CHAPTER 6

1.4K 29 4
                                    

~UNIQUE'S POV~

"Mag empake ka mamaya sasama ka sa akin sa Palawan. One of my investor is staying in Palawan. At para ma close ko ang deal I need to go there and I usually bring my secretary with me" seryoso niyang sabi.

"Ok sir" tanging sagot ko sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kasalukuyan akong nag eempake ngayon .
"Ate san ka pupunta? Iiwan mo na ba ako? Ayaw mo na ba akong kasama?" Pagdadrama ni Eunice sa tabi ko.

"Alam mo ang OA mo. May business trip lang si boss at isasama niya ako. Bunso makakapunta na ako ng Palawan" ngumuso siya.

"Ate sama ako!" Malungkot niyang saad.
Haysst naawa naman ako sa kapatid ko.Hindi pa kami ni minsan pumunta sa ibang lugar para  mamasyal o kung ano paman.

"Nice alam mo naman na trabaho ang pupuntahan namin dun diba? Atsaka may pasok ka bukas. Hayaan mo sa susunod pag may ipon na si ate pupunta tayo ng Palawan tayong dalawa pero sa ngayon 'wag muna, naiintindihan mo naman diba?" Paliwanag ko sa kanya

Tumango naman siya. Alam kong naiintindihan ni Eunice ang kalagayan namin ngayon hindi kami mayaman para magliwaliw kahit saan at kung kailan namin gusto.

"Imbitahan mo si Missy dito. Mag sleep over kayo dito,heto" sabay abot ko ng isang libo.

"Panggastos mo habang wala ako. Siguro naman ilang araw lang kami dun, kasya na yan." Dagdag ko pa.

"Ate ang laki nito" ibabalik niya pa sana niya ang pera.

"Sige na may permanente na akong trabaho kaya ayos lang" ningitian ko siya.

"Yey! thanks ate" sabay yakap niya sakin.

Nandito kami ngayon ni Knight nakasakay sa private plane niya.
Abala parin siya sa pagbabasa ng kung ano-anong kinalaman sa kompanya. Kanina pa siya ganyan. Siguro kung ako nasa posisyon niya kanina ko pa yan tinulugan.
Nakakaantok kaya magbasa tungkol sa business.
Nakinig nalang ako ng music dahil wala akong magawa.

~Sir I'm a bit nervous 'bout being here today .
Still not really sure what I'm going to say .
So bare with me please if I take up too much of your time.
You see in this box is a ring for your oldest .
She's my everything ~

Sinabayan ko ang kanta pero mahina ang boses ko kasi baka maistorbo ko siya sa ginagawa niya. Pumikit ako para mas dama ko ang kanta. Kinikilig ako, parang ako yung kinakantahan nung singer.

~ I'm gonna marry your daughter and make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life and give her the best of me till the day that I die.
I'm gonna marry your princess and make her my queen she'll be the most beautiful bride I've ever seen I can't wait to smile as she walks down the aisle on the arm of her father on the day that I marry your daughter~

Napangiti ako dahil sa kanta. How I wish na sana dumating ang panahon na may lalaking kakantahan ako ng Marry your daughter. Sana...

Naramdaman kong may pares ng mata na nakatingin sa akin kaya napamulat ako.

"Naistorbo ba kita? Sorry." Hingi ko ng paumanhin kay knight.

"Hindi naman "sagot niya tapos bumalik sa binabasa niya.

"Sigurado ka?" Pangungulit ko sa kanya.

Tumango siya kaya hindi ko na siya kinulit pa.
Nakinig nalang ulit ako ng music hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

Nakababa na kami ni Sir sa kotse.
Pagkababa namin kanina sa plane may agad dumating na sasakyan.
Iba talaga 'pag mayaman.
Hayy. Mag-che-check in kami sa isang resort dito sa Palawan.
Maraming tao,siguro dahil sa malapit ng magbakasyon at ang iba ay nauna ng nagbakasyon. Lalong lalo na yung mga mayayaman na nag-aaral sa mga universities.
Lumapit kami ni Sir Knight sa front desk.
Nang nakalapit na kami doon napansin kong panay ang pacute nung babaeng nasa front desk. Ang sarap balian ng leeg ehh. Tssk.
Ang hot din naman kasi ng inosente kong boss sa suot nitong black floral polo at white shorts na nakatupi pa na mas nakadagdag sa sexiness ni Knight.
May suot pa itong mamahaling eye glasses .

"Two bedrooms please."tipid na saad ni Knight na parang nag order lang ito ng pagkain sa Restaurant. Mabuti naman at umayos na ang babae at ginawa na ang trabaho niya.

"I'm sorry  Sir but we only have one bedroom."sabi nung babae..

"Unique ok lang ba sayo? Kung ayaw mo sa ibang hotel nalang tayo mag check-in tapos puntahan nalang natin ang investor dito everyday hanggang ma clise natin ang deal." saad ni Knight.

"Ok lang po sakin. Kung ok lang po sa inyo"magagawa ko ang misyon ko sa sitwasyon namin Knight.
Bakit ba parang umaayon sakin ang tadhana.

Kinuha na Knight ang keycard ng tutuluyan naming room.

Kinuha ng dalawang lalaking hotel staff ang mga gamit namin para dalhin sa room namin.
Nang makapasok na kami sa kwarto namin umalis narin yung dalawang lalaki pagkatapos bigyan ni Knight na hindi ko alam kung magkano.
Its already 5 pm na pala.
Agad akong humiga sa kama at unti-unti akong binalot ng antok.

Nagising ako bandang 10 pm.
Gutom na gutom na ako.
Lalabas na sana ako para hanapin si Knight ng makita ko siya sa mini bar counter ng room na umiinom .
Lumapit ako sa kanya at dahil nakatalikod siya hindi niya agad ako napansin.
Naramdaman kong nagulat siya dahil sa ginawa ko.

"Gutom na ako" paglalambing ko sa kanya na para bang hindi ko siya boss.

"May pagkain sa kitchen.Dinalhan na kita kanina kasi ayaw ko namang gisingin ka sobrang himbing ng tulog mo eh." Napakamot pa siya ng ulo pagkatapos niyang sabihin yon.

"Thanks." pumunta na ako sa kitchen para kumain.
Pagkatapos kong kumain itinapon ko na ang disposable na nilagyan nung pagkain pagkatapos bumalik ako doon sa mini bar. Tumabi ako kay Knight,umupo ako sa isa sa mga stool doon at mas lumapit sa kanya. Hindi parin siya tumitingin sa akin. Habang ako nakatitig parin sa kanya.

Ang gwapo niya pala talaga lalo na pag tinitigan mo ng malapitan.Ang tangos ng ilong.Manipis at pinkish na lips.Mapupungay na mga mata. Gustong-gusto ko ang mahaba at kulot niyang pilikmata.At meron pala talaga siyang dimples.Ang swerte naman ng Joel(Jewel) na yun kay Knight pero hindi magtatagal hindi na magiging kanya si Knight.*smirk*

"Here"sabay abot ni Sir ng isang wine glass na may lamang red wine.

Inabot ko naman yun at ningitian siya.

"Thanks" tipid kong sagot.

Nang malasahan ko na ang wine halata sa lasa nito na sobrang mahal nito.
Ilang sandali pa hindi namin inaasahan.Naubos na namin ang wine.Medyo nahihilo narin ako. Mataas naman ang tolerance ko sa alcohol ahh.Baka naman malakas ang tama ng wine na yun.May ganun ba?Aissh nako.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero narinig kong napasinghap si Knight.........

A/N:ABOUT DUN SA PANGALAN NG FIANCEE NI KNIGHT.JEWEL TALAGA YUN PERO ANG AKALA NI UNIQUE  AY JOEL YUNG PAGKAKASABI NI ALFRED.SO AYUN.HOPE YOU ENJOY.
FEEDBACKS IS VERY MUCH APPRECIATED.

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon