#4

0 0 0
                                    

Sa paglalakad ko, ang bawat poste na makita ko ay may mga poster na iisa lang ang pinapakita.

"We care for you, Mother Nature."

Sa pagtagal ng panahon, ang problema sa pagkasira ng kapaligiran ay mas lalong lumala at hindi na mapigilan.

Sa mga ganitong paraan nalang idinadaan ng mga organisasyong iyon ang pagmumulat sa mga mata ng tao.

Sa poster?

Sa mga taong nakadamit ng berde na may imahe ng maganda at malinis na mundo na makikita mo sa kung saan-saan lamang. Nanghihimok sila na maging responsable ang mga tao at huwag magtapon ng basura sa kung saan-saan.

Sa mga basurahang may label at mga poster na nakadikit kung saan makikita ang masasamang epekto ng pagkasira ng kapligiran.

Sa tingin ba nila ang mga bagay na ito ang makakapagpamulat sa mata ng tao?

Sa bagay, hindi naman ang kapakanan ng kapaligiran ang iniisip nila. "We care?" Sinong niloko nila?

Do we really care?

Baka naman hindi ito care kung 'di takot.

Natatakot sila sa magiging kahantungan ng tao kapag nasira ang kapligiran.

Ang kapaligaran ang pinagkukuhanan ng mga pangangailangan ng tao. Totoo 'yon.

At mamamatay ang tao kung wala ang mga necessities na ito.

Do they really care for the nature?

O baka naman natatakot lang sila para sa hinaharap nila.

Natatakot sila sa mangyayari sa kanila pag sira na ang kapaligiran.

They don't care for the nature, they care for themselves.

Why am I surprised though?

It's in the nature of humans, to be selfish.

They save things,

they help things,

they repair things

just because it benefits them.

Walang kwenta ang isang bagay at hindi nito kailangan ng atensiyon kung walang kapakinabangan sa tao.

Wala silang pake sa kapaligaran pero they feel the need to save it.

They feel responsible but they don't care about it.

Nakakita na naman ako ng isa pang grupo ng mga tao na nakatambay sa daan. Nakasuot ng berdeng damit na may imahe ng magandang mundo at namimigay ng flyers.

Tinanggap ko ang inalok nila.

"Alternative ways to save Earth" sabi dito.

Nakalagay pa dito na sinusubukan nilang buo ng mga bagay na makakatulong sa pagligtas ng kapaligiran.

'Yon ay kung magbibigay kami ng donasyon para magkapondo sila sa pagpapagawa nito.

Tinapon ko ang flyer.

Nagsasayang lang sila ng puno sa paggawa ng mga flyer.

Sino bang niloko nila?

Ilang taon na nilang pinangako ang mga kagamitang makakapaglitas sa kapaligiran.

Walang pondo? Ang raming nagbibigay ng donasyon sa kanila.

Sino bang niloloko nila?

365 Stories to be ToldWhere stories live. Discover now