I was startled for a second. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para lumapit sa akin lalo at halikan ako sa aking labi. Humalo na sa kinakain kong matamis ang matamis niyang halik na ikinalaglag ng talukap ng aking mga mata para pumikit ako.

The kiss lasted for a minute. Hinihingal akong humiwalay at nahihiyang nakipagtitigan sa mga mata niyang namumungay. Kagat kagat niya na ang pang-ibabang labi habang nakatingin parin sa aking labi na nakaawang ng kaonti.

Akma niyang ilalapit muli sa akin ang kanyang labi nang may biglang nagdoorbell kaya kapwa kami natigilan. Nasira ang ekspresyon ng kanyang mukha at matalim na ang tingin roon sa may pinto niya. Na kung sino man iyon ay malalagot talaga.

"Ako na ang magbubukas," ibinaba ko ang aking mga hita sa kanya at tumayo ng tuwid. Pumakawala siya ng malalim na hininga at humilig roon sa likod ng sofa. Naitukod niya pa ang kamao niya sa gilid ng kanyang ulo at tila galit na.

Mabilis akong nagtungo roon at binuksan iyon. Bumungad muli sa akin ang mukha ng babaeng pangalawang beses na akong nadatnan rito. Ang matamis niyang ngiti ay dahan dahang naglaho at nalaglag ang tingin sa lace noong puting damit ko. Nang tiningnan ko iyon ay nakasabit nalang pala iyon sa braso ko. Ngumiti ako at agaran iyong inayos.

"Pasensya na. Si South kasi masyadong malikot ang kamay," malambing kong sabi at mas ngumiti na ikinatalim ng kanyang tingin sa akin.

"Ba't kana naman ba nandito?" tanong niya at nagawa pang silipin ang loob. Nilingon ko si South sa may sofa na walang balak tumayo at mukhang naiinip pa roon.

Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ay may pagkadisgusto na ang mga matang nakatingin sa suot kong indoor slipper. Galit na galit na ang mukha niya sa kabila ng pagiging kalmado nito sa aking harapan dala dala ang isang pagkain na hindi ko na pinuna pa.

"Idineritso kasi ako ni South rito dahil nagsimba kami kanina," paliwanag ko na nagpalala lang ng ekspresyon niya. Nalaglag pa ang aking tingin sa cleavage niyang litaw na litaw dahil sa pulang dress niyang laces lang rin ang kumakapit sa may balikat. Hinawi niya ang nakalugay na buhok paatras at hindi na maibalik sa dati ang nagkakasalubong na kilay.

"Tell him I'm here." utos niya sa matigas na boses lalo na't nakaharang rin ako ng buo sa pintong hindi ko binuksan ng malaki.

Nilingon ko si South, "Nandito si Frances..." sabi ko sa kalmadong boses.

"Tell her to leave and close the door. Bumalik kana dito," sabi lang ni South at hindi na nagawang lumingon pa.

"Alis kana daw," sabi ko agad nang nilingon ko itong muli.

Ang galit ay umabot na ata sa tuktok ng kanyang ulo lalo na't kumukuyom narin ang kanyang mga kamay.

"Hindi ka talaga nadadala sa pagbabanta ko... pwes humanda ka," saka ito tumalikod at kulang nalang ay ipadyak ang mga paa. Nagkibit nalang ako ng balikat at isinara iyon. Ano namang gagawin niya? Mas malala pa nga iyong nangyari noon. At isa pa, ang sabi sa akin ni South ay hindi naman sila kaya hindi ko rin mapunto iyang ikinakagalit niya.

Madalas nang nagiging clingy sa akin si South. Lalo na sa Site na kahit ang kanyang mga tauhan ay tumitikhim nalang at nagkakatinginan na habang ngumingisi. Nakokontento ako sa nangyayari sa amin araw araw. Gusto ko, pag-uwi rin nila Mommy at Daddy ay aaminin ko na sa kanilang nagkikita ulit kami ni South at nakapagpasya na ako. I want him. Gusto kong nasa tabi ko siya habang buhay. Na pag okay na ang mga pamilya namin ay lalagyan ko na ito ng label at handa ako kung humantong man ito sa kasalan o ano. I know he loves me... at ganoon narin ako sa kanya.

"Saya saya natin ah?" Umupo si Heluisse sa aking tabi nang madatnan niya ako rito sa sala ng aming bahay at gumuguhit ng panibagong designs.

Umupo siya sa aking tabi at sinilip ang aking gawa.

H O O K E D (NGS #1)Where stories live. Discover now