Ramdam ko na ang lamig ng simoy ng hangin, magpapasko nanaman pala. Habang pinagmamasdam ko ang ang mga kaganapan sa paligid ko, mula sa maliit hanggang sa malaking senaryo napapansin ko ang pagkakaiba iba nito.
May mga bata sa kalye, naglalaro at mababakas mo dito na minsan nakaranas tayo ng kagaanan ng buhay. Hay! Ang sarap maging bata kung pwede lang ibalik ang panahon. Mga sasakyan na nagbibigay liwanag sa dilim, mga sasakyan na umuusad kahit napakabagal ng takbo makarating lamang sa destinasyon. Mga nagtitinda sa kalye ng kung ano ano, may mga magkakaibigan, babae, lalake, bakla, tomboy na nagkakatuwaan saan mang dako na kayang abutin ng mga mata ko.
Nang mapagod akong maglakad lakad umupo ako sa isang bench.
Hay!
Tatlong ....... Tatlong taon na pala ang nakakalipas simula ng mangyare ang araw na yon. Pero, sa nakalipas na maraming taon hindi pa rin ako nakakausad....... Andun pa rin ko, para akong nakakulong sa nakaraan na kailangang hanapin yung susi sa pinakailalim ng dagat para lang makalaya sa hawla.
Tinatanong ko yung sarili ko. Bakit ganon ? Ginusto ko naman to ? Pero bakit habang lumilipas ang panahon pasakit ng pasakit? Hindi ba dapat habang lumilipas ang panahon kasabay nito ang paghilom ng sugat na idunulot ng kahapon? Hindi ba dapat nakausad na ako?
Akala ng iba masakit na pag pinamukha kang tanga.
Akala ng iba masakit na pag pinagpalit ka sa iba.
Akala ng iba masakit na pag iniwan ka.
Pero.
MAS masakit yung IKAW, ikaw yung nagpamukha sa kanya na isa syang tanga.
MAS masakit yung IKAW, ikaw na pinaniwala mo sa kanyang pinagpalit mo sya sa iba.
At higit sa lahat...
Wala ng mas sasakit pa sa iniwan ko sya.
Di ko namamalayan umiiyak nanaman ako. Walang gabing hindi ko sya naiisip, walang gabing hindi ko sya iniyakan, walang gabing pinagdasal ko na sana paggising ko wala na yung sakit. Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung paano ko pa iaangat ang sarili ko.
Pero ang alam ko lang......
Mahal ko pa sya.....
Mahal na mahal..
YOU ARE READING
In Between
Romance"Why can't you take a risk even just for once?" he said. "I would rather choose in between.... less expectation less pain"
