Nakaset na lahat ng plans para sa gaganaping reunion party ng batch nila. Buti nalang at nakicooperate naman ang mga classmates niya sa gc noong sabihin niyang nagbabalak sila magpa mini reunion ni Celrose, pag uwi niya.
Everyones excited. Yung iba bida bida pa din dahil inako yung gastusin.
Highschool Barkadahan 🔵 active now
Jaypee: dito nalang samin yung venue, malawak naman dito at sagot ko na alak! Hehehe
Same old Jaypee!
Kim: hoy bes, baka magalit si Dorennie pag diyan. Syempre baka kung anong oras tayo abutin, makakaistorbo pa tayo knowing na buntis yang asawa mo.
Celrose: tama ka khambs, at kailangan natin ng mas malawak na space to accomodate all of us, lets say 50 diba..
Krystal: pwede natin ipagpaalam yung court here sa centro, pwede kong kausapin si tito boy (abunda) hehhe
Jaypee: kayo bahala. Nag suggest lang naman ako.
Kim: baka magtampo ka naman jan, basta ikaw na bahala sa alak. Make sure na babaha 😂
Lai: how about yung sounds? Speakers and lights?
Cyril: May kilala akong nagseset up. Ako na bahala. And pwede din akong mag DJ, tugstugstugs!
Kim: yown! Nice one Cy.
Lai: ako na bahala sa decoration, I need some help nga lang.
Mecy: volunteer here ✋
Pau: count me in bezt.
Myra: me too 👐
Lai: sureeee thinggg! Lezz do it!
Celrose: sa food syempre hahhaha wag natin kakalimutan!
Ohhh khambs hindi ka makakalimutan, este yung food natin
Pau: ambagan nalang para hindi naman mabigat para sa isa or dalawa. Lahat aambag. Or anyone na gusto mag donate jan!
Kim: good idea Pau. Ikaw na din magcollect. Siguro minimum is 300?
Edsel: mahal naman! Bente lang ako 😂
Kuripot ka pa din! Di ka na nagbago!
Alfred: tama ka jan Biboy. Pag 300 tas may willing pang magdonate ng mas malaki baka masayang kung puro sa foods lang or lets say para sa ibang gagastusin.
Is pa to! Kuripot na sadista pa!
Celrose: hindi naman hotdog at kwekwek ihahanda natin eh. Lets prepare something na tingin palang busog ka na. And lets have a dessert ofcourse!
Kim: ganto nalang. Kapag napag usapan na natin yung food na ihahanda at nakwenta na natin yung pera at may sumobra pa. Why not idonate nalang natin for our alma mater school beautification, para hindi lang reunion ito, for a cause din. Tingin niyo?
Alfred: hmmmmn
Nag isip pa ang loko!
Lai: pwede! Magandang idea din. 500 ako.
Gerald: 1000 ako. Para sa donation.
Woaaah
Roy: 500
Ken: 300. Gipit guys! Mahal gatas ni baby! Hahaha
Shocks may anak na to si Ken?
Kim: omg Ken! May anak na kayo ni Barbie?
Ken: hahhaa joke lang Kim. Break na kami nun, nakay Marlon na yun 😉
Benita: 500 ako, excited na ako!
Lyndon: 300 pang alak 😂
Leah: 500 ako guys.
Kim: okay guys. Lapag niyo lang mga contributions and donations dito and guys si Paulynne magcocollect ha. Kindly message her nalang pano mode of payment niyo.
Darryl: wala tayong tshirt printing para sa batch? Suggest lang.
Jessa: oo nga. Para uniform naman tayo sa reunion.
Celrose: yun, muntik makalimutan. So paano? Kanya kanya pa print? Pero same color and logo or isang print nalang?
Edsel: pagastos ng pagastos ah. Di ba maccover sa 300 na contibution?
Myra: ikaw talaga bughok ang kuripot mo, isang beses lang to sa isang decada ayaw mo pa gumastos.
Pau: Tshirt nalang sa inyo, kapatid ni Ram yung may Tshirt printing so baka pwede ko siya kausapin and kung may babayaran less nalang sa donation. Okay na yun biboy?
Edsel: sige 300 ako. 😂
Teodie: 1000 ako all in 💪
Kim: Yes naman! Meron pa? Yung ibang hindi online ngayon pakisabi naman sa kanila about sa napagkasunduan dito kung sino yung wala pakiadd nalang dito sa GC.
Kung may concern, feel free lang na imessage ako, or si Celrose or leave nalang kayo ng message dito sa group.
Seen by 30 people of the group
Napangiti ako sa resulta ng pagpaplano kaya naman naexcite na din ako sa kung anong mangyayare sa mismong araw ng party.
Khambs Celrose 🔵 active now
Kim: should we invite our teachers?
Celrose: pwede, gawa pala tayo ng invitation letter para maipamigay. Yung malalayo thru email nalang. Para di hassle. Atleast they are officially invited nasa gc man sila o wala.
Kim: oo ganun nalang. Ako na bahala sa invitations.
And also pa games. Sino kaya tingin mo iencharge natin para sa games?
Celrose: Myra? And Alfred? What do you think?
Kim: oo nga pala pwede sila! Shocks kinikilig ako sa kanilaaa ❤
Celrose: tho I heard my jowa na si Myra same din kay Alfred.
Kim: ohhh? Di ko alam yun ah! Anyway basta sila na bahala sa games. Message ko na right away
Myra Temporaza 🔵 active now
Kim: hey My!
Myra: oi Kim. Anything?
Kim: ikaw na bahala sa games? I know kaya mo yun! PE major!?
Myra: hehehe nakakahiya!
Kim: tayo tayo lang naman to, if you want suggestions for the gams dito naman kami ni Celrose to guide you and your partner will be none othe that Jan Alfred! Tho di ko pa siya nasabihan hehhe
Myra: sheeemay! Si Jonas pa talaga! Pero sige, I'll see what I can do.
Kim: Thanks My! You the best! 💪
Seen 1:035
Jan Alfred Talunay 🔵active 5 mins ago
Kim: Hi fred! Kayong dalawa ni Myra yung in charge sa games sa darating na reunion.
I dont take no for an answer Fred so thank you very much 💪pawer! 😉
Khambs Celrose 🔵 active now
Kim: mission complete.
Pagkatapos ko silang kausapin, agad ko ng sinimulan gumawa ng invitation letter para maisend ko na right away. I was so hype up na parang gusto ko na tumalon yung oras para bukas reunion party na agad kahit na may 5 days pa bago yung uwi ko.
Nang matapos kong gawin yung invitation letter at naisend na sa lahat para akong drain na drain. Kaya nahiga na ako at unti unting pinikit ang mata para makapagpahinga.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The REUNION! (Batch 2012)
Genel KurguSa paglipas ng taon, samahan ba nila'y mananatili o katulad din ng panahon na matuling lumipas ay makakalimutan na nila ang pinagsamahang binuo noong highschool pa lamang sila.
