ako. May mga tao pa pala na ganito ka inosente.

Ngayon ko lang din napagtanto na ang tangos pala ng ilong nya. Meron syang mapupungay na mata na bumagay naman sa kanya. Overall, pogi sya. Pero mas pogi pa rin talaga si Kuya Jeff eh.

"Pero bat nga ba absent ka ng 1 month?" Di ko na napigilang tanungin dahil curious talaga ako kanina pa.

"Naconfine kasi ako" mahina nyang sagot. Di na ko nag-follow up question dahil feel ko rin naman na ayaw nyang pagusapan.

Pero bat naconfine sya?

May sakit kaya sya?

Silly me, malamang meron.

Lumipas ang araw ko sa school na walang masyadong ganap.

Siguro ang okay lang na nangyari sakin ay nakilala ko si Sean. Buong maghapon din na kami ang magkasama. Nag-getting to know each other kami. Meron din pala itong itinatagong kagaguhan. Akala ko ay napakabait. Sukat ba naman itakbo ang sapatos ko bigla.

"Huy walanghiya ka! Akin na nga yan" tumawa sya ng malakas dahilan upang madraw ang atensyon sa amin ng iba.

"Kunin mo aba!" At itinaas nya ang kamay nya na hawak ang sapatos ko.

"Paepal ka! Hindi ko abot aaaaah!" Kaya napilitan akong suntukin ang tyan nya ng medyo malakas kaya na nabitawan nya rin ito. Nakahawak sya sa tyan nya. Nung una akala ko ay nasaktan sya yun pala ay tumatawa lang.

Psh. Parang nagsisi ako na kinaibigan ko sya.

Wait, kaibigan na ba kami?

"Ay ganyan ka pala ha. Feeling close!" Okay naman sakin na ganto na ang pakikitungo nya. Inaasar ko lang din talaga sya. Siguro ay mas awkward kung magkasama kami tas di man lang kami makatawa.

"Grabe parang sinabi mo namang ayaw mong makipagkaibigan sakin" Well, feeling ko nga sobrang tagal na namin magkakilala eh. Kasi biruin mo ngayon lang kami nagkakilala tapos halos ata ng kadugyutan ko alam nya. At mas dugyot pala sya.

Nagulat ako ng bigla nyang inamoy ang kamay nya at kunyaring naasiman dito.

"Kadiri! Asim pala ng paa mo!" Ang lakas pa ng pagkakasabi nya. Kaya naman ginantihan ko sya.

"Ano??? Natatae ka?" Mas malakas na banggit ko habang naglalakad kami, meron pa ngang dalawang magkaibigan na natawa ng marinig ang sinabi ko.

"Ha? Gusto mong tumae? Kadiri ka naman Phoebe!" Mas malakas na boses na ang pinakawalan nya ngayon. Hinampas hampas ko sya sa braso para tumigil na sya.

"Tama na nga! Ang ingay natin"

"Uy oh. Tusok tusok! Tara bili tayo" Aya nya sa'kin at hinila na nga ako ng tuluyan sa may nagtitinda ng isaw, fishball, calamares at iba pa.

My bestfriend's KuyaWhere stories live. Discover now