Prologue

1.3K 58 26
                                    

HELP ME

Anong gagawin ko para makalimutan s'ya?

Pukpukin ng martilyo ang ulo?

Uminom ng isang galong tubig?

Tumalon sa napakataas na building na malapit sa inyo?bukod sa sahig ng bahay nyo?

amuyin ang mabahong hininga ng kaibigan mo?

isipin kung gaanong kasakit ang pambabusted ny'a sayo?

Umiyak?

Magdasal?

Libangin ang sarili?

Mahalin ang sarili at kalimutan ang kalandian?

iwasan ang mga love song's?

o humanap ng iba?

Natamaan ako dun sa sinabi ni Papa jack dun sa caller n'ya. "Namomroblema at nag seselos ka, e hindi naman kayo". YUNG LANG.

Para akong tanga na nakatulala habang inaalala ang mga matatamis at maaalat na pangyayari habang nakikinig ng kantang"Halik sa Hangin by Ebe Dancel ".

Lahat na yata ng pag iwas ko sa babaeng pinakaka hahangaan ko, e walang effect.. bumili na ako ng libro ni Ramon bautista na ang pamagat ay "Bakit hindi ka Crush ng Crush mo?". pero wala paring saysay. kahit na 3 years na ang tinagal ng paghanga ko sa kanya. Dinadaan ko nalang sa pagsusulat para makalimutan sya. Corny . pero ginagawa ko talaga yun. Pero unti unting bumabalik ang larawan nya sa isipan ko.

Nag research na ako sa google, blog, etc.. wala paring epekto.

Hindi ko alam kung bakit na publish ko to. parang wala akong lakas para mapakita na may paghanga parin ako sa kanya.kung makita man ny'a to. hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nakakalungkot

Nakapanlulumo

na Hanggang paghanga lang ako. at ang masaklap pa dun. sobrang layo n'ya.

Mabuti pa sa lotto, may pag asang manalo di tulad sayo IMPOSIBLE! BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH...... Kahit mahal kita, wala akong magagawa tanggap ko to aking sinta . PANGARAP LANG KITA blah blah blah blah blah blah :3


Dear Dream Girl (K-B-Q)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon