chaptertwo

21 3 6
                                    

CHAPTER TWO - TWICE

"In which the boys finally meet TWICE."

~•~

MINRARD'S POV

"Minrarddd~ sige naaa tabi tayo matuloggg!"

"Ano ba?! May pupuntahan ako ngayon at baka di rin ako matutulog dito ngayon!"

"Maglalayas ka na, Minrard?! Kuya please nooo di ko kakayaninnn!"

"MGA EWAN PWE!"

Iniwan ko na si liit at elyen, lumabas na ako ng bahay at pumasok sa kotse ko.

Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kay Yama Kurosawa, parang may tumatulak sakin na alamin kung sino ang nasa likod nito. Parang hindi ko pagsisisihan kapag sinubukan ko?

Kaya ito na...

Aalamin ko talaga kung sino pumatay kay Mr. Kurosawa.

Gagawin ko ang lahat, malaman lang kung sino. Hindi ako mapakali kada-minutong lumilipas na hindi ko alam kung sino ang murderer.

Papaandarin ko na sana ang kotse pero narinig kong ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa likod kaya agad ko itong tinignan.

Si Namjulius.

"And what are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Obvious ba? I'm going to help you. Gusto kong mabigyan ng hustisiya si Tito." Sagot niya, tinanguan ko nalang. Matalino naman at magaling si Namjulius kaya matutulungan niya ako.

I started the car at nagsimula ako mag-drive. Tahimik lang ang biyahe kaya hindi ako komportable doon, ako ang bumasag ng katahimikan.

"So, balita tungkol kay Akira?"

"Wala parin, I can't contact her. Maybe she left her phone somehwere or her battery drained." He answered.
"What's your plan, Minrard?"

Napahinga ako ng malalim. "Pupunta tayo sa condo nina Yama, kailangan ko makausap ang guwardiya na in-duty nung gabing iyon."

"Sana hindi tayo mapahamak." Ngumiti nalang ako kahit hindi niya makikita iyon kasi nasa likod siya.

Naghari ulit ang katahimikan hanggang sa makadating kami sa condominium na pagmamay-ari ng mga Kurosawa, dito rin minsan nagpapalipas ng gabi si Yama.

Inayos ko muna ang suot kong face mask at pumasok sa lobby, nakasunod sakin si Namjulius kaya binabagalan ko lakad ko.

"Hello. I'm looking for Mr. Roberto Quintos?" Tinanong ko ang guwardiya na nagbabantay sa loob, siya yata ang Head.

"Si Robby? Ah. Nasa basement two siya ngayon, baba nalang kayo." Nakangiting sagot nung guwardiya, tinanguan ko lang siya at sinenyasan si Namjulius na pumunta sa elevator.

Habang naglalakad kami, nagsalita si Namjulius. "Bakit may feeling akong may masamang mangyayari ngayon?"

"Yeah." I looked at him. "Parang may mali, kinakabahan ako."

Pinindot ko ang down button at agad naman bumukas ang elevator, pumasok kami at pinindot ang B2.

Nung nakaabot na kami sa B1 ay nakarinig kami ng putok ng baril, at isang malakas na sigaw.

"Sinasabi ko na nga ba eh!" Mabilis na papunta si Namjulius sa mga buttons at paulit-ulit na pinindot ang B2. "Bakit ang bagal ng elevator nila?! Kung gaano kasosyal ang condo, ganito kabagal ang elevator!" Pagrereklamo niya pa.

Nung bumukas na ang elevator dahil nasa B2 na kami, tumakbo kami palabas pero napatigil kami dahil sa gulat.

Ang laki ng B2.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOU ONLY LIVE TWICE » bangtwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon