Chapter 4

7.4K 144 3
                                    

                    
                     Daphnie's  POV

Pinatawag kaming lahat  dahil may welcome party na magaganap dahil dumating na Ang anak nang may ari .
Pumunta kaming lahat sa kung saan gaganapin ang party  .
Pagpasok namin ay naghanap agad kami nang upuan sa kasamaang palad ay wala nang bakante sa likod ang meron nalang ay sa harap. Kaya no choice kami sa harap kami umupo .

Pagkatapos nang napakahabang speech nang emcee ay ipinakilala na rin sa wakas ang bagong may ari .Sobrang kaba ang aking naradama nang mga panahon na iyon.
"Friend, ang tagal naman nang bagong may ari excited na akong masilayan ang kapogian niya. "Saad nang kaibigan kong si Lovely habang kinikilig at may pa hampas hampas pang nalalaman sa akin .

"Tumahimik ka nga Lovely excited ka naman masyado dyan." Sagot ko kay Lovely.
Mabuti na lang at tumahimik na ito at hinihintay lang pag announce.

"Ladies and Gentlemen,please welcome our new CEO of this company   Mr. Adrian Martinez " sabi nang emcee habang halatang nag papacute kay Adrian.

Hindi ko aakalaing magkikita pa kaming muli  ni Adrian pagkatapos sa insedenting iyon sa bahay nila. Mabuti na lang at maraming mga tao ang nakapalibot sa kanya at malaya akong nakaalis sa pinagaganapan nang party.

Bahala si Batman kung anong mangyari bukas. Late, na akong nagising kinabukasan dahil matagal akong nakatulog kakaisip kung paano ko iwasan si Adrian .

Pumunta ako sa pinagtratrabahuan ko na late at nadatnan ko na lang  ang napakaraming pagkain at lahat nang mga ka trabaho ko ay nag simula nang kumain. Hinila ko si Lovely sa dulo kahit na may  dalang plato ito .

"Love, anong meron?"tanong ko sa kanya. Love short for Lovely , ang haba kasi kong Lovely.
"Friend, nagpakain si Adrian dito lahat nang employee niya nandito. Kumuha ka na don para makakain ka na rin " sabi niya sabay alis patungo sa mesa.

Wala akong nagawa kundi kumuha nang plato at pumunta sa buffet.
Saktong - sakto ang dating ko hindi pa kasi ako kumakain nang agahan.

                        Adrian's  POV

Hindi ko alam na dito pala nagtatrabaho si Daphnie  . Akalain nyo yon na araw- araw ko na pala siyang makita  . Kitang -kita ko ang mga employee ko na ganado sa pagkain.

Hindi ko pa nakita si Daphnie simula nang pumasok ako dito. Maya -maya  pa ay nakita kong hinila niya si Lovely hanggang  dulo. May pinag -usapan sila sandali at nakita kong kumuha na nang pagkain si Daphnie  .

Hindi ko alam ang nararamdaman ko pag nakita ko siya  . Ibang-iba ito sa nakasanayan ko noon. Isinawalang bahala ko na lang yon at nagfocus na sa trabaho.

Gabi na ako nakaalis galing opisina. Papunta kong parking lot at di ko inaasahan ang nakita ko. Si Daphnie na nag aabang nang taxi . Bihira na kasi ang dumaan dito. Tinawag ko siya at lumingon naman ito.

Nandito na naman ang pakiramdam na masaya ka dahil nakita mo iyong hinahanap mo . Yon bang feeling mo na kompleto na yong puzzle na iyong ginawa at siya lang ang makabuo nito.
Pero kailangan kong  pigilan ang nararamdaman ko . Hindi ko naman pwedeng madaliin ito  .

" Hi , Daphnie long time no see " nahihiya kong sabi paano ba naman ang lakas ng pintig nang puso ko.

                 Daphnie 's  POV

   Bakit ba ang malas ko ngayong araw.
Una, pina overtime ako sa magaling kong manager . Tatawagan ko sana sila Mama Rose para kumustahin hindi natuloy mamaya na pagdating sa bahay .
Pangalawa, Walang taxi na dumaan  dito dahil gabi na . Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko   .

Hindi nga ako nagkamali boses  yon ni Adrian  . Nag aya sa kotse niya at wala akong panahon para tumanggi.
Hindi na lang ako magpahalata  . Habang nasa kotse na kami walang imikan hindi ako komportable sa presensya niya . Kaya nag tulog tulogan na lang ako.

"Daph, I'm sorry to wake you up  but hindi ko alam ang address niyo. Ituloy mo lang yan pag dating  natin don ."malambing na sabi ni Adrian.
Hindi ko aakalain na ang pag tulog tulogan ko ay natuloy sa pagtulog .

" Dito na lang ako ibaba Adrian maglalakad lang ako patungo sa apartment ko ."nahihiyang sabi ko dahil nakatulogan ko siya .

" Seriously Daphnie , ibaba kita dito at maglalakad ka lang ? Hindi mo ba nakita itong nga  tambay dito. Baka meron silang gawin sayo ."galit na sigaw niya at bakit naman siya concern sa kaligtasan ko.
" I can handle this Adrian, sige na umuwi ka na at gabi na mag dadrive ka pa . " pagtataboy ko sa kanya .

A Wife's  Secret Where stories live. Discover now