Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise

ابدأ من البداية
                                    

Paglabas ko ng bahay ay inilagay ko iyon sa basket sa harap ng bisikleta at sumakay roon at tuluyan nang lumabas ng gate na gawa sa kahoy.

Simple lang ang buhay namin gaya ng pamumuhay ng mga tao sa lugar namin. Dinama ko ang malamig na hangin na umiihip sa buhok ko at ngumiti sa magandang araw.

"Magandang umaga, Hapon!" Bati ni Mang Bert.

"Magandang umaga po!" Huminto ako at kumuha ng isang dyaryo saka iyon iniabot kay Mang Bert sa pagitan ng bakod.

"Mukhang may lakad tayo, ah?" Nakangiti niyang iniabot ang barya na bayad para sa dyaryo na agad kong ibinulsa.

"Oho, job hunting. Tuloy na ho ako." Saka ako sumaludo kay Mang Bert.

"Pagbutihan mo lang. Aasenso ka rin."

"Salamat ho."

Muli na akong sumakay sa bisikleta at nagpatuloy sa pagrarasyon ng dyaryo. Sayang din ang kikitain ko rito kaya naman bago ako tumuloy sa paghahanap ng trabaho ay napagpasyahan kong hindi lumiban sa pagbebenta ng dyaryo.

"Good morning, stupid kid."

"Good morning, grumpy old lady." Nakangiting ganting-bati ko kay Mrs. Cruz saka ko inabot ang dyaryo sa kanya.

Halos lahat ng kapitbahay namin ay ilag kay Mrs. Cruz dahil na rin sa kasungitan niya. Retired teacher siya at kinatatakutan ng mga estudyante sa elementary noong mga panahong nagtuturo pa siya, kasama na ako roon, dahil masyado siyang istrikto. At matandang dalaga.

Pero ang hindi alam ng lahat ay mabait naman talaga si Mrs. Cruz. Sa totoo lang ay ako lagi ang tinatawagan niya kapag may kailangang kumpunihin sa bahay niya. Syempre, may bayad iyon.

"Goodluck." Walang emosyong sabi niya na nakapagpangiti sa akin. Mukhang alam na niya kung ano ang lakad ko ngayong araw.

"Salamat, Ma'am." Nakangiting sagot ko saka ako nagdrive palayo.

Halos lahat ng madaanan ko ay bumati sa akin na walang sawa kong sinusuklian ng ngiti. Hindi na iyon nakapagtataka dahil lahat ng tao sa lugar namin ay kakilala ko. At napag-serbisyuhan ko na, tulad ng pag-aayos ng tubo, paglilinis ng alulod ng bubong, pagbabantay sa mga bata nilang anak, pag-aayos ng damo sa bakuran at marami pang iba.

Lahat ng maaaring pagkakitaan ay hindi ko pinalalagpas at natutuwa ako na ako ang lagi nilang tinatawag kapag may kinailangan sila. Maliit man ang halagang natatanggap ko ay nakakatulong din iyon sa amin ng pamilya ko kapag pinagsama-sama ko ang kita.

Nang makarating ako sa kabayanan ay ubos na ang dyaryo.

Huminga ako nang malalim at umusal ng maikli at taimtim na dasal bago ako pumasok sa bawat establishment na may nakapaskil na "hiring."

Kinailangan kong magtipid para makapagpa-print ng resume kaya sana naman ay may maganda nang kalabasan ang paghahanap ko ng trabaho. Mabuti na lang ay kaibigan ko ang shop attendant na si Marie, binigyan niya ako ng discount sa pagprint ng resume.

Nang sumapit ang tanghali ay dalawang resume na lang ang natira sa bitbit kong brown envelop. Ang tanging natatanggap kong sagot sa bawat building at shop na pinasahan ko ng resume ay "tatawagan ka na lang namin" o kaya ay "sige, iaabot ko sa manager namin." Na ang tangi kong naisusukli ay pilit na ngiti.

Gustuhin ko mang mawalan ng pag-asa ay hindi maaari. Hindi ko pwedeng pabayaan ang pamilya ko, lalo na ngayong nag-aaral ang mga kapatid ko at nagsisimula nang lumaki ang gastos nila kahit nasa ikalawang baitang pa lang sila sa elementarya. Sabi nga ni Mama, "Laban lang!"

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن