"dito sa Kasuluk-sulukan,Kadulu-duluhan at Kadilim-diliman hahaha" sabi niya ng tumatawa pa.

"Pweee ang korni mo din naman honey, may pa KKK ka pa dyan sige. I'm comi---"

Tugsh*******

araaay---

hindi ko na natuloy yung sinabi ko kay Mark dahil natisod ako or should I say tinisod ako? nagtawanan naman yung dalawang babae na nasa gilid ko. Sila Kate to at ang kanyang alipore, pero siyempre hindi nga nila ako nakikilala. DAHIL MADILIM.

ang sakit ng tuhod ko, magkakapasa yata umalis na ako agad dahil tumalsik yung phone ko hindi ko alam kung saan. gumapang ako na parang baliw at nagkakakapa doon, nasan na ba ang phone ko?

-___________________________________________________-

Ang malas ko na naman ngayon nakakinis naman eh, asaaaaaar.

may nakita akong kamay na nagaabot sa phone ko. Kinuha ko naman agad, at tumakbo na sa KKK na sinasabi ni Mark, hindi ma lang ako nakapag pasalamat dun sa lalaki. Oo lalaki nakita ko sa figure ng body niya kanina. Kaso hindi ko nakita yung muka, KASI NGA MADILIM. Naluluha na naman ako, nagiging iyakin na ata ako ah.

"Ang tagal mo naman babe ano bang ginawa mo?" tanong ni Mark.

"sige nga ikaw tatanungin ko, pag nagpunta ka ng CR anong ginagawa mo?" tanong ko naman sa kanya.

"hmmm umiihi, tumatae, nagsasalamin, naliligo at ano pa ba?" sagot niya naman. ay shemay ako pa ata ang pipilosopohin nito nag isip pa eh totoo naman ayun lang ginagawa dun.

"edi sinagot mo din yung sarili mong tanong!" sigaw ko naman sa kanya. napalakas kaya napatingin yung mga tao sa harapan namin.

Shhhhhhh...

"wag ka na maingay nagsisimula na." sabi niya.

You're Weird, I Like You! (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon