Kabanata 9
Bagay kasi tayo..
"Akala ko gusto mo ako."
15 minutos na kami magkatabi dito sa mini park ng school at halos malagas buhok ka sa sinabi niya. Lumingon ako sa kanya at ewan ko nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang napakaperpektong mukha niya. Syempre perfect para sa akin. Haha.
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Alam mo bang halatang halata ka. Lagi kang nasa labas ng studio, tapos kapag nililingunan kita halos saktan mo yung kasama mo."
"Ah ano? Wala akong maalala sa sinasabi mo. Baka hindi ako yun." palusot ko pa trying to convinced him which obviously I didn't.
"Lagi ka din nakasunod sa akin sa library. Ayokong magassume pero halata kasi talaga." seryoso niyang sinabi.
"Nagkakataon lang talaga. Kasi magkaline up yung sections natin o malay mo meant to be lang talaga tayo."
Oh noes! Sinabi ko ba talaga yun? Agggh. Nakakahiya ka Dixie! Nababaliw ka na talaga. Bigla syang napailing na may natatawang mukha.
"Ganyan ka ba talaga nababaliw sa kagwapuhan at katalinuhan ko?" Okay.. grabe naman yung kahanginan ng isang to.
"Grabe. Ang yabang mo pala."
"Nagsasabi lang ng totoo. Sayo na nga din nanggaling eh." bigla niyang tinaas ang isang pilas ng papel, oh sht! Yung page sa likod ng journal notebook ko.
No! Sobra na ata yung kahihiyan ko ngayon. Pinilit kong inabot yung papel pero masyado siyang malakas tapos tumayo pa siya. Ang tangkad niya kaya.
"Akin na kasi yan."
"Aminin mo na kasi."
"Wala akong aaminin."
"Halata naman eh. Eto na nga ebidensya"
"Hindi ikaw yan."
"Ilang Sky Lee ba ang kilala mo?"
Napahinto ako tapos inayos nya yung medyo nagulo nyang uniporme. Sige na nga aamin na ako. Halatang halata niya daw eh. Edi sige. "Oo na, aaminin ko na." sabi ko sa kanya.
Bigla siyang sumeryoso ng mukha. Hot and cold guy, how could I like you? Ang hangin mo pa.
"Anyway it doesn't make any sense" tsaka siya lumakad palayo.
Kasabay nun ang pagguho ng mundo ko. OA lang pero ang sakit kaya. Alam ko namang hindi niya ako magugustuhan pero hindi naman kailangan isampal ng pagkakataon sa akin yun.
"Bea!" sabay hawak sa balikat ko.
"Chill ikaw pala yan."
"Oh bakit nakasimangot ka?" gosh! Ang bango naman nitong si Chill. Ano bang pabango niya, nakakaakit naman.
"Ah wala."
"Nakita ko kayo ni Sky. Inaway ka ba niya?"
"Naku hindi. Hindi nga kami naguusap nun eh."
"Good to hear."
"huh?" medyo di ko kasi nagets yung sinabi nya.
"Wala wala. Nakapagreview ka na ba? Next week na yung quarter exam." paalala niya pa.
"Ah mamaya nga sana. Wala daw kasi tayong teacher sa Physics. Kaya lang gusto ko lumabas para magmeryenda" nagugutom na kasi talaga ako. Hindi ko kasi magawang iwan si Sky kanina eh. Kaso for the very first time, sinaktan niya yung damdamin ko. Hay ka stress naman oh!
"Really? Yayayain sana din kasi kita itry yung Chinese food diyan sa labas. Kakabukas lang nung shop nila."
"Naku. Baka kulangin ako. Sa tusok tusok na lang ako."
"Ano ka ba naman. Ako nagyaya siyempre libre ko."
"Naku. Palagi mo na lang ako nililibre Chill. Nakakahiya na."
Bigla niyang kinuha yung sling bag ko pati workbook na nakapatong sa bench na inuupuan namin kanina ni Sky. "Tara." sabay akbay sa akin.
As usual, nakatingin na naman sila lahat sa amin. "Ah Chill. Nakakahiya na talaga." kinuha ko yung workbook ko tsaka akmang kukunin din yung bag.
"Gusto ko tong ginagawa ko Bea. Pabayaan mo na ako." lalo pang lumapad yung ngiti niya. Shemay! Paano ba to ginawa ng magulang niya at ang gwapo ng pagkakahulma ng mukha.
Nilibre niya ako ng siomai tapos chocolate milk tea tapos rice meal. Masarap naman kaya naubos ko. Sympre nagkwentuhan din kami pampaubos oras, pareho kasi kaming tinamad magreview.
"Bea. Sa bahay na lang namin tayo magaral. After class?" sabay sip niya sa milk tea nya.
"Seryoso ka ba? Tayo lang dalawa?"
"Oo naman."
"Ah eh kasi. Ano iisipin ng parents mo diba?" sabi niya kasi never pa siyang nagdala ng girl alone sa bahay nila kung magdadala man siya ay puro lalake o kaya madami.
"Wala yun sa kanila. Eh hindi ko naman din sila masisi kung pagkamalan tayong couple. Bagay kasi talaga tayo."
I just melted. Gosh! Ang gwapo niya. I don't even deserved that kind of line from him. Kung hindi lang ako attached kay Sky malamang ay nafall na ako kay Chill.
** Itutuloy
