🎧
I used to think one day we'll tell the story of us. How we met and the sparks flew instantly. And people would say "they're the lucky ones."
Patuloy ang pakikinig ko sa music na tumutugtog mula sa earphones ko habang nag-aabang ng masasakyang bus. Hindi nagtagal ay may napara na ako at mabilis na sumakay.
🎧
I used to know my place. Was the spot next to you. Now I'm searching the room for an empty seat. 'Cause lately I don't even know what page your on.
Nang makapasok ako sa loob ay agad akong napakapit sa sandalan ng upuan ng umandar bigla ang bus. Ito ang ikinaiis ko kapag sumasakay ako ng bus. Hindi pa nga nakakahanap ng upuan ang pasahero ay umaarangkada na agad ng alis. Paano kung sumubsob ako sa sahig nito? Kaunti na lang talaga makaka-kutos na ako ng malupet e.
Agad kong sinuyod ng tingin ang loob ng bus. Medyo puno na. Ang natitira na lang na bakante ay iyong tatluhan, may isang lalaki at batang babae na nakaupo doon. Ang isa pa ay sa pandalawahan, may isang lalaking mukhang kalalabas lang ng kulungan ang nakaupo doon, mantakin mo ba namang pati ang mukha ay may tattoo.
Doon ko napiling umupo sa pantatluhan. Mahirap na at baka may mangyaring hindi maganda, mukha pa namang sanggano iyong kanina.
Ingat na ingat ako sa paglalakad papunta doon sa upuang bakante, kapit na kapit ako sa mga sandalan at baka tumihaya na lang ako bigla dito, medyo dulo pa naman ang uupuan ko.
Nang sa wakas ay nakarating ako ay nakatingin sa akin ang batang babae. Napaka-cute naman pala nito. Ang kinis ng balat na aakalin mong lumaki na puro gatas lamang ang pinanliligo, bata pa lang flawless na. Mayroon din itong magagandang mata na tila kumikinang sa paningin ko, kulay asul ito, mapipilantik na mahahabang pilik-mata at iyong ilong niya ay sumakto sa kanyang mukha. Yung labi niya din ay natural na atang naka-pout at mapupula.
Ang ganda at gwapo siguro ng parents nito.
Nginitian ko rin naman ito pabalik. Parang bawal kasi mag-commit ng kasalbahihan kapag kaharap mo itong mukhang anghel na ito. Jusko po.
Umupo na ko at patuloy pa rin sa pakikinig sa music. Nilabas ko ang isang balot kong gummy bears sa dala kong back pack at sinimulang lantakan iyon habang bumabyahe, favorite ko kasi ito e kaya kahit saan ay mayroon ang dala.
Nang akmang isusubo ko na ang pang-apat kong gummy bear ay napansin ko ang batang babaeng pabalik-balik ang tingin sa akin at sa hawak kong balot ng gummy bears, minsanan pa'y napapalunok ito.
May balak pa atang manghingi itong batang ito. Tinanggal ko ang earphone ko sa tenga at nginitian siya. Iniumang ko ang plastic sa kaniya.
"Gusto mo?" Tanong ko. Nanlaki naman ang mata niya at napaiwas ng tingin, nahuli ko pa itong mamula. Naknamputcha! Parang gusto ko itong isako at bitbitin pauwi. "Huwag kang mag-alala, ayos lang. Kuha ka na." Sabi ko pa.
Tumingin ito sa lalaking katabi niya, base sa pagtaas-baba ng dibdib nito ay alam kong natutulog ito. Hindi ko makita ang mukha dahil naka-cap itong nakayuko at may mask pa. Ito siguro ang Papa niya.
Iniumang ko pa sa kaniya ang gummy bears.
"Is it really okay?" Tanong nito. Ay pak! Spokening dollars pala ang batang ito.
"Of course." Sagot ko naman. Dapat pala hindi ko na inalok, mapapasabak pa ako sa englishan nito. Tsk.
Hindi rin katagalan ay ginalaw na din niya ang kaniyang maliit na kamay at kumuha ng gummy bear ko. Isinubo niya kaagad iyon at napangiti ako ng magustuhan niya.
"What's your name, little angel?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Lumunok muna siya bago sumagot.
"I'm Courtney Marie Puertellano po. I'm 5 years old po!" Nakangiti nitong sagot. Ke-ganda naman pala ng pangalan. Pang-mayaman ang tunugan. Nakakatuwa pa ang accent nito lalo na pag nangungupo. Parang pinipilit nitong magtunog magalang ito, kahit hindi sanay.
"Can I call you Marie, instead? Your name is too long kasi." Tanong ko saka kumain ulit ng gummy bear. She just nodded, paano nga ba kase siya makakasagot kung puno ang bibig niya ng gummy bear? Takaw.
"I'm Sabrina, you can call me Ate Sab." Pagpapakilala ko na naman sa sarili ko. Nginitian niya ako saka pinalsakan na naman ang gummy bear ang bunganga niya. Parang ngayon lang nakatikim ng ganitong pagkain itong si Marie.
Maya-maya pa ay gumalaw na ang lalaking katabi nito at nagising.
"Daddy! Daddy! Look oh! I have this... this.. Ahm. What do you call this one, Ate Sabrina?" Baling nito sa akin ng hindi niya malaman ang tawag doon sa kinakain niya. Saan ba galing planeta itong batang ito at pati ang tawag sa kinakain namin ay hindi niya alam?
"Gummy bear." Nakangiti kong sagot sa kaniya. Bumaling naman ito agad sa Daddy niya at masaya na namang nagkwento.
"Oh yes! Gummy bear! You try it, Dad! It's delicious!" Pagkausap pa niya sa daddy nito. Itinaas niya pa ang dalawang paa sa upuan at patuloy na kinukulit ang ama.
"I'd rather not. Who gave you that?" Napalunok ako ng marinig ang boses ng daddy ni Marie. Buong-buo ito, lalaking-lalaki kahit na may nakatakip na mask sa bibig nito. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Shet na malagket, nasobrahan na naman siguro ako sa pagkain ng gummy bears na 'to.
"Ate Sabrina did! She's so kind and pretty, Dad! Look at her!" Dinig ko pang sabi ng bata. Ako naman ay humarap sa kanila at kiming ngumiti at tumango saka iniiwas agad ang tingin ko. Nakita ko kasing nakatingin sa akin ang dalawang kulay asul na mata ng daddy ni Marie. Mata pa lang, ke-gwapo na. Napalunok ako.
Ano ba naman, Sab! Mata pa lang kumekerengkeng ka na! Paano 'pag nakita mo na ang buong mukha? Baka sunggaban mo na agad iyan!
Napailing na lang ako.
"I told you not to eat those kind of foods, didn't I?" May awtoridad ang boses ng ama nito. Nakita ko namang napayuko ang bata at tila lumungkot.
"I know. But I can't help it. It looks so delicious, daddy. I really want to taste it, so Ate Sabrina gave me some." Pagpapaliwanag pa nito na tila maiiyak na. Naawa naman ako sa bata. Hindi naman kasi dapat pinaghihigpitan ang mga batang katulad niya, lalo na sa pagkain.
Napabuntong-hininga naman ang lalaki saka kinabig ang anak at pinaupo sa kandungan niya. Nag-iwan pa ito ng isang magaang na halik sa tuktok ng ulo ng bata.
"Do you really want that gummy bear?" Tanong nung lalaki sa malumanay na boses. Tumango naman ang bata. "Okay. We'll buy tons of that when we gets home." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti ito base sa tono ng boses niya.
"Really?! Really?! Really, dad? You will do that?" Agad naman napaupo ng diretso ang bata at buong kagalakang siniguro sa ama ang sinabi nito. Tumango ang lalaki na nakapagpatili sa bata. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi.
Napangiti na lang ako ng mapait. Masaya akong nakakakita ng mga ganitong eksena, ngunit hindi ko rin mapigilang mainggit.
Kapagkuwan ay humarap sa akin ang ngiting-ngiting si Marie.
"Ate Sabrina, I introduce you my handsome Dad, Daddy Calyx. Dad, this is Ate Sabrina." Magiliw na pagpapakilala niya sa aming dalawa. Agad namang iniabot ng lalaki ang kamay sa akin, habang ang isa ay tinanggal ang cap at mask na suot nito. Nanlaki ang mata ko at napipilan. Damn! Ang gwapo. Punyeta!
"Hi. Nice to meet you." Sabi pa nito ng nakangiti habang hinihintay na abutin ko ang kamay niya. Shet. Totoo ba ito? Wait! Baka naman nasa heaven na ako? Pero kung nasa heaven na ako, bakit may mukhang kanang kamay ni Satanas dito? So ano? Ano nga 'to?!
Bumalik ako sa reyalidad nang tumikhim ito. Nakita kong nakaabang pa din siya sa pakikipagkamay. Kaya gamit ang nanginginig kong kamay ay iniabot ko ito sa kaniya. Alangan ang ngiti ko rito. Nakaramdam ako ng kuryente ng magdaop ang palad naming dalawa kaya agad ko rin iyong binawi. Shit. Ano 'yon?
Beh. Hano na ha? Yung puso ko. Yung puso koooooo!!!
———
–EonnieTrix❤️
DU LIEST GERADE
My End Game
RomantikPUERTELLANO SERIES #1 Calyx Race Puertellano && Sabrina Al Pineda
