Chapter 10

1K 27 3
                                    


"Are you fooling us Anny?" Pabiro akong inirapan ni Sofia, grabe umabot sa ilong ko ang amoy alak niyang hininga. Hindi ako nakapagsalita pagkatapos nabasa ni Hazel ang text message ni Kugimiya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa ilang araw akong naghintay, nagtext na siya o matatakot dahil sa mga tanong ng mga kaibigan ko.




"Come on baby girl, we spilled all our secrets and hinanaings. It's your turn now." Hazel, in a calm voice, said.




Kinagat ko ang ibabang labi ko, hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Pressured pa ako dahil sa matatalas nilang tingin sa akin. Like, paano ko nga sisimulan? I'm still confuse with my feelings or talagang in denial lang ako?




"Uh... actually.." Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso. "Na..naaksidente siya two days ago."




Halatang gulat silang tatlo. "Oh my god! Anong nangyari ba sa baby mo?" Sofia, the drunk girl, asked.




"Hindi ko pa alam ang buong detalye Sof. Nga..ngayon lang siya nag-reach out since the accident. I don't even know how he is right now." Tanging paliwanag ko.




"And you look really concern huh? May something nga?" Binigyan niya ako nang mapantuksong ngiti.




"H.. Huh? Wala ha.." Napainom ako ng alak. Shit! Wala akong planong magpakalasing ngayong gabi.




"Eh, halatang kinakabahan ka e. Diba Amaya pansin mo rin ba?" Dinagdagan pa ni Hazel. Yung feeling na pinagtutulongan nila ako, tapos tumatango-tango pa itong si Amaya.




"Walang magsisinungaling.." Parinig ni Sofia sa akin sabay inom sa alak na maarte niyang hinahawakan.




Napabuntong-hininga nalang ako. "Wala ngang something.. I mean.. I don't know. Hindi ko rin alam, nalilito ako.. nalilito ako sa sarili ko." I cupped my face trying to hide the embarrassment.




She removed my hands and faced me. "It's because you like him. Simple Anny. You like him."




"I don't know.." Matamlay kong sagot.




"Gusto mo nga siya. Wag ka nang magsinungaling sa sarili mo Anny. Nahahalata nga namin, ikaw pa kaya? Oh gosh, that papi.. does he treat you good?"




"Minsan,"




"Liar, sabihin mo Oo. Diba, hindi niya naman girlfriend yung nakita natin sa restaurant. Yung, Davika ba yon? Naku sarap umpogin ng ulo nun." Lasing na nga itong si Sofia.




"Stop it Sof!" Saway ko sa kanya, kung anu-ano nalang lumalabas sa bunganga niya. "Yes cousin, as he said." Dagdag ko.




Maarte niyang pinunasan ang noo niya. "End of the conversation, you like each other." She slammed her hand against the table like it was literally the end of our conversation.




Nabilaukan ako sa sariling laway.




Ngayong lang nagproseso sa utak ko na may gusto nga kami sa isa't isa.




"Kaya baby girl, wag nang magpatumpik-tumpik pa. Ako nga nagkagusto sa bad boy. Ikaw pa-"




Natigilin si Hazel nang pinanlakihan ko siya ng mga mata. Aba't! Ang lakas na nang loob niyang sabihing na-inlove nga siya sa bad boy slash flirty kong brother.




"Sorry, uh," Hazel took a shot and avoided my eyes.




"So ikaw, nagpapakipot pa kahit maypa i miss you i miss you baby na siya? Tama ba?"




My Student, My LoverWhere stories live. Discover now