CHAPTER 6

285 11 4
                                    

***

Di parin mapigilang mapaluha ni Avy kahit na ilang besis na nyang nakitang kahalikan nito ang babae ni kent sa loob ng pamamahay nila. At kung utusan sya nito sa harap ng babae ay parang katalong lang sya nito.

"Hija ako na!" Naaawang sabi aling matelda kay avy. Agad namang pinunasan ni Avy yung mga luha niya.

"Di wag na po aling matelda ako ang inutusan ni Kent na magdala nito sa kanila baka magalit na naman po yun sa akin." Inilagay na ni Avy yung juice at cake sa tray. Natigilan naman siya ng hawakan ni Aling matelda yung kamay niya.

"Hija Sorry ah!" Awang-awang sabi ni Aling matelda. "Ako na ang humihingi ng kapatawaran sa ginagawa ng alaga ko sayo."

Hinawakan rin ni Avy ang kamay ni Aling matelda. " Di niyo po kailangan na humingi ng tawad Aling matelda, kasalanan ko naman po kung bakit naging ganyan si Kent. Kung ito po ang paraan niya upang gantihan ako tatanggapin ko po." Napaluha na sabi ni Avy.

"Pero hija kahit ano man ang kasalanan mo sa kanya hindi kailan man magiging tama ang ginagawa ni Kent sayo ngayon. "

" Di ko naman po masisisi si Kent kung bakit ginagawa niya sa akin 'to. Nakakatawa po ano, nagawa ko ngang gawing lalaki si Kent pero sumubra naman." Natatawang sabi ni Avy habang umiiyak.

"Hija!" Niyakap nalang ni Aling matelda si Avy.

***

"Iniwan mo lang ako sa Canada ng walang paalam tapos makikita kita dito nang ganyan. Kundi dahil kay mekay di ko pa malalamang umuwi ka dito sa pilipinas. " Agad pinunasan ni Avy ang kanyang mga luha ng may biglang nagsalita mula sa kanyang likuran. Sa may play ground kasi ng school niya na piling maghintay sa kanyang anak. Mas pinili niyang maghintay sa school dahil baka umuwi si Kent ng maaga na dala-dala ang babae nito sa pamamahay nila.

"Drake?" Laking gulat ni Avy ng makilala ang taong nagsalita. "Drake! Ikaw nga!" Kaagad niya niyakap ito ng mahigpit. At niyakap rin siya ni drake ng mahikpit pagkatapos tinignan ni Drake ang kanyang mga mata.

"Hoy ba't ka ganyan makatingin? Napuwing lang ako." Ngumiti ng mapait si Avy kay drake at umiwas kaagad sa mga titig ni Drake at umupo. "Alam mo matutuwa yung inaanak mo dahil nandito ka." Pagtingin niya kay drake nakatayo parin ito at seryosong naka titig sa kanya ng may pagtatanong. "Do you mind to seat down?" Tanong ni Avy kay drake. Tumabi nalang si Drake kay Avy. " kumusta? Ay tika ba't ka pala napa rito sa pilipinas, dikdik taba? " Pabirong sabi ni Avy.

Loving My Gay Turn to be A Monster HusbandWhere stories live. Discover now